top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 5, 2024


Photo
File photo: Denice Cornejo - Cedric Lee

HINDI sa National Bilibid Prisons (NBP) Muntinlupa unang dinala ang akusadong si Cedric Lee after na mahatulang “guilty beyond reasonable doubt” ng Taguig Regional Trial Court last May 2 sa kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.


No show kasi sa promulgation si Lee, kaya ang kapwa akusadong si Simeon Raz lang ang unang nadala sa NBP, habang ang isa pang akusado na si Ferdinand Guerrero ay patuloy na nagtatago hanggang ngayon. 


Si Deniece Cornejo naman ay nakapiit na umano sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City. 


Sumuko rin naman agad si Lee sa NBI kinabukasan at ngayon ay nasa kustodiya na rin ito ng NBP.


Dahil sentensiyado na sila ng Taguig RTC last May 2 ng habambuhay na pagkakakulong, “persons deprived of liberty” o PDL na ang tawag kina Lee, Raz, Guerrero at Cornejo.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 4, 2024



Photo
Photo: Cedric Lee / News Media / Circulated

 

Boluntaryong sumuko ang businessman na si Cedric Lee kay NBI Director Atty. Medardo Dilemos matapos mahatulang guilty sa kasong isinampa ng actor at TV host na si Vhong Navarro. 


Base sa ulat ng GMA News, pinick-up umano si Lee ng mga agents ng NBI sa Mandaluyong ilang oras matapos mahatulang guilty ang businessman kasama sina Deniece Cornejo, Ferdinand Guerrero at Simeon Raz. 


Reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo without bail ang naging hatol ng Taguig Regional Court nu’ng nakaraang Mayo 2 sa kasong serious illegal detention at pambubugbog sa It's Showtime host na si Vhong Navarro nu’ng 2014. 


Gaya ng mga protocol sa mga naaaresto, kinuhanan din ng mugshot at fingerprints si Lee.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 3, 2024


Photo
File photo: Denice Cornejo - Vhong Navarro - Cedric Lee / FB

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Huwebes, May 2, 2024, binasa sa korte ang hatol kina Cedric Lee at Deniece Cornejo, pati na rin sa mga kasamahan nilang sina Zimmer Raz at Ferdinand Guerrero et. al, na agad ipinaaaresto at ipinakukulong. 


“The Taguig Regional Trial Court convicts Cedric Lee and Deniece Cornejo and two other respondents in the serious illegal detention case filed by actor-host Vhong Navarro,” according to Atty. Alma Mallonga, Navarro's lawyer.                                                                 


Inakusahan ni Vhong si Lee of detaining him on the night of January 22, 2014 sa isang condominium unit sa Taguig City, kung saan kasama ni Lee ang iba pa niyang companions,  binugbog umano nila si Vhong at tinakot pang papatayin, ayon pa kay Atty. Mallonga.


Lee allegedly demanded up to P2 million for Vhong's release, subali't napagkasunduan na lamang nila sa halagang P1 million.


Kasama sa mga hinatulang “guilty beyond reasonable doubt” sa kasong serious illegal detention si Cedric Lee at modelong si Deniece, pero ayon sa dalaga'y nag-attempt si Vhong na gahasain siya nu’ng gabi ring ‘yun. 


Nakasaad pa sa salaysay na itong rape allegation ni Lee ang ginamit na justification para bugbugin ang It's Showtime host at sapilitang paaminin na ni-rape si Cornejo sa police station that same night.


Sa isang CCTV footage, nakita na si Cornejo ay pababa ng elevator mula sa kanyang condo unit halos isang minuto matapos lumabas ni Navarro sa elevator para pumunta sa unit ni Deniece. 


Iginiit ng kampo ni Vhong na it's physically impossible para gahasain niya si Cornejo in such a short time.


Ang iba pang kasamang akusado sa kaso ay ang kapatid ni Cedric na si Bernice Lee at sina Simon Diaz, Jr., Jose Paolo, Gregorio Calma, Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page