top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 28, 2024



Showbiz news
File photo: Kathryn Bernardo / IG

Madamdamin ang naging mensahe ni Min Bernardo sa kanyang anak na si Kathryn Bernardo pagkatapos nitong maiuwi ang Best Actress trophy sa nakaraang 72nd FAMAS  Awards Night na ginanap sa makasaysayang Manila Hotel nu'ng Linggo nang gabi (May 26). 


Napanalunan ni Kathryn ang kanyang kauna-unahang Best Actress sa FAMAS para sa pelikulang A Very Good Girl.


Sa Instagram post ni Mommy Min, makikita ang mga larawan nila ni Kathryn mula pagkabata ng aktres hanggang sa pagkapanalo nito ng Best Actress award.


Mensahe ni Min, “One day you said ‘Mama, Papa, gusto ko mag-artista.’ Wala naman sa family natin ang artista pero bata ka pa lang, alam mo na ang gusto mong gawin.


“And now here we are, reflecting through your journey. I can say na sobrang proud kami sa 'yo, anak! Remembering how you faced every struggle and challenge na napagdaanan mo/natin as family. Watching you overcome everything and grow into an amazing person you are has been one of our greatest blessings. I never knew how strong you are until I saw your determination and how you bounce back every after fall, you remained positive and kind to the world no matter what.


“If you have a dream, never let go of it, don't give up ‘till the end. Make yourself your own competition. Always keep that spirit that brought you this far, nandito lang kami para sa 'yo. You have earned every bit of this success.


“Finally, congratulations to our best actress! We love you, anak!” 


Samantala, narito ang iba pang nanalo ng major awards sa katatapos lang na FAMAS Awards:    

Best Actress: Kathryn Bernardo (A Very Good Girl)

Best Actor: Piolo Pascual (Mallari) and Alfred Vargas (Pieta) 

Best Picture: Mallari

Best Director - Louie Ignacio (Papa Mascot)

Best Supporting Actress: Gloria Diaz (Mallari)

Best Supporting Actor: L.A. Santos (In His Mother’s Eyes)

Best Child Actor: Euwenn Mikaell (Firefly)

Best Child Actress: Elia Ilano (Ghost Tales)

Congratulations sa lahat ng nanalo! 



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 26, 2024



Photo
File photo: FB Circulation

Usap-usapan ngayon sa social media ang torrid kiss ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa girlfriend na si Yassi Pressman sa harap ng libu-libong tao sa bayan ni Gob. sa naganap na Kaogma Festival nu’ng Huwebes nang gabi (May 23).


Highlight ng gabi ang duet nina Governor Luigi at Yassi sa saliw ng kantang Hero na pinasikat ng singer na si Julio Iglesias. Pagkatapos ng kanilang duet, hindi na mapigilan ni Gov. Luigi ang kanyang public display of affection (PDA) sa maganda at seksing aktres na si Yassi at dito niya ni-lips-to-lips ang GF.


Kitang-kita sa video post ng isang Facebook user na si Jam Lustre ang tukaan ng dalawa. Humirit pa ng "more, more" ang crowd kaya't inulit-ulit nila ang halikan.


Habang nasa entablado ang gobernador at nagtatalumpati tungkol sa weeklong Kaogma festival ng kanilang lalawigan, kanyang idineklara ang pagmamahal niya kay Yassi.


Muling kinilig ang mga constituents ni Gov. Luigi dahil kasama sa kanyang talumpati ang pagkilala kay Yassi bilang importanteng bahagi ng kanyang buhay. 


"Siyempre, mga taga-Camarines Sur, I want to thank the most special person in the life of your governor.


"Mahal, Yassi, thank you for all what you’ve done to me. Thank you for helping making this possible.


"I want to say in front of the hundred thousand Camarinenses now, I love you, Yassi."



