top of page
Search

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Jan. 7, 2025



Photo: Kathryn at mommy Min Bernardo - IG @bernardokath


Nitong January 5, 2025, nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Mommy Min, ang ina ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo. 


Sa kanyang Instagram (IG) account, ibinahagi ni Kathryn ang kanyang madamdaming birthday message sa ina.


Sa mensahe ni Kathryn, sinabi nitong kahit paulit-ulit siyang papiliin ng magiging ina, pipiliin at pipiliin daw niya si Mommy Min.


Hindi man daw perpekto ang samahan nila bilang mag-ina, ang mga imperpektong sitwasyon na ito ang labis na nagpapatibay sa kanilang relasyon.


Ani Kathryn, “They say you can’t choose your family, but if I had the chance, I’d still choose you to be my mom—over and over again. (heart emoji) Our relationship may not be perfect (lots of fights and misunderstandings (face holding back tears emoji), but it’s the imperfect moments that made us stronger. They made me love you even more.”


Sabi pa ng aktres, in good or bad times, si Mommy Min ang bumuo ng malaking bahagi ng kanyang pagkatao.


“You’re a big part of who I am today, Mama. We don’t say it much, but we love you dearly. Your happiness will always be my happiness. Happy Birthday! (cake emoji).

“Love you, bunso (the most kulit and stressful one) (monkey emoji).”


Inspirasyon daw ng The Voice US champion…

SOFRONIO, TODO-THANK YOU KAY VICE 





Binisita ni Sofronio Vasquez ang aniya’y kanyang tahanan, ang It’s Showtime (IS) kung saan siya nagsimula bilang singer hanggang sa maging grand champion ng The Voice US 2024.


“Nagpapasalamat ako sa Showtime dahil kahit hindi ako nanalo sa Tawag ng Tanghalan (TNT) ay binigyan nila ako ng trabaho,” ani Sofronio na umaming inalok siya

para maging vocal coach ng mga sumasali sa TNT.


Aniya, “Nagpapasalamat din ako kay Vice Ganda na nagbigay ng inspirasyon na patuloy na lumaban.”


Sumali kasi noon si Sofronio sa IS ngunit bigong manalo, pero sa USA ay wagi sa The Voice.

 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Nov. 21, 2024



Photo:Hilda Koronel - Instagram


Sa muli niyang pagbabalik-showbiz, ikinuwento ng multi-awarded actress na si Hilda Koronel sa ginanap na mediacon ang kanyang comeback film. Napakahirap daw na desisyon sa actress ang pagtalikod sa showbiz, sa kasagsagan ng kanyang kasikatan. Sa Amerika kasi nagtatrabaho noon ang asawa niyang si Ralph Moore, Jr.

Umpisa ni Hilda, “Mahirap na desisyon. I had to leave everything because my husband works in California.


“I had to go. I had no choice but to go. I left everything, my career, so medyo mahirap. The first three years, I was crying and crying.”

Nagkukuwento ang actress tungkol sa mga karanasan niya bilang ordinaryong mamamayan sa California.


“Naghuhugas ako ng pinggan, etc. And then, nasa Immigration ako, hindi nila ako makuhanan ng fingerprints kasi may bubbles daw.” natatawa niyang kuwento.


“Sabi ko, ‘You know why? Hindi ako naghuhugas ng pinggan sa Maynila.’


“They were laughing and laughing at me, so it was like an experience talaga na iba.

“And up to now, I don’t even know how to put gas in my car. My husband does it for me. So, it was like, ‘Oh, my gosh, sa Maynila, I don’t even have to go down.’


“‘Pag ikinukuwento ko ‘yun sa Amerika, they’re like shocked also, like, ‘What, you have maids there?’ Kasi, ‘Parang may slaves kayo du’n?’


“[I told them] ‘No, no, no. They’re like family to us. They stay with us like forever, 25 years, 30 years.’”


Habang nasa Amerika ay pinagtuunan daw ni Hilda ang pagiging maybahay, hanggang sa pumanaw ang kanyang mister noong Huny, 2023.


Kuwento niya, “Mostly talagang I just became a housewife, and I just concentrated on that when we were together for thirty years before he passed. So I was just like, I wanted to really make it work and it did.


“Magpo-fold ka ng clothes, isa-isa ‘yun, ilalagay mo sa mga drawer. ‘Yun ang mga ginagawa ko, mga normal. Tapos, magluluto ako ng almusal, ng hapunan.


“‘Pag weekend, mula umaga, tanghali, hanggang gabi, talagang full-time ako, and I have my animals.


“I’ve been in this [acting] business since 1969, matagal na, so parang ibang phase naman. Parang nagpahinga ako nang konti.”


Ayon kay Hilda, ibang-iba ang Pasko sa Amerika at sa ‘Pinas. Mas naaalala raw niya ang nakasanayang masayang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas. 


