top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 31, 2024


Showbiz news

Umani ng samu’t saring batikos ang aktor at Ormoc representative na si Richard Gomez matapos niyang ibahagi sa socmed (social media) ang karanasan niya nang maipit sa traffic sa EDSA. 


Pagkaraan niyang mag-post sa Facebook (FB) tungkol sa hirap sa trapiko nitong Huwebes, August 29, 2024, inirereklamo ng mambabatas ang mabagal na usad ng mga sasakyan sa EDSA, gayung mabilis at maluwag naman daw ang daloy sa parte ng bus lane.


Reklamo ng actor-politician, humigit-kumulang dalawang oras na siyang naiipit sa mabigat na traffic sa EDSA at hindi pa rin siya nakararating sa kanyang patutunguhan, kaya’t suhestiyon ni Richard, bakit hindi na lang buksan ang bus lane para sa ibang mga sasakyan tuwing mabigat ang daloy ng trapiko, para kahit paano ay lumuwag ang traffic.


Ayon sa post ni Cong. Goma, “2 hours in EDSA traffic and counting. From Makati, Ayala, nasa SM EDSA pa lang ako up to now. Eh, QC ang punta ko, 1 or 2 hours pa ba? Ilang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit ‘di buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?”


Napagtanto marahil ni Richard na 'di makatarungan ang kanyang reklamo sa socmed at agad naman niyang binura, ngunit marami na sa mga netizens ang nakapag-screenshot nito at ini-repost sa socmed. 


Mabilis na nag-viral sa social media ang FB post na ito ni Richard, kung saan marami sa mga netizens ang nadismaya sa anila’y pagiging “entitled” nito. Sabi pa nga ng iba, hindi porke't congressman siya’y may karapatan siyang magreklamo at sundin ng mga enforcers ang kanyang demand.


Tweet ng isang netizen (published as is), “Wow, Richard Gomez. Just wow. Eh, kung sumakay ka nalang kaya ng bus? Nakakahiya naman sa ‘yo na may sariling sasakyan at mas komportable kesa sa amin na nagsisiksikan makauwi lang, ha.”


Sabi pa ng iba, dahil naranasan niyang masangkot sa higpit ng trapiko, imbes na magreklamo, bakit hindi na lang magpasa ng batas na makatutulong sa matagal nang pinoproblema ng libu-libong commuters sa Metro Manila dala ng traffic?


Buwelta ng isang netizen, “Hello, Richard Gomez also known as Cong. GOMA. Ba’t kaming commuter pa mag-a-adjust? What if mag-propose kayo ng bill na hindi pahirap sa mga commuters? Please, guys stop voting entitled and out of touch politicians. Take the bus challenge please for @1richardgomez1.”


Sabi pa ng isa, “Nakakahawa ang pagiging TRAPO. ‘Yung isang araw mong naranasan, araw-araw na kalbaryo ng ordinaryong Pilipino. Kulang pa nga ang bus lane kung tutuusin para ibigay ang nararapat sa Filipino commuter. Ibang klase ka, Richard Gomez.”


Hamon pa ng ilan sa kongresista, subukan nitong mag-commute gaya ng ginagawa ng karamihan para maranasan niya ang hirap, pagod at pasakit sa ilang oras na pananatili sa kalsada dahil sa mabigat na trapiko.


“At dahil sa EDSA traffic rant ni Richard Gomez, dapat talaga required mag-public transport once a week ang LAHAT ng public officials. ‘Wag TNVS (Transportation Network Vehicle Service), ha? Jeep, bus, MRT, tignan natin ilan sa kanila ang magra-rant na pagod na bago pa makarating sa opisina,” sey ng isa.



BFF pa ni Kris ang todo-tanggol… JAMES, TAMEME LANG SA PAMBA-BASH NA BADING SI BIMBY


Showbiz news

Ayon sa malapit na kaibigan at tagapagtanggol ng pamilya Aquino na si Dindo Balares, dating Entertainment editor ng Balita, pinaninindigan nito ang pagiging “straight” ng anak ni Kris Aquino na si Bimby Yap base sa kanyang post sa Instagram (IG) noong August 23, 2024. 


May ilang netizens kasi ang pumupuna sa pagiging “malamya” ng anak ni James Yap kay Kris, subalit pinangangatawanan at ipinaglalaban ni Dindo na nakasubaybay sa paglaki ni Bimby na walang dudang straight ang 17-anyos nang binata.


Nakapag-react si Dindo matapos lumabas sa Facebook (FB) ang ilang larawan ng gay couple na ang isa ay kamukha umano ni Bimby, habang naghahalikan sa tabi ng beach. 

