top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Nov. 12, 2024



Photo: Bright Vachirawit at Liza Soberano - Instagram


Ini-release na ang music video para sa latest single ng Thai actor-singer na si Bright Vachirawit na Long Showers (LS), kung saan tampok ang Fil-Am actress na si Liza Soberano. 


Ang LS ay debut single ni Bright sa ilalim ng record label na 88Rising.  

Sa kanyang Instagram (IG) page, ibinahagi ni Liza ang mga behind-the-scenes mula sa music video. 


Post ni Liza, “Had so much fun working on this, Long Showers out now! @bbrightvc @88rising,” na sinagot naman ni Bright ng, “Thank you for your commitment, Liza. It’s really fun working with you. See you soon!”



Sa social media, pinasalamatan ni Bright ang lahat ng tumulong sa paggawa ng music video. Sa kanyang post, aniya, “Grateful for an incredible team that turned the dream into reality! From brainstorming sessions to unforgettable moments, every step has been an adventure. Don’t forget to check out Long Showers from us.”


Retro-themed ang music video at ipinapakita ang mga moments sa buhay ng mga pangunahing karakter na ginampanan nina Liza at Bright. Excited nga ang mga fans at sey nila…


“The song is captivating. The aesthetic of the MV is amazing. The chemistry of Bright and Liza is such a breath of fresh air.”


‘I really love the song. The visuals are insane! Bright and Liza are a great tandem!” 

Si Bright ay naglabas na ng dalawang singles sa ilalim ng kanyang sariling label — ang Long Run at Sleepin’ Pill, na tampok ang Thai singer-songwriter na si Timethai. Ang kanyang latest mini-album na Adolescent ay inilabas noong 2023 sa ilalim ng GMMTV’s RISER Music label.  


Kabilang sa mga accomplishments ni Bright sa kanyang music career ay ang pagkilala sa kanyang acting at showbiz career, tulad ng kanyang mga proyektong 2Gether: The Series, F4 Thailand: Boys Over Flowers, Astrophile, at Good Old Days: Story 4: Our Soundtrack.  


Samantala, ilan sa mga proyekto ni Liza ay ang kanyang Hollywood film na Lisa Frankenstein, kung saan nakasama niya sina Kathryn Newton at Cole Sprouse. 


Sa isang nakaraang interbyu kay Liza ni MJ Marfori, inihayag niyang may mga upcoming projects siya. 


“I actually have a pretty big announcement coming sometime soon. Before the end of the year, we will be announcing my projects.

“I really can’t speak in great detail about a lot of things, but I will say that I will have one series, one reality show, and one movie that I am working on right now,” sey ni Liza Soberano.



TULUY-TULOY ang pagtanggap ni Coco Martin sa mga co-actors na nawalan ng trabaho para makatulong sa kanilang mga problema sa kalusugan at pinansiyal. 


Sa pamamagitan ng seryeng Batang Quiapo (BQ), naiisip niyang kunin ang mga kasamahan sa showbiz para magtrabaho muli.  


Sa isang panayam kay Coco sa ABS-CBN News, sinabi niyang, “Napakalaki ng importansiya nila — give and take. Hindi lang ako tumutulong sa kanila, tinutulungan nila ‘yung network.”


Kaya sa mga susunod na episodes ng Kapamilya primetime serye, aabangan na ang karakter ni Gina Pareño, na nakilala at napalapit kay Coco bilang Lola Getz sa isang dating seryeng pinagsamahan nila.


Marami ang nalungkot nang marinig ang panayam sa veteran actress kung saan naiiyak siya dahil sa tila nakalimutan na siya ng showbiz industry. 


“‘Pag walang kamera at ilaw na nakatutok sa ‘kin, nalulungkot ako. Nakalimutan na yata ako bilang artista. Kaya ko pa naman,” ani Gina Pareño sa isang palitan namin ng chat sa Messenger. 



SAMANTALA, para patuloy na makatulong si Coco Martin sa marami, pinasok na rin niya ang dishwashing liquid business na kanyang inilunsad kamakailan.


Ayon kay Coco, gusto niyang makatulong sa mga walang trabaho sa pamamagitan ng negosyo. 


“Sa nakikita ko talaga kasi, ang kulang sa ‘tin ngayon ay opportunity, ang magkaroon ng trabaho,” ani Coco sa interbyu sa TV Patrol.  


Dagdag pa ng actor-producer, “Iniisip ko, hindi naman lahat mahihila ko sa trabaho ko ngayon, sa show ko. Ano ‘yung ibang paraan na makakatulong ka sa ibang tao? Eh, naisip ko, sabi ko, ano ba'ng paraan para magkaroon pa ng ibang trabaho? 


