top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | June 30, 2024



Showbiz news
Photo: Ryan Bang / IG

Madamdamin ngunit puno ng saya ang eksena ni Ryan Bang at ng non-showbiz girlfriend na si Paola Huyong nang tanggapin na ng huli ang marriage proposal ng It’s Showtime host. 


Naging mahigpit ang kanilang yakapan habang nakangiti.


Sa kaarawan ng brother ni Paola nangyari ang eksenang “engagement”.


Sa tiny letter ni Ryan, mababasa  ang kanyang note, “Mi Amor, Thank you for saying ‘YES’.


"Can't wait to spend the rest of my life with you. From your soon-to-be husband (heart emoji).”


Ang espesyal na yugto sa buhay nina Ryan at Paola ay naghatid ng papuri at pagbati ng masasayang mensahe mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya.


Matatandaang ilang aktres din ang niligawan ni Ryan Bang dati tulad ni Yeng Constantino ngunit sa lahat ng niligawan nito ay basted siya. 


Kaya naman, happy kami para kay Ryan Bang na finally ay natagpuan na niya ang babaeng dadalhin niya sa altar at makakasama habambuhay. 



                                                           


                                                           


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | June 25, 2024



Showbiz news

Dahil Pride Month ngayong June, napagdiskitahan ng ilang bashers ang dalawa sa ating celebrity transmen gaya ng dating singer na si Charice Pempengco na ngayo’y kilala bilang Jake Zyrus at Aiza Seguerra na ngayo’y Ice Seguerra na.


Unang pinansin si Jake matapos nitong mag-post ng ilang kasabihan sa Instagram (IG) nitong nakaraang June 20, 2024 mula sa Russian novelist na si Fyodor Dostoevsky.


Nakasaad sa post, “A beast can never be as cruel as a human being, so artistically, so picturesquely cruel. - Fyodor Dostoevsky.”


Nilagyan ito ni Jake ng kanyang dalawang larawan at nakasaad din ang isang kasabihan mula naman sa American writer at human rights activist na si James Baldwin.


Ayon sa mensahe, “The most dangerous creation of any society is the man who has nothing to lose. - James Baldwin.”


Dahil sa kanyang ipinost, isang netizen ang nagkomento. Sey nito ay sayang ang boses ni “Charice”. Ikinumpara pa nito si Jake kay Ice Seguerra na isa ring transman.


Komento ng netizen, “Sayang boses mo, Charice. Bakit si Ice Seguerra, transman pero never binago ang boses. Sayang talaga.”


Inalmahan ni Jake ang komento ng netizen pagkabasa nito.


Tinawag kasi siya ng netizen sa dati niyang pangalang Charice na kanya nang kinalimutan pagkatapos niyang mag-transition, na ang ibig sabihin ay “deadnaming” o pagtawag sa isang transgender sa kanilang birthname gayung kinalimutan na nila ito bilang bahagi ng kanilang pagbabagong katauhan.


Reaksiyon ni Jake sa netizen, “First of all, with respect to my past, keep my deadname out of your silly mouth.”


Tutol din si Jake sa pagkukumpara sa kanila ni Ice at sinabi ni Jake na hindi nagte-take si Ice ng hormone therapy. It’s a huge part of being a transman.

“Maybe there are more important reasons why he hasn’t taken hormone therapy. I am not going to explain the rest because based on your comment you sound ignorant.”


Dahil tila gusto raw ng netizen na maging “center of attraction” ay pagbibigyan ito ni Jake sa pamamagitan ng pagpi-pin niya sa komento nito.

“Google is free, my darling. I’m going to pin your comment because it seems like you love being the center of attention. So let’s give it to you sweetheart. Have a nice day.”


Ayon naman sa isang fan ni Jake, ang komento ng basher ay nagpapakita ng bias nito laban sa mga transgender.


Saad ng fan, “Yikes! Your transphobia is showing sis. Before you comment, maybe you should do some research. The only thing sayang is you coming on here just to write some trash ass comment. Okay, bye have a nice day.”


Buwelta ni Jake, “Right. You support a trans, and bash another trans because of what? Birit?