Aniya, hawig lang ni Bimby ang guy sa photo at hindi si Bimby mismo.


Depensa ni Dindo, “Pati mga kaibigan ko sa entertainment media, nagme-message at nagtatanong tuloy sa ‘kin (kahit madaling-araw) kung si Bimby daw ba talaga ang nasa photos sa lumabas na fake news. Imagine, kung pati journalists nga, nagdadalawang-isip at halos makapaniwala na ng fake news, eh, di lalo na ang publiko.


“Sa comment threads (@), as usual, andami nang homophobic condemnations, judgments, at mahahalay na sinasabi. Sa photos na galing pala sa post na kuha sa engagement sa beach ng masayang gay couple, parang may hawig kasi kay Bimb ang isa dahil sa built ng katawan, eyeglasses, at pati gupit ng buhok. Kagamit-gamit para kumita sa social media.


“Pero ‘di si Bimb ‘yan. Napakarami kong kaibigang gays at madalas silang magkuwentuhan kung tunay na lalaki o closet queen ang isang minchung. (Ang lumang word, hahahaha! Sorry na agad, mga kapatid! Hahahaha!)”


Ayon kay Dindo, noong baguhan pa lamang siya sa showbiz ay naranasan din niyang “ma-scrutinize muna ng mga batikan at beteranong showbiz writers kung straight ba talaga o "ateng" din. At sa tagal na raw niya sa entertainment beat, natuto na rin siya kung paano “umamoy ng closet queen”. Pinangangatawanan ni Dindo, “Straight si Bim.”


Well, napuna lang namin, mabuti pa si Dindo at naipagtanggol si Bimby, pero bakit kaya si James Yap, nananahimik lang at 'di man lang maidepensa ang anak sa mga bashers nito?

 


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 21, 2024



Showbiz news
Photo: Angelu De Leon

Matagal nang isinasagawa ng aktres at Pasig City councilor na si Angelu de Leon ang pamimigay ng gulay, prutas, at groceries tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan. 


Simula nang siya’y maging konsehala ng Pasig, patuloy pa rin niyang isinasagawa ang pamamahagi ng mga basic needs para sa kanyang constituents para sa kanyang Birthday Pasasalamat Community Pantry tuwing Agosto 22, ang kaarawan ni Angelu.


Tagumpay namang nairaos ang nasabing ‘Birthday Pasasalamat’ sa kanyang mga kababayan sa Pasig City noong Agosto 10, subalit nabahiran ng intriga at malisya ang pagkakawanggawa ni Angelu dahil sa isang video post na inaakusahan siya ng pamumulitika at pamimigay lamang ng limang pirasong sitaw sa mahigit 300 residente ng Pasig City, na pumila at nilambing niyang suportahan ang Pulang Araw (PA), ang primetime drama serye ng GMA-7 na kanyang kinabibilangan.


Bumuwelta ang actress-politician sa uploader ng video na aniya’y walang basehang paratang.


Sey ni Angelu, “I do my yearly birthday community pantry as a way of giving back and being grateful to my constituents. Personal ko po ‘to.


“Nahiya naman ako na hindi ito sapat para sa ‘yo, pero I guess, ‘di ka naman taga-Pasig.

“I will promote Pulang Araw because I am proud of our show.”


May paglilinaw din si Angelu tungkol sa sitaw na nakita sa video na kinukuha ng mga residente mula sa community pantry at maging ang mga putol na upo na kanyang ipinamigay.


“Meron hong putol na upo kasi ‘di ko kaya magbigay nang buo, pinuputol namin para meron ang lahat. Ang mahal na pala talaga ng gulay ngayon. Hindi talaga aabot ang 64 pesos sa isang masustansiyang meal per day,” paliwanag ni Angelu.


Ipinagtanggol si Angelu ng kanyang kapwa Pasig City councilor na si Kiko Rustia tungkol sa pambabatikos ng basher.


“Pasensiya na pero mali naman masyado ang tingin mo kay Ms. Anj. Kasama ko siya maglingkod and gaya n’ya, may sarili rin akong pantry sa district ko and we’ve been doing it since before pa.


“Mali naman na i-bash n’yo siya because she is one of the kindest, most generous, and most Christ-centered public servants I know.


“I need to speak about this kasi napakabuting tao ni Ms. Anj. And mali, as in maling-mali ang sinasabi n’yo about her,” depensa ni Rustia.


