top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 10, 2024


Showbiz news
Photo: GMA Sports / FB - Carlos Yulo / IG

Makikitang nakikinig si Mark Andrew Yulo nang humarap sa press conference ang asawa niyang si Angelica Yulo na pawang magulang ng Paris two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo noong Miyerkules nang tanghali, Agosto 7, 2024, sa Heroes Hotel sa San Andres, Manila.


Sa patuloy na panayam ng media kay Angelica, emosyonal itong nag-sorry sa anak na si Carlos dahil sa pagsisisi nito sa hindi sinasadyang ipinost sa Facebook (FB) at sa mga sinabi niya sa isang interbyu pagkatapos ng laban ni Carlos sa Paris Olympics. 


Diumano’y pera at ang karelasyon ng anak ang naging problema, ayon sa kanya.


Pero ayon kay Mark Andrew, taong 2022 pa lang ay nagkasamaan na ng loob ang mag-inang Angelica at Carlos dahil sa girlfriend ng atleta na si Chloe San Jose.


“Girlfriend lang talaga, eh,” depensa ni Mark Andrew.


Hindi naman ipinaliwanag ni Mark kung bakit hindi boto ang kanyang asawa sa girlfriend ng kanilang anak.


Nagagalit umano ang kanyang asawa dahil sa pagkondena ng ilang mga bashers sa social media na mukhang pera raw si Angelica.


Paliwanag ni Mark, hindi pera ang pinag-awayan ng mag-ina dahil hindi umano nila ito ginalaw. 


“P6 million pa lang ‘yung pera n’ya (Carlos), ‘di naubos ‘yun. Bakit namin nanakawin ‘yan?

“Kung nasa ‘min ‘yung pera, sana umalis na kami sa looban. Sana, may mga account na kami, may kotse na sana kami. Wala nga kaming kotse, nagko-commute lang kami,” pahayag ng ama ni Carlos.


Kung anuman daw ang gustong gawin ni Carlos sa mga incentives na matatanggap, desisyon na raw niya iyon. Hindi raw sila makikialam, dahil nasa tamang edad na ang kanilang anak. Sanay na raw sila na walang pera.


Aniya, “Sanay kami sa problema, sanay kami sa mga ano… kahit ano lang ang kinakain namin. Sanay kami sa asin.


“Gusto ko sana ‘yung masaya lang kami. Gusto ko nga sana maibalik ‘yung dati, kasi… kaya lang ngayon? Magulo pala ‘pag ganito, ‘pag marami kang pera.


“Gusto ko ‘yung bago s’ya sumikat nu’ng 2019. Gusto ko ‘yung masaya lang kami. Masaya kami, kumakain kami sa labas.


“Lahat naman ‘yan, mag-aasawa, mga anak. Pero ang gusto ko, ‘yung bonding lang, masaya.”

Sa kabila nito, bilib pa rin daw si Mark Andrew sa anak dahil kahit umalis ito pa-Paris Olympics na may samaan sila ng loob ng ina, nagawa pa nitong mag-training nang maayos at naka-dalawang gold medals pa na matagal na raw nitong inaasam. 


Hanggang ngayon ay hindi pa raw nakikipag-communicate ang anak simula nang magtagumpay ito sa Paris Olympics. 


Pero sabi ni Mark, nakakausap naman ni Carlos ang kanyang mga kapatid ngunit ang tanging dasal na lang daw niya ay magkaayos silang magkakapamilya, lalo na si Carlos at ang ina nitong si Angelica. Nahihirapan daw siyang pumagitna sa hidwaan ng mga ito.


Showbiz news
Photo: Carlos Yulo / IG

Samantala, hindi raw niya inaalam kung ano ang plano ni Carlos sa mga matatanggap nitong incentives na ngayo’y umaabot na sa P90 million pagkatapos magbigay ang PAGCOR ng halagang P30 million.


“Kanya na lahat ‘yun, basta magkaayos lang sila. Goods na ako. Mabait na bata naman ‘yan, eh.