‘Yun lang? Make it make sense, Sis. Being a transgender is more than just singing high or low notes.


“And the audacity of you to deadname me and properly call Ice his real name. What a joke,” pahayag ni Jake.  


Sa kabila ng lahat, isa namang supporter ang nagpaabot ng kanyang simpatya kay Jake Zyrus. Pinuna rin nito ang basher dahil hinanap lamang daw nito ang account ni Jake upang husgahan ito.


Sey ng isang netizen, “What gives you the right to come on his Instagram to come and judge him? We come on here to show our love and support to Jake, but it’s people like you who are too ignorant to educate yourself. If you don’t have anything nice to say, then don’t say anything at all. Keep your opinions, insults, judgments, etc. to yourself.”


“We love you, Jake, don’t let people like this ruin your day,” pagtatanggol ng fan at supporter para kay Jake Zyrus.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | June 1, 2024



Showbiz news
File photo: Vice at Billy / It's Showtime

Now it can be told kung bakit nga ba nagkatampuhan ang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Billy Crawford noon. 


Ikinuwento ni Vice sa kanyang YouTube vlog nu’ng May 27, 2024 nang maging guest niya ang singer na si Erik Santos ang dahilan kung bakit nagkatampuhan sila ni Billy.


Sa simula ng kanilang kuwentuhan, nabanggit ni Erik na nakaramdam siya ng matinding lungkot dahil ikinakasal na ang kanyang mga kaibigan.


Inamin naman ni Vice na naramdaman din niya ang katulad ng naramdaman ni Erik.


“Na-experience ko ‘yan dati nu’ng unti-unti na silang nagpapakasal — sina Karylle, Anne at Billy.


“Masaya ka para sa kanila, pero malungkot ka para sa sarili mo,” paglalahad ni Vice.

That time ay wala pa si Ion Perez sa buhay ni Vice Ganda. 


At dahil nga sa nasabing lungkot o depression, nagplano siyang umurong sa imbitasyon sa kasal nina Billy at Coleen Garcia.


“Nu'ng kasal ni Billy, muntik kaming magkagalit, magkatampuhan. Kasi last minute, pinasok ako ng depression, ‘yun ‘yung time na unti-unting nade-develop ‘yung depression ko. Tapos ‘yung natatakot ako sa papalapit na kasal ni Billy dahil lalo akong nalulungkot,” sey ni Vice.


Naisip daw niyang baka maging forever na siyang single. 


Patuloy niyang kuwento, “Tapos, hindi na ako pupunta sa kasal n’ya. Parang bukas ‘yung kasal niya, tapos today, nag-text ako sa kanya, ‘I won’t make it.’


“Nagalit talaga s’ya,” saad ni Vice.


“Tapos, hanggang ang dami kong alibi na wala na akong masasakyang eroplano. Tapos, inayos n’ya lahat para lang makapunta ako. Tapos, sabi niya, ‘Kung ayaw mong pumunta mismo sa wedding, at least, nandu’n ka lang sa Balesin. Kung ayaw mong panoorin ‘yung ceremony, at least, du’n ka lang sa Balesin.’”


Natuloy pa rin naman si Vice at dumalo sa wedding ceremony pero hindi na siya pumunta sa reception.


“After the ceremony, sobra na akong nalungkot, dumiretso ako sa kuwarto.”

'Yun naman daw ang naging tulay para makabuo ng matibay na pagkakaibigan si Vice kina Regine Velasquez  at Ogie Alcasid nang puntahan siya at damayan sa kuwarto kung anumang problemang dala-dala niya.


Sabi ni Vice, “Kasi hinahanap nila ako. Tapos, sabi nila, ‘Si Bakla, nasa taas, ayaw bumaba.’ Inakyat nila ako.


“Tapos, habang nagdarasal na sila for me at nagkukuwentuhan kami, biglang si Regine, kailangan nang bumaba kasi kakanta na siya ng Araw-Gabi. Eh, hindi ko puwedeng hindi marinig si Regine kaya bumaba ako para lang marinig ko si Regine.”


Samantala, pinayuhan naman daw siya ni Ogie na 'wag magpatalo sa kanyang depression dahil maraming nagmamahal sa kanya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page