Ayon sa actress, ipinatanggal niya ang TFC (The Filipino Channel) sa kanilang tahanan sa Amerika dahil sa lungkot na nararamdaman nila ng kanyang asawa.


“Malungkot nang konti ‘yung Christmas. I used to have TFC. Kaming mag-asawa, iyak nang iyak tuwing makikita namin ‘yung tiangge, the decorations, which I am seeing now, which I missed in the U.S.


“Iyak ako nang iyak, tinanggal ko ‘yung TFC ko. Nalungkot ako for awhile,” sabi ni Hilda.

Dahil nag-iwan siya ng legacy bilang magaling na actress dito sa ‘Pinas, kahit nasa ibang bansa na siya, hindi raw nawawalan ng acting offers si Hilda, pero pinipili niya ang mga proyektong tatanggapin.


“Actually, before the pandemic, I had an offer already. There were two films I was supposed to do, sinagot ko na ‘yun. Then I had pneumonia. I was hospitalized for five days.


“And they were calling and calling my husband, ‘She has to come already.’ Thank God, nangyari sa ‘kin ‘yun, kung hindi, dito ako [sa Pilipinas] aabutin ng pandemic. Then for two years, hindi ako lumabas ng bahay.”


Dagdag ni Hilda, “Every year, marami akong offers, eh, but I wanted to really choose my…

“At this point in time, I believe I have the right to choose kung ano ang movie na gusto kong gawin. Gusto ko, maganda talaga.”


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Nov. 22, 2024



Photo: Nadine Lustre, Aga Muhlach at Vilma Santos - Uninvited


Sa ginanap na mediacon ng Uninvited last Wednesday sa Solaire North, Quezon City, star-studded ang movie na produced by Mentorque dahil present ang halos buong cast na pinangungunahan ng mga bidang sina Vilma Santos, Aga Muhlach, at Nadine Lustre.  


Sa Q and A ng mediacon, unang ibinahagi ni Nadine na kakaibang role ang ginagampanan niya sa suspense-thriller-action bilang kontrabida sa pagganap niya bilang si Nicole sa nabanggit na 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Uninvited.  


Ayon sa Best Actress noong nakaraang MMFF sa movie na Deleter, ang pelikulang Uninvited ay kinakitaan niya ng hamon sa kanyang craft para gawin ang movie.  

“It is a huge change from all the roles I have done before. Everyone knows me from rom-coms and dramas — romance stuff. My roles are always mabait na anak, palaban, pero mabait. This time, I was able to explore and try a different side of acting.  


“I wanted you to see, ano pa kaya ang kaya kong gawin. Sobrang extreme from my previous characters — something I always wanted to do. I love exploring. Hopefully, maging darker characters ko,” sey ni Nadine.  


Napansin ng movie audiences sa film’s viral teaser na inilabas noong November 8 ang eksena nina Aga at Nadine kung saan nagmumurahan sila.


Aniya, ngayon lamang siya nakaganap ng “dark” role gaya ng ipinortray niya sa Uninvited at nilinaw ng actress na kabaligtaran ang ginampanan niyang character sa totoong buhay.  


“Iba ‘yung pakiramdam makaeksena si Kuya Aga. That scene, every time after ng eksena, may adlib si Kuya Aga. After paglabas ng pintuan, tawa ako nang tawa.  


"Hindi s’ya awkward, natuwa ako kasi naitawid namin ang eksena. Pero I would say if you watch the trailer, triggering in a way, pero nakakatawa lang knowing si Kuya Aga, ang layo ng personality n’ya,” pahayag ng actress.  


Bukod sa kanila ni Aga, ipinagmamalaki rin ni Nadine na first time nitong nakasama ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.  


“Talagang na-excite ako — go na mag-shoot na tayo — when I learned na nag-yes si Nadine,” sey ni Ate Vi kay Nadine.  


Nagkatambal na sa dalawang pelikula noon sina Ate Vi at Aga tatlong dekada na ang nakakaraan, at sa wakas sila’y reunited sa Uninvited.


Pahayag ni Aga, “Proud ako sa dalawang films namin, dito sobrang proud ako. How could you say no. I am the happiest to do this film and to have done it with Vilma. It comes in threes, third film namin — done na ako sa buhay.”  


Dagdag ni Vi, “Alam namin, hindi madali ang story. Nang na-layout na ang istorya, talagang importante ang characters sa movie para maging epektibo. Nang binuo ‘to, nag-usap kami nina Direk (Dan Villegas) at team, walang ibang choice to play Guilly, but hindi right away na ang pangalan na ibinagsak ay Aga Muhlach.”  


Ang concept ng thriller-drama na directed by Dan Villegas and written by Dodo Dayao ay brainchild ni Ate Vi, ayon na rin sa producer na si Bryan Dy.


Bukod kina Vilma, Aga, at Nadine, makakasama sa Uninvited ang magagaling na actor gaya nina Elijah Canlas, RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, at Tirso Cruz III.  

 
 
RECOMMENDED
bottom of page