“Balikan na sana n’ya ang mama n’ya, kahit ‘wag na ako. Karugtong ng buhay n’ya ‘yan,” dalangin pa ni Mark Andrew.






 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 8, 2024


Showbiz news
Photo: Carlos Yulo / TIkTok

Nagbigay ng kanyang saloobin si Angelica Yulo, ina ng two-time Paris Olympics gold medalist na si Carlos Yulo (Kaloy), sa isang press conference kahapon, Miyerkules.


Sa nasabing press conference, binasa ni Angelica ang “liham ng isang ina (message of a mother)” para kay Carlos at humingi ng kapatawaran sa mga nauna n’yang pahayag laban sa anak para matuldukan na rin ang umano’y alitan sa pagitan nila.


“Ako po ay narito para ipahayag ang aking huling pananalita hinggil sa girian sa aming pamilya at ng panig ng anak ko kasama ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose.


“Hindi ako perpektong ina at alam ng Diyos na hindi ka rin perpektong anak at walang perpektong pamilya. Walang ibang hangad ang isang ina kung hindi ang ikabubuti ng kanyang anak at sa bawat miyembro ng pamilya,” umpisa ni Angelica.


Ipinaliwanag din ni Angelica na ang kanyang naging intentions para makapagsalita on her son’s girlfriend, Chloe San Jose, ay para protektahan lamang ang anak.


“Sa paraan ng marahas, maingay, sana ay maunawaan mo na ang intensiyon ko ay malinis. Ako ay isang ina na nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko nang maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang,” aniya.


Kahit pa raw nakapagsagutan sila nang hindi maganda sa social media, sinabi ng ina na welcome pa rin sa kanyang bahay si Carlos sakaling nais nitong bumalik para makita ang kanyang lola, tatay at mga kapatid. 


Aniya pa, malaya siyang bumalik kahit walang usapang pananalapi.


“Kung mali man ang naging pagpuna ko sa nobya mo, humihingi ako ng patawad dahil nanay lang ako na nag-aalala. Matanda ka na, kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo. Bukas ang aming pintuan sa tahanan, may pera ka o wala, kung nanaisin mo bumalik sa amin.


“Handa na ako at ang papa mo na mag-usap tayo na bukas ang loob, na may pang-unawa, anumang oras na handa ka pag-uwi mo upang maayos ito.


“Hindi kailangan ng ibang tao na malaman ang mga alitan dahil hindi nila alam ang buong kuwento at hindi nila ito lubos na nauunawaan,” dagdag niya.


Muli’y nais niyang iparating ang kanyang apologies sa anak na gumawa ng kasaysayan sa Paris Olympics 2024. Si Carlos ang kauna-unahang Pinoy gymnast na nakapagtala ng double gold medal. Nananatili pa rin daw ang suporta niya sa anak, kahit pa may nasabi siyang hindi maganda sa mga unang interbyu niya sa media.


“Humihingi ako ng patawad sa ‘yo, sa sambayanan sa mga nasabi ko sa interbyu. Pagod at puyat ako sa kapapanood sa ‘yo ng mga panahon na ‘yun, hindi makatulog sa tuwa kahit tapos na ang ‘yong laban. Hindi ako makapag-isip nang mabuti ng nirapido ako ng tanong ng mga reporter tungkol sa bagay na dapat tayo lamang ang nag-ayos. Patawad, anak,” paliwanag ni Angelica.


Sinabi rin ni Angelica na ito na ang una at huli nitong pagharap sa isang press conference para ma-settle na ang mga bagay at tapusin na ang issue nang maisaayos ng pamilya ang kanilang pribadong buhay sa matahimik na paraan. 


“Ako ay nagsasalita para ilagay na sa katahimikan ang issue. Bukas ang aming pintuan para pag-usapan nang personal na walang galit.


“Kung ‘di man tayo makapag-ayos, sana maunawaan ang aking panig, intensiyon at hindi ang ingay. Ang pamilya, iisa lang 'yan at laging nand'yan lang sa anumang pagsubok o alitan,” sey pa niya.


Hiling nito na i-celebrate na lamang ng lahat ang tagumpay ni Carlos at kalimutan na ang mga controversies na kumakalat online.