“Tapos, naisip ko nga, bakit hindi ako mag-create ng products na kahit papaano, alam kong araw-araw, kinakailangan ng mga tao, na ginagamit sa bahay, sa buhay, ‘di ba, ng mga nanay, tatay, ng pamilyang Pilipino?”


Sa nasabing panayam, binanggit din ni Coco na hands-on siya sa pagpapatakbo ng sariling dishwashing liquid business. 

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Nov. 6, 2024



Photo: Ion Perez - TikTok


Tinablan din ng pambabatikos ng mga netizens si Ion Perez pagkatapos nitong mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-konsehal sa isang bayan sa Concepcion, Tarlac, kung saan siya’y residente ng nasabing lugar.


Wala pang isang buwan pagkatapos nitong ideklarang tatakbo siya sa pagka-konsehal, umatras na nga ang It’s Showtime (IS) co-host dahil sa pressure mula sa ilang mga netizens.


Inanunsiyo ito ng asawa ng TV host-comedian na si Vice Ganda makalipas ang isang buwan mula nang maghain siya ng kandidatura para sa 2025 elections.

Nitong Lunes, November 4, nag-post si Ion ng video sa TikTok para ipaalam na hindi na niya itutuloy ang pagtakbo bilang konsehal sa bayang kanyang sinilangan.


Mensahe niya sa video, “Sa mga kalugar ko d’yan sa Concepcion, una po, maraming salamat sa tiwala at suporta n’yo na ibinigay sa ‘kin.


“Ipinapaalam ko lang po na hindi na po ako tatakbo o tutuloy bilang konsehal ng Concepcion.”


Sey pa niya sa video, “Gusto ko po munang ihanda ang sarili ko para hindi mapahiya sa inyo at mapaglingkuran kayo nang tama.


“Muli po, maraming-maraming salamat sa inyong tiwala. Paumanhin po.” 


Marami kasi ang kinilabutan sa unang inianunsiyo ni Ion na pagpasok niya sa pulitika. 

Well, tila nga nabuksan ang kanyang pag-iisip na ang pagpasok sa pulitika ay hindi lamang gaya ng pagsali sa isang male pageant.


Ilan lang sa mga masasakit na komento ng netizens… 


“Ay, sus, ano naman kaya ang kaya n’yang gawin? Wala naman s’yang alam as public servant, eh, ‘di naman yata s’ya nakatapos ng college?”


Dagdag pa ng netizen, “Porke’t asawa s’ya ni Vice, magagamit n’ya ‘yun para siya’y manalo? Uubusin lang niya ang pera ni Vice.”


Sincere naman si Ion Perez sa inilabas niyang video na may paliwanag kung bakit siya umatras kasama ng kanyang paghingi ng paumanhin sa lahat ng mga kababayan niyang umasa na sa kanyang pagtakbo.


Nasobrahan, naospital… CHARO, UMAMIN KUNG BAKIT BIGLANG NAWALA SA BATANG QUIAPO 



May pinagdaraanan palang karamdaman ang dating ABS-CBN president na si Ma’am Charo Santos dahil sa kanyang hectic schedules including tapings at media events. 


Tila ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit siya naospital ay ang kanyang heavy scenes sa seryeng Batang Quiapo (BQ), kung saan siya’y may sagutan o struggles with co-actors Lena and Rigor (played by Mercedes Cabral at John Estrada).


Grabe ang sigawan sa eksena with matching pisikalan pa. 


Ang mga sunud-sunod niyang  eksena o schedule sa primetime Kapamilya serye ay kanyang ibinahagi sa Instagram (IG) video, kung saan kanyang ipinagtapat that she lost her voice all of a sudden.


“Isang umaga, gumising na lang ako, wala na akong boses. Tapos naisip ko, siguro dahil du’n sa back-to-back taping schedules ko ng Batang Quiapo and my military training. Bumagsak na nga ‘yung immune system ko,” saad ni Charo.


Kaya naman may advice ang doctor ng Kapamilya actress-executive na iwasan muna niya ang magsalita. 


“I was given strict instructions by my doctor not to talk, not to even whisper, so hirap na hirap talaga ako nu'ng FTX (Field Training Exercise) ko. I had to use a whiteboard and pentel pen to communicate with the commanding officer and the military training instructors. Thankfully naman, naka-graduate ako,” aniya.


Pinayuhan din siya ng kanyang doctor to take several kinds of medicines and had to increase her water intake.