Ex-GF, maling akala raw na kaya ‘di natuloy ang kasal nila… SIGAW NI ANJO: WALA NA KAMI NI SHERYL NU’NG NAKABUNTIS AKO NG IBA


Photo
File photo: Anjo Yllana / IG - Sheryl Cruz / FB

Nagsalita na si Anjo Yllana kaugnay ng panayam kay Sheryl Cruz ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes (Mayo 23).


Sa panayam ni Boy kay Sheryl, sinabi ng actress na dati'y nagkaroon sila ng relasyon ni Anjo. Inalok siya nito ng kasal na tinanggap naman niya. Pero hindi umano natuloy ang dapat sana'y kasal dahil nakabuntis ng ibang babae ang aktor.


Sa panayam ni Anjo sa PEP.ph, nais daw niyang ibahagi ang kanyang panig sa isiniwalat ni Sheryl sa national television tungkol sa totoong nangyari. Ikinagulat daw ni Anjo ang maling akala ni Sheryl kaya't nais niyang itama ang kuwento.


Inamin nitong inalok niya ng kasal noon si Sheryl, pero itinanggi niyang nakabuntis siya ng ibang babae kaya naghiwalay sila.


Pahayag ni Anjo sa PEP.ph, “Wala na kami noong nakipag-cool-off ako sa kanya, pero hindi ko alam kung nagpunta siya sa Amerika.


"Basta ang alam ko, nu’ng meron akong bagong girlfriend, wala na kami ni Sheryl.

“Hindi ko alam kung nagpunta siya sa States dahil masama ang loob niya dahil nga may girlfriend na ako.


“Ang problema ko noon, nabuntis ko ang girlfriend ko, pero break na kami ni Sheryl.

"Siguro, akala niya, nu’ng nag-cool-off kami, dahil nakabuntis ako.


"Siyempre, nakabuntis ako, pananagutan ko. At baka masakit sa kanya [Sheryl] ‘yun," paglilinaw ni Anjo.


Sa pagpunta ni Sheryl sa US, dito niya nakilala ang tatay ng kanyang anak na si Norman Bustos.


But sad to say, hindi rin sila ang nagkatuluyan, at ngayon, balitang may bago nang boyfriend si Sheryl.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 24, 2024


Photo
File photo: Lovi Poe / IG

Matagal-tagal ding nawala sa eksena si Lovi Poe pagkatapos niyang magpaalam sa  seryeng Batang Quiapo for reasons na nagpakasal siya sa boyfriend sa US. 


Sa kanyang pamamaalam sa serye, si Ivana Alawi ang pumalit sa kanya bilang leading lady ni Coco.


Muling nagpakita si Lovi sa nakaraang mediacon  at contract signing nito as endorser ng SCD (Skin Care Depot), at kanyang ibinahagi sa mga press people na dati raw ay maliit ang kanyang boobs at morena ang kulay ng balat.


Umpisa ng actress, "Actually, parang I had a moment noon na dapat magpapaputi ako. Until one time, I remember na I’m having a conversation, na I was stubborn kasi talaga (among) sa mga alaga ng manager ko, parang nasabi ko, 'Eh, ano kung dark skin color ako? Or flat-chested ako?'


“Ang sabi ko na lang, basta gagalingan ko na lang. Kasi sino pa ba ang magmamahal sa sarili mo kundi ikaw, 'di ba? So hindi na siya naging isyu sa akin, hindi na ako affected. So what? Ganu'n ang naging attitude ko. I’m happy where I am now. Hindi ako nagpatalo sa mga ganu'ng panlalait. Hindi na siya nakaapekto sa akin. Naging masaya ako sa ginagawa ko,” aniya. 


Nagbabalak sana umano si Lovi na magpalaki ng boobs ngunit hindi ito natuloy.


“I’ll be honest, naisip ko rin na parang, should I? Pero I’m so paranoid kasi sa mga ganyan, and I’m happy naman na hindi ko ginawa. Pero nakakainggit din kapag may nakikita akong mga taong may big boobs. Sana all! Hahahaha! Pero now na may husband na ako, I don’t need to have a boob job! Hahaha!” ani Lovi.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page