top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 5, 2024


Showbiz news
Photo: Angelica Yulo / Circulations FB - Carlos Yulo / FB - Mark Andrew Yulo / One News

Halos lahat ng Pilipino sa buong mundo ay nagbubunyi sa pagkapanalo ng ating Pinoy gymnast na si Carlos Edriel Yulo matapos nitong maiuwi ang gold medal para sa men’s gymnastics floor exercise ng Paris Olympics sa Bercy Arena, Paris, France nu'ng Sabado ng hapon, Agosto 3 (Sabado ng gabi sa Pilipinas). 


Kapansin-pansin na sa pagkapanalo ni Carlos, hindi man lang nagpapahatid ng pagbati o panayam sa social media ang kanyang inang si Angelica Yulo dahil inaasahan ng mga netizens ang pagbati ni Angelica sa anak para sa karangalang ibinigay nito sa bansang Pilipinas.     


Sabi ng ilang netizens, hindi raw nagbunyi o nag-cheer ang ina ni Carlos pati ang pamilya nito.


Mas nag-cheer pa raw ang ina nito sa isang Japanese gymnast. 


Dahil dito, lumikha ng intriga ang huling Facebook (FB) post ni Angelica na mas natuwa pa siya sa pagkapanalo ng Japanese gymnast na si Shinnosuke Oka, kung saan nagkomento si Angelica ng “Japan pa rin talaga. Lakas."


Pang-labindalawa si Carlos sa 24 finalists ng nasabing kompetisyon. 


Tila nasakyan naman ng mga kababayan nating Pinoy na may problema sa pagitan ng mag-ina. 


Nu'ng Pebrero 17, 2023 ang huling pagkakataong binati ng kanyang ina si Carlos ng “Maligayang kaarawan.” Isang belated greetings ito dahil Pebrero 16 ang 23rd birthday ni Carlos.


Mula noon, wala nang post si Angelica tungkol kay Carlos. Hindi na rin niya binabanggit ang pangalan ng anak. 


Pinagdududahang patungkol pa rin kay Carlos ang ang kasunod na FB posts ni Angelica na may petsang Agosto 1, 2023.


Sabi nito sa kanyang post, “Dami nagsasabi sa ‘kin na baka raw nagayuma ka, nakulam ka or dinasalan ka. Ayaw ko sanang maniwala, in this age, uso pa ba talaga ‘yan?


“Kaso parang mukhang totoo dahil baka pati ang sarili mo ay 'di mo na kilala. Manalamin ka, masyado ka nang mataas, baka dumating ang araw, sumadsad ka sa lupa.”


As of today, wala pang ibinibigay na pahayag sa pagitan ng mag-ina na sina Angelica at Carlos tungkol sa kanilang hindi pagkakaunawaan dahil nagsimula lamang maungkat ang isyu nang maging instant celebrity si Carlos, simula nang manalo ito sa Paris Olympics.


Pero ayon sa mga nakakaalam ng kuwento, may kinalaman daw sa usaping pananalapi ang isyu.


Diumano, naglalambing ang ina ng gymnast ng malaking halaga pero hindi ito naibigay ng anak.



Nagluluksa ang Philippine showbiz industry dahil sa pagpanaw ng Regal matriarch at showbiz icon na si Lily Monteverde o mas kilala sa showbiz bilang Mother Lily kahapon, Agosto 4, 2024 (Linggo), at 3:18 nang madaling-araw.


Kinumpirma ng isa sa mga anak ni Mother Lily na si Goldwin Monteverde ang malungkot na balita sa social media.


Pumanaw ang Regal Films matriarch sa Medical City, Pasig City sa edad na 85, makalipas lamang ang pitong araw mula nang pumanaw ang kanyang asawa na si Leonardo “Father Remy” Monteverde noong Hulyo 29, 2024.


Inihatid si Father Remy sa kanyang huling hantungan sa Heritage Park, Taguig City, noong Sabado nang tanghali, Agosto 3, 2024.


Naulila ni Mother Lily ang kanyang mga anak na sina Winston, Sherida, Roselle, Dondon, at Goldwin.


Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya sa dahilan ng pagkamatay ni Mother Lily.