Pahayag pa niya, “Sa sambayanan naman, sana ay ipagdiwang na lang natin ang tagumpay ng anak ko. Gumawa ang anak ko ng kasaysayan para sa ating bansa, lahat tayo ay magpasalamat kay Kaloy para sa karangalang iniuwi niya para sa bayan.


“Sana pagkatapos ng panayam na ito, titigil na ang lahat at matatahimik na ang bawat partido. Ang mga sugat ay kusa namang maghihilom sa paglipas ng panahon. Pipiliin namin humilom kami sa pribado at mapayapang paraan.”


Sa huling mensahe ni Angelica, “Kaloy, congratulations sa iyong tagumpay. Mahal na mahal ka naming lahat.”


August 6 nang unang magsalita si Carlos Yulo tungkol sa ina. Sa nasabing Tiktok video, sinagot ni Carlos ang mga alegasyon gawa ng kanyang ina patungkol kay Chloe at ang diumano’y maling paggamit ng ina at pag-withdraw nito ng funds niya sa kanyang bank account. 


Sa huli, sinabi ni Carlos na napatawad na niya ang kanyang ina ngunit hindi pa rin niya maiiwasang maalala ang mga ginawa nito.


Sagot ni Angelica, “Sa bagay na ‘yan po, ‘di ko naman s’ya masisisi kung nag-flashback talaga, kasi siyempre, words are painful talaga kapag nasabi mo ‘yun. Kung genuine po ‘yung pagbati ko sa kanya, opo, genuine po ‘yun (ang pag-congratulate ko). Nasa sa kanya rin po ‘yun kung alam n’ya po ‘yung estado. Leave it to that na lang po. 


“Sa kalagayan, okey lang naman po kami. Sa pag-heal actually, ayan ‘yung ipinagdarasal ko rin na ma-lessen ‘yung pain, sana mabawasan. Gusto ko mawala ‘yung pain na matagal na nandito sa dibdib ko.”


Nami-miss na raw nito at ng kanyang pamilya si Carlos na matagal-tagal na rin nilang hindi nakikita.


“Siyempre po. Walang ina na hindi nami-miss ang anak niya, lalo na at matagal na panahon na namin siyang hindi nakakasama. Hindi lang naman po ako ang nakaka-miss sa kanya, pati ‘yung mga kapatid n’ya, nami-miss s’ya pati ng papa niya,” madamdamin nitong pahayag.



Nag-react naman ang Pambansang Sawsawera na si Xian Gaza sa isyu ng mag-inang Yulo. Habang nagbibigay ng mensahe si Carlos, nasa background daw si Chloe at nakabungisngis pa at tila pakiwari ng mga nakapanood ay may nagko-coach sa kanya  habang nagbibigay-mensahe para sa ina.


Ani Xian, “Iisa lang ‘yung nakikita kong sablay. May alitan sila Carlos at ang nanay n’ya (Angelica), ‘di ba? So dapat, du’n sa video, dapat mag-isa lang s’ya. Eh, 'andu’n ‘yung babae. Tumatawa-tawa pa, nawalan tuloy ng authenticity dahil parang may coaching du’n sa nangyayari. Sana, mag-isa na lang s’ya (Carlos) na wala nang tumatawa-tawa (sa kanyang likuran), nakakasira lang.”                                                    





 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 6, 2024


Showbiz news
Photo: Angelica & Carlos Yulo / FB

Back-to-back ang gold medal na iuuwi ni Carlos Edriel Yulo sa pagkakapanalo nito ng dalawang gold medals noong dominahin nito ang vault final sa Paris Olympics men’s artistic gymnastics competition nitong Sunday, August 4, 2024.


Ang 24-year-old gymnast na si Carlo ay gumawa rin ng kasaysayan sa ating sports history being the first Filipino athlete to win two gold medals sa Olympics.


Unang nakamit ni Carlos ang gold nitong nakaraang Sabado, August 2, sa floor exercise final at the following day, August 3, naman nito nasungkit ang isa pang gintong medalya.