After several check-ups, unti-unti na raw bumabalik ang kanyang magandang kondisyon.

“Ngayon, medyo bumabalik na ‘yung boses ko. A bit raspy pero may lumalabas na and hopefully by next week, makabalik na ako sa taping ng Batang Quiapo. See you soon,” masaya niyang sagot.


Matatandaang kamakailan lamang ay naging Philippine Air Force Reservist (PAFR) siya pagkatapos nitong gumradweyt mula sa reservist training nitong October 19.


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Oct. 20, 2024



Photo: Alden, Kathryn at Mommy Min Bernardo - FB


IN full swing na ang promo para sa comeback movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ng Hello, Love, Again (HLA). Dahil sa madalas silang makaharap ng media, laging nauungkat ang kanilang off-cam relationship, kung sila na nga ba? Or welcome ba si Alden sa pag-akyat ng ligaw sa bahay ng mga Bernardo?


Ganito ang naging tanong ng TV host na si Boy Abunda sa actor sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) sa GMA-7.


Maingat nitong sagot, “‘Yung meron po kami ni Kath ngayon, Tito Boy, I should say, [is] really deep, Since I got the chance to really know her, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya — our similarities and differences and how we deal with life.


“Sobrang na-appreciate ko ‘yung mga bagay na ino-open n’ya sa ‘kin, welcoming me to her life and, of course the family, na-meet ko na rin po ‘yung family.”


Sa wakas, inamin ni Alden na bumibisita siya sa bahay ni Kathryn sa Antipolo, Rizal.

“Nakakapunta ako sa bahay nina Kath,” sey ni Alden.


Hindi sinagot ni Alden ang tanong ni Kuya Boy kung kagaya ba siya ng ilang manlilgaw na nagdadala ng bulaklak kapag umaakyat ng ligaw.


Maaalalang nag-trending ang Instagram (IG) post ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo nitong October 6 kung saa’y ipinakita ni Min ang video na buhat-buhat ni Alden ang pamangkin ni Kathryn na si QQ. Kuha ang video mula sa behind the scenes ng pinakaunang mall show nina Kathryn at Alden para sa pelikulang HLA.


Kinilig ang mga KathDen (Kathryn at Alden) fans na nag-comment sa post ni Min at sinabing, “Tapos na ang laban.”   


Hindi man nagsalita si Min, parang sinabi niyang si Alden na nga ang “This is it!” na guy for her daughter Kath.


Sabi ng mga fans at netizens, senyales daw ang kanyang IG post na boto si Mommy Min kay Alden para kay Kathryn.


Bago pa man ang petsang March 8, iniulat na ng PEP Troika sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na “love” ni Mommy Min si Alden dahil ‘mabait daw na bata’ ang aktor. Dahil sa mga positive comments ni Mommy Min kay Alden, umugong tuloy ang tsismis na totoo ngang nanliligaw si Alden kay Kathryn.


Matatandaang isa si Alden sa prominent guests sa 28th birthday party ni Kathryn, na ginanap sa isang yacht at luxurious resort sa El Nido, Palawan noong March 26, 2024 at agad naman itong nasundan noong Abril nang maiulat na dinalhan ni Alden si Kathryn ng bouquet of red roses nang sorpresa siyang dumating sa post-birthday dinner ng dalaga. 


Parang namihasa na ang actor sa actress dahil noon ding buwan ng Abril ay isa si Alden sa ‘surprise guests’ sa housewarming party ni Kathryn.


Sa kasalukuyan, wala pang direktang kumpirmasyon mula kina Alden Richards at Kathryn Bernardo kung higit pa sa pagkakaibigan ang ugnayan nila ngayon. 


Aabangan daw ng KathDen kung consistent ang actor sa panliligaw sa actress after mai-showing ang HLA.



ISA na namang achievement ang nakamtan ng ABS-CBN Entertainment, ang isang digital milestone after hitting 50 million subscribers on YouTube (YT) continuing its dominance in the media and entertainment category in Southeast Asia.


Nagparating ng kanyang pasasalamat ang Head of Digital Content Publishing na si Richard G. Reynante towards the 50 million subscribers that remained faithful to the digital content of ABS-CBN. 


Ani Reynante, “This huge milestone isn’t only for ABS-CBN but for the 50 million Kapamilyas from all over the world who made this all possible. Without our loyal Kapamilyas, this feat of being the most subscribed YouTube channel in the media and entertainment category in Southeast Asia will never be achieved.”


Siniguro rin nito sa lahat that only the best quality content will be available on the YT channel. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page