top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sep. 27, 2024



Showbiz news

Sari-saring reaksiyon ang natanggap nina Kobe Paras at Kapuso star Kyline Alcantara bilang rumored couple dahil sa kanilang pa-teaser sa IG nu'ng Sept. 24 na may "ia-announce" sila kinabukasan, Sept. 25.


Siyempre, curios ang mga fans kung ang kanilang ‘engagement’ o ‘proposal’ ba ang kanilang iaanunsiyo.  


At nu'ng gabi nga ng September 25, naganap na ang inaabangang “special announcement” nina Kyline at Kobe, at 'yun ay ang pagbibidahan palang mini-series ng couple. 


Dismayado tuloy ang #KyBe (Kyline at Kobe) fans nang malamang isa palang mini-series ang pagsasamahan ng dalawa at hindi ang inaakala nilang engagement.


Nauna nang nabanggit ni Kyline sa isang panayam sa 24-Oras noong August 16, 2024 na may pagsasamahan silang proyekto ni Kobe Paras at sa China ang shooting nito.

Malaki rin daw ang pasalamat niya sa rumored boyfriend dahil sa pagpayag nitong makasama sa nasabing proyekto.


Sey ni Kyline Alcantara, “We’re ready to explore a lot of things in life and I’m thankful that he said yes kasi I'm excited po to work with him.”

Ang kanilang sweet photos taken in China ay pang-promo lang pala.

Pero, marami pa ring mga fans ang umaasa na magkakatuluyan ang dalawa.



MARAMI ang nagsasabi na ang Hello, Love, Again (HLA) na pagbabalik-tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kakabog sa bagong naitalang record sa takilya ng Un/Happy For You (UFY) nina Julia Montes at Joshua Garcia na umabot ng P450 million ang gross worldwide nito lang nagdaang linggo.


Well, strike the iron while it’s hot, ayon sa Star Cinema, kaya’t may playdate na ang HLA ng KathDen film ngayong November 13. 


Kaya naman, ngaragang tinapos ni Direk Cathy Garcia-Sampana ang reunion movie ng KathDen. Balita pa ng Star Cinema, after 1 hour na ini-release ang trailer ng HLA, the teaser gained 2.9 million views. 


Ipinakita sa teaser ng HLA ang pagsubok sa kani-kanyang buhay nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) para makamit ang pinapangarap na magandang buhay.

Puzzled ang fans kung ano ang mangyayari sa love story nina Ethan at Joy sa sequel ng

Hello, Love, Goodbye na naging blockbuster hit nu'ng 2019 at kumita nang halos umabot sa P1 billion.


“Ang dami kong gustong malaman — kumusta si Joy? Is Ethan okay? Nag-survive ba ‘yung LDR (long-distance relationship) nila? Kamusta ‘yung buhay n’ya sa Canada? Nagawa n’ya ba ‘yung dreams n’ya? Hello, Love, Again will provide all the answers to my questions, and to all our questions, hopefully,” saad ni Kathryn sa naganap na press conference ng HLA last

May at kung ano ang aabangan pa sa kasunod na sequel.


Ayon naman kay Alden, ang HLA movie was a dream come true for him.

“Hinintay ko rin s’ya. After seeing the film over and over again, ‘yung pangarap na ‘yun ang nasa puso ko lang in the past five years. So, finally nga, ito na nga, dreams come true talaga,” pahayag ng Kapuso actor. 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sep. 24, 2024



Showbiz news

Bago naging couple ang TV host at Tutok To Win Partylist representative na si Sam Verzosa at ang Kapuso actress na si Rhian Ramos, wala umano sa plano ng una na tumakbong alkalde ng Maynila sa paparating na election sa Mayo, 2025.


Pero ngayong matunog na kakandidato sa Maynila ang isa sa mga may-ari ng Frontrow, dinagsa ng mga tanong si Sam kung may plano na ba silang magpakasal ng kanyang three-year girlfriend.


Sey ni Sam, “Ayokong ginagamit ‘yan para lang sa mga ganitong panahon kasi baka sabihin… (ginagamit si Rhian). Ganyan po kasi ang karanasan [nakasanayan] ng mga tao, ‘Gagamitin ‘yan.’


“Hindi natin maikakaila, artista po s’ya. Nakausap ko s’ya, sabi ko, ‘Hinding-hindi ko gagawin ‘yung ginagawa ng iba.’


“Ayoko na pong magsalita. Parang self-serving naman para sa ‘kin na ginagamit natin. Sana, ‘wag muna nating pag-usapan ‘yan.


“Kapag natapos na ang lahat ng ito, basta kasama ko po s’ya sa lahat ng magagandang hangarin natin na makatulong.” 


Hindi na bago kay Sam ang kalakaran ng pulitika na marumi at magulo kaya aniya, nakahanda siyang protektahan ang mga mahal sa buhay including Rhian.


Aniya, “Marami na nga po ang naninira pero sabi nga, you cannot put a good man down.

Kapag may ginagawa kang mabuti, ano pa ang sasabihin nila?


“Basta ako, wala akong ibang gagawin kundi puro pagtulong at kabutihan. Kung gusto nilang pigilan, hindi ho tayo magpapapigil.