Taos-puso po kaming nakikiramay sa pamilyang naiwan ng Regal matriarch.




 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 4, 2024


Showbiz news
Photo: KathDen Magics Global / FB

Masayang binisita ng mga fans sina Kathryn Bernardo at Alden Richards na nagsu-shooting ngayon ng kanilang movie, ang Hello, Love, Again (HLG), sa Calgary, Canada. 


Dinagsa ng mga fans ang location shooting ng dalawa at hinarap naman sila nina Kathryn at Alden.


Three weeks mananatili ang KathDen sa Canada at ipapalabas ang HLG sa November 2024.


Kaht bihira raw mag-post ng larawan ang KathDen, aktibo naman ang mga fans sa pagpo-post ng mga kaganapan ng mga bida sa Canada.


Balita ngang spotted ang KathDen na nagde-date sa ilang magagandang lugar sa Canada kapag may free time sila.


Tikom ang bibig ng bumubuo ng production kung layunin ba nilang maka-P 1 billion sa pagpapalabas nito sa mahigit 200 theaters nationwide.                       



Tatay na doktor, proud na proud din… ANAK NI DONNA CRUZ, MAGNA CUM LAUDE SA KURSONG MEDICAL BIOLOGY 


Showbiz news
Photo: Yong Larrazabal III / FB

Matatandaang ipinagpalit noon ni Donna Cruz ang kanyang kasikatan nu'ng namamayagpag ang kanyang singing career nu'ng dekada ‘90, kung saan ay mas pinili niyang maging asawa ni Dr. Potenciano “Yong” Larrazabal III na nag-aaral pa noon sa kursong Medisina. Ito ‘yung mga panahong isa si Donna sa mga pinakasikat na singer-aktres sa mundo ng showbiz.


Fast forward after three decades, tila hindi nagkamali ng desisyon si Donna na manatiling isang Mrs. Larrazabal na tubong-Cebu. Naging maganda naman kasi ang kapalaran ni Donna sa piling ni Dr. Yong after nilang magkaroon ng mga anak na ngayo’y lumaking successful sa kanilang mga piniling kurso.


Gaya ng panganay niyang anak na si Cian Larrazabal na gumradweyt sa Bachelor’s Degree in Medical Biology nitong July 29, 2024.


Pahayag ni Dr. Yong, “My boy is graduating magna cum laude today! I couldn’t be any prouder. Cian is finishing his Bachelor’s Degree in Medical Biology today. Congratulations, son!”


Dagdag pa ni Dr. Yong, “Your mom and I are beaming with pride at your accomplishment and because of what you have done with the opportunities presented to you.


“You did not waste the chance to carve your own dreams and aspirations.”


Sa kanyang mensahe sa anak, nais niyang ipagpatuloy ang nasimulan nitong pangarap.

“May you continue to do great so you may do good for others. Remember that every accomplishment is not only ours to celebrate, but also for others to benefit from.


“May your degree be more than just a piece of paper. I hope it also serves as a call to be there for the community,” mahabang mensahe ni Dr. Yong para sa anak.

                                                                              



 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | July 20, 2024


Showbiz news
Photo: Wil to Win / IG

Maraming netizens ang nag-react sa pagra-rant ni Willie Revillame sa bago niyang programa sa TV5, ang Wil To Win. Pang-apat na araw pa lang itong napapanood sa ere, pero tila sobrang pressure na ang nararamdaman ni Willie sa programang ito. On air ay pinagsasabihan niya ang staff, sa harap ng mga contestants at audience.   

                                      

Ang dating sa mga manonood, parang nagre-rehearse lang sila at sa mismong live audience ay pinagsasabihan silang mga dancers na ayusin ang pagsasayaw.


Nasabi rin ni Willie on air na nahihirapan na siya dahil siya lang daw ang gumagawa ng lahat sa kanilang bagong programa, mula hosting, production numbers ng mga dancers at guests.


Kaya’t daing ni Willie sa kanyang staff nu’ng Miyerkules, “Maawa naman kayo sa ‘kin. Ako pa bang mag-iisip n’yan? Dyusko naman! Maawa kayo sa ‘kin. Nahihirapan na ako sa show na ‘to.