Bukod kay Kiko, ipinagtanggol din ng kanyang mga kababayan sa Pasig City si Angelu na nagsasabing well-organized ang community pantry ng aktres. Bukod sa mga gulay, tumanggap din daw sila ng bigas, prutas, at groceries.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | August 15, 2024



Showbiz news
Photo: Carlos Yulo / ABS-CBN / RTVM / Circulated

Sakay ng chartered Philippine Airlines plane, lumapag sa Villamor Airbase ang mga Pilipinong atletang lumahok sa Paris Olympics 2024 nu'ng Martes nang gabi, Agosto 13, 2024. 


Sinalubong ang mga atleta nang mainit at buong pagmamahal ng kani-kanilang pamilya, mga fans at supporters.


Lumabas sa social media ang mga larawan ng mga atletang magiliw na yakap-yakap at hinahalikan ng kanilang mga kamag-anak.


Pero kapansin-pansin na wala ang pamilya ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo para sumalubong sa kanya. 


Sabi ng ilang netizens, tila may kinalaman pa rin ito sa hidwaan ng mag-inang Angelica at Carlos.


May paliwanag naman ang lolo ni Carlos na si Rodrigo kung bakit walang sumalubong sa kanila sa Villamor Airbase nu'ng gabing dumating si Carlos at ang iba pang atletang Pinoy.


Sa panayam ng ABS-CBN News kay Rodrigo, wala itong sinabing intriga tungkol sa hindi nila pagsalubong ng pamilya niya sa pagbabalik ni Carlos sa Pilipinas.


“Dapat nga sana, masaya, kaso (pero) nadismaya ako. Hindi kami pinayagang pumunta ru’n. Ang susundo lang daw, si President, saka mga piling-piling media.


“Kaya imbes na masaya sana kaming lahat, nadismaya kami dahil naka-ready na kami sa pagsalubong, eh. Naka-ready na kami,” ayon pa sa 74 years old grandfather ni Carlos.

May nag-message raw sa kanila na nagsabing huwag na silang sumalubong.


Sabi ni Lolo Rodrigo, “Nag-text daw sa papa niya (Mark Andrew) na ‘wag na raw kaming sumama sa pagsalubong.”


Nang tanungin si Rodrigo kung sino ang nagsabi sa kanila na ‘wag nang salubungin si Carlos, sagot niya, “Hindi ko rin alam kung sino, eh, pero si Caloy 'ata, eh.”

Bakas ang pananabik ni Rodrigo at ng buong Yulo clan nang sabihin nitong gusto nilang makita at mayakap ang kanyang apo.


“Excited talaga dahil matagal na namin s’yang hindi nakita. ‘Yung mga kaibigan namin, gumawa na ng mga banner. Kung anu-ano pa yata ‘yung mga ginawa nila, saka nagprepara rin sila ng pagkain para sa ‘min.”


Kahapon ay nagkaroon ng grand homecoming para kay Yulo sa Manila, pero mukhang hindi pa rin nagkita si Carlos at ang kanyang pamilya.


Instead, kumalat nga ang picture kung saan may pa-banner ang mga fans ni Yulo na ang nakalagay ay "Caloy dito papa mo" dahil nasa crowd ang ama ni Carlos at isa sa mga nag-aabang para sumalubong sa kanya. 


Carlos Yulo

Nag-viral ang naturang larawan at tila lalo pa itong nakadagdag sa simpatya ng mga tao sa pamilya ni Carlos habang mas marami naman ang nagagalit sa kanya. 



Sobrang tigas daw ng ulo at maldita…

KALAT NA: GF NI CARLOS, IDINEMANDA ANG MADIR KAYA ITINAKWIL


Carlos Yulo at Chloe San Jose - IG

AYON sa News Line.PH, viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen na sinabi kung ano ang tunay na pagkatao ni Chloe Anjhelie San Jose, ang girlfriend ng double gold Olympic medalist na si Carlos Yulo.


Ayon sa post ng netizen, hindi raw maganda ang relasyon ni Chloe sa sariling pamilya dahil sa katigasan ng ulo. 


Kilalang-kilala raw ng netizen si Chloe na maldita talaga dahil ang sarili niyang ina ay itinakwil siya.


Sey ng netizen, “Pati sarili niyang ina, itinakwil s’ya dahil sa katigasan ng ulo. Idinemanda pa niya ang sariling ina.


“Lahat halos ng kamag-anak niya ay itinakwil din siya dahil sa kawalan ng respeto. Kaya hindi nakapagtataka na hindi niya kayang galangin ang nanay ni Carlos Yulo.” 


Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng netizen na namba-bash kay Chloe, at 'di pa rin makumpirma kung ito ba’y “fake news” dahil sadyang naiinggit lang siya sa nobya ni Carlos Yulo o kung nagsasabi siya nang totoo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page