“Alam n'yo ho, ‘yung ugali ko, kahit noong bata ako, idina-down na ako buong buhay ko, du’n ko nakukuha ‘yung motivation, du’n ako lalong nanggigigil na magsumikap.


“Kaya lalo nila kaming ginigipit, lalo nila kaming sinisiraan. Salamat po sa inyo, lalo akong nanggigigil na ibigay ang lahat ng meron ako.


“Marami ‘yun kaya magsasawa kayo sa kasisira sa ‘kin dahil lalo ko kayong bibigyan ng dahilan para sumama sa movement na ito.


“Hindi ko ito ginagawa para mamulitika. Ginagawa ko ito para maging inspirasyon at para gayahin ng iba,” pahayag ni Sam Verzosa.



ANG actor na si Wendell Ramos ang kasama ni Tutok To Win Partylist Representative at Dear SV host Sam Verzosa nang bumisita ito sa Smokey Mountain noong Linggo, Setyembre 22, para mamahagi ng tulong sa mga residente ng Tondo sa Maynila. 


Ang akala ng karamihan, isinama at sinusuportahan lamang ni Wendell si Sam na matunog na kakandidato bilang mayor ng Maynila sa halalan sa Mayo, 2025.


Nasorpresa ang mga nandu'n nang umakyat si Wendell sa entablado, ipinakilala siya ni Sam bilang “konsehal” ng District IV ng Maynila. Kaya, kumpirmasyon ito na kakandidato rin ang aktor sa eleksiyon sa susunod na taon.


Sa kanyang talumpati, sabi niya, “Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na maging parte ng pamimigay ng mga pangangailangan ng mga tao.


“Hindi lang dahil sa District IV, gusto ko ring magpasalamat dahil meron tayong bagong show, ‘yung Shining Inheritance (SI),” pagpo-promote pa ni Wendell Ramos sa bagong afternoon drama series ng GMA-7 kung saa’y kasama siya sa cast.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sep. 23, 2024



Showbiz news

Sa gitna ng problemang kinakaharap ngayon ng Careless Management, ang kumpanyang imina-manage ni James Reid, ay nag-anunsiyo ang aktor na punumpuno siya ng projects, especially sa music.


Sa isa niyang panayam, aniya, “I have a fantastic mini-album coming out soon and I’m very proud of it. It’s some of my favorite work I’ve done so far with music.


“There are songs that I started in Tagalog. Kind of blending the old OPM sound that I did before, like with Randomantic and those other songs I’ve been working a lot with Sony Music.”


Pero nasorpresa ang mga media sa pahayag niyang siya’y interesadong bumalik sa acting o gumawa pa ng pelikula.


Aniya, “I actually plan to work with ABS-CBN. Yes, there are discussions already.”

Sinabi pa ng actor na may nakakausap siyang executives from ABS-CBN at nangakong igagawa siya ng projects.


“That’s my plan actually ever since 2020. Everyone’s asking ‘Did you quit acting? Did you quit showbiz?’ I always say ‘No, I plan to go back.’”


Sa saglit nitong pagkawala sa limelight, inuna muna niyang mag-focus sa music.

Sey ni James, “I needed a break, especially from a love team. I was starting to lose my identity, it’s tough. I don’t think anyone except for my other batch in showbusiness ang love teams, would possibly understand what it’s like, it’s tough!”


Aniya pa, “Living up to all those expectations, constantly being under public scrutiny. After all the humor and stories (fan fiction), and also the fans. It’s living up to the expectations. It’s a lot of pressure.” 


Dagdag pa niya, “I needed a break. I think I did that. I had time to really discover myself through music. I faced a lot of challenges. Took a lot of risks (but) I don’t regret anything.”

Gaano naman kadalas o ilang film projects ang nais niyang gawin sakaling bumalik siya sa acting?


Sagot niya, “I just want to act again, it’s where I started. And it’s always something I always wanted to do again, I’m excited for the projects that I have coming up.”


Ang sagot naman ni James Reid tungkol sa reunion movie nito with Nadine Lustre, kung balak ba niyang makatambal muli ang ex-GF, “I don't think so. Maybe out of respect for my partner, my girlfriend and so for my mental health.”


Teka, ibig kayang sabihin ni James, naging magulo ang buhay niya with Nadine?


BILLY, WALA SA TABI NG PADIR NANG PUMANAW


KINUMPIRMA ng dating It’s Showtime (IS) host na si Billy Crawford nitong Linggo, September 22, ang pagpanaw ng kanyang ama na si Jack Crawford.


Sa Instagram (IG) post ni Billy, nagbigay-pugay siya sa ama.


Pahayag ni Billy, “I’m sorry, Dad, wasn’t there to say goodbye, give you a last hug or tell you how much I love you. You’ll always be in my heart. Thank you for being the greatest dad I could ever have.


“May you finally rest and forever be happy in the arms of Our Lord Jesus Christ. I’ll truly miss you, my main man.


“Love, your son, Billy Crawford.”


Mula sa amin at sa pahayagang Bulgar, condolences, Billy.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page