“Ako lahat, maawa kayo sa ‘kin.”


Mararamdaman mo tuloy ang pressure sa loob ng studio na tila hindi alam ng mga co-hosts at staff kung ano ang gagawin. Natataranta sila. 


Hindi naman bago sa mga audience o viewers ang pagtatalak ni Willie dahil noon pa man, ganu’n talaga siya. Naiintindihan naman ng iba kung saan galing o bakit ganu'n ang emosyon ni Willie dahil bago pa lamang siya sa show na kaeere lang last July 15.


Marahil ay nakadagdag pa lalo sa pressure ng host ang naglabasang ratings nu’ng July 15 to 18, kung saa’y tinalo ng Family Feud (FF) ni Dingdong Dantes sa GMA ang kanilang rating. 


Nu’ng July 15, nakakuha lamang ng 2.7 percent ang Wil to Win habang 8.5 percent ang Family Feud ng GMA-7.


Nito namang July 16, naka-2.5 percent ang Wil to Win at 8.5 percent naman ang FF.

Mas bumaba ang nakuhang rating ng Wil to Win last July 17 kung saa’y naka-2 percent na lang ang show ni Willie against Family Feud na umalagwa sa 9 percent.


Dahil paramihan ng commercials, endorsers at TV ads ang labanan sa mga programa, makatagal pa kaya ng isang buwan ang show ni Wil dahil sadsad lagi ang ratings nila?

‘Pag walang masyadong commercials, ibig sabihin, tila nagsasawa na ang madlang pipol sa mga gimik nito sa TV kahit pa madalas nitong sabihin sa mga tao na ang tanging hangad niya ay maghatid ng saya sa mga manonood.


Pero tingnan din natin, baka naman sa mga susunod na araw ay makabawi si Kuya Wil.



Kanya na lang daw ‘yun… LORNA, UMAMING VERY HAPPY 


Showbiz news
Photo: Lorna Tolentino / IG

Magkasama sina John Estrada at Lorna Tolentino sa seryeng Batang Quiapo bilang magkasangga. Magkaibigan at magkasangga sa tunay na buhay ang dalawa.


Subali’t sa gitna ng pinagdaraanang pagsubok ni John sa relasyon nila ng kanyang asawang si Priscilla Meirelles, may mahalagang aral daw na natutunan ang aktor mula sa kaibigang aktres, si Lorna.


Ang multi-awarded actress ang nag-interbyu kay John sa kanyang YouTube channel. Ini-upload ang episode na John en Lorna, The Lorna Tolentino Interview nitong July 16, 2024.


Sa takbo ng kanilang usapan, tinanong ni John si Lorna, “Gusto kong matutunan galing sa isang napakatalino, napakabait at napakamaka-Diyos na tao, ang pag-ibig ba, kayang ipaglaban kahit mali? Puwede bang ipaglaban?”


Sagot ni Lorna, “Kapag may mali, ipagdasal mo na sana tumama.”


Tila nagustuhan ni John ang mga sinabi ni Lorna.


Kaya naman, buwelta ng aktor, “So, ang pagmamahal kahit mali, ipagdasal mo para kung anuman, magiging tama s’ya? Ang ganda nu’n, ha? Kulang siguro ako sa dasal.”


Bago ang panayam ni John tungkol sa maling pagmamahal, inusisa muna niya ang mga nangyayari ngayon sa personal na buhay ni Lorna.


Sey ni Lorna, “Well, I’m happy, very happy.”


“Sino ba ‘yan?” sundot na tanong ni John kay Lorna.


Sagot ng actress, “‘Yun ang hindi ko puwedeng sagutin, gusto ko lang na maging pribado sana ‘yung buhay ko.”


Tanong muli ni John, “So, sinasabi mo na you’re happy now. ‘Di mo lang puwedeng sabihin?”


Sagot ni Lorna, “No, I’m happy being free.”


Tanong muli ni John, “‘Di naman ‘yun ang gusto kong sabihin,” pangungulit pa rin ni John.


“Ah, you want somebody to love me?” ani Lorna.


“Of course,” pagsang-ayon pa ni John.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page