Sa mga panayam sa mga kaanak ni Carlos, tanging ang kanyang inang si Angelica ang hindi nagsalita at nagbigay-pugay sa anak. 


Ang kanyang lola, dalawang kapatid at tatay na si Mark Andrew ang nagbigay ng panayam sa mga social media platforms.


Inamin naman ni Mark na totoong may problema sa kanyang asawa at anak na si Carlos, pero umaasa siyang maaayos ang hindi nila pagkakasundo sa takdang panahon.


Samantala, ang girlfriend ni Carlos na si Chloe Anjeleigh San Jose ay may maanghang na buwelta sa nanay ng kanyang boyfriend na si Angelica. 


Bago ang laban ni Carlos last August 3, nagbigay ng pahayag si Angelica na si Chloe San Jose mismo ang dahilan ng hindi nila pagkakaunawaaan ng anak, base na rin sa mga posts ni Angelica na nakulam yata ang kanyang anak, kaya’t sila’y napabayaan na. 


Kaugnay nito, nagbigay din ng saloobin si Angelica na wala raw siyang pakialam sa mga premyong makukuha ng anak, gaya ng P24-M incentives, fully-furnished condominium, house and lot sa Tagaytay City at iba pa.


Aniya, “Wala naman akong pakialam sa P24-M (at sa iba pang cash incentives mula sa Kongreso, Senado at LGUs), deserve naman n’ya ‘yun, pinaghirapan naman n’ya ‘yun.”


Medyo lumambot na ang kanyang pananalita sa ngayon. Sinabi nitong hangad niyang maisaayos nilang pamilya ang isyu sa anak. Inamin din niyang siya’y nagkamali sa mga naunang sinabi.


Pahayag niya, “But maybe for now, I’ll turn off the comments sections or deactivate my personal account to prevent you from entering our private lives. Umaasa ako na sooner or later, magiging okay din ang lahat for all of us.”


Post pa ng dati naming editor na si Dindo Balares, “Napakahirap pala ng sitwasyon ni Carlos Yulo, sariling ina pa mismo ang humihila (sa anak) pababa.”


Pera umano at ang girlfriend ni Carlos na si Chloe ang dahilan ng away ng mag-ina.

Pero mas sumentro ang usapin tungkol sa pera kaya’t may mga netizens na nag-akusang “mukhang pera” si Angelica at naghahabol umano sa perang kinikita ng anak bilang atleta para sa national team.


May haka-haka pang winaldas umano ng pamilya ni Carlos ang pera na galing sa mga kompetisyong sinalihan nito dati at nang walang pahintulot mula sa 24-anyos na atleta.


Pebrero, 2023 ang huling komunikasyon nilang mag-ina dahilan para maghinala ang mga netizens na may hindi pagkakaunawaan sina Angelica at Carlos.


Sa panayam sa ina ni Carlos na in-upload ng Bombo Radyo sa Facebook (FB) page nito nu'ng Linggo, Agosto 4, pinalagan nito ang  mga malisyosong akusasyong kumakalat online.


Ibinahagi pa ni Angelica na bagama’t hawak niya ang bank passbook ni Carlos ay hindi niya ito kailanman inangkin kung anuman ang nakadepositong pera roon. 


Sabi pa ni Angelica, tila nagkaroon ng insidente kung saan nagpagawa ng affidavit of loss si Carlos para makakuha ito ng bagong kopya ng passbook.


“Since hawak ko ‘yung passbook n’ya, nagpasa s’ya ng affidavit of loss. Got it notarized tapos ipinasa n’ya sa BDO.


“So siyempre, sa kanya lang nakapangalan ‘yun. Kaya may right talaga s’ya na kunin ‘yung pera n’ya.


“Kaya lang kasi, hindi ko ine-expect sa ganu’ng paraan. Kasi binigyan ko pa s’ya ng benefit of the doubt na kukunin n’ya sa ‘min sa maayos na [paraan]. Ibibigay naman namin,” ayon pa sa ina ni Carlos na si Angelica Yulo.

                                                   





 
 
RECOMMENDED
bottom of page