top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 12, 2024


Dear Chief Acosta,


Empleyado ako sa isang bagong kumpanya na nagnanais na makapagbigay o makapag-abot ng microgrid system sa ibang malalayo at liblib na lugar sa ating bansa. Gusto ko lang masigurado na lehitimo ang aking pinasok na trabaho. Kung kaya, nais ko lamang malaman kung kinakailangan pa ng aming kumpanya na kumuha ng prangkisa sa ating gobyerno upang makapagpatakbo ng ganitong uri ng negosyo? Maraming salamat sa inyo. -- Chesca


Dear Chesca,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 6 ng Republic Act (R.A.) No. 11646, o mas kilala sa tawag na “Microgrid Systems Act”, kung saan nakasaad na:


“Section 6. Microgrid System Providers. – The ownership and operation of a microgrid system in unserved and underserved areas pursuant to this Act shall not be considered a public utility operation. For this purpose, any MGSP shall not be required to secure a franchise from Congress, but shall secure an ATO from the ERC prior to its operation. All qualified third parties (QTPs) providing alternative electric service pursuant to Section 59 of Republic Act No. 9136 are hereby renamed and shall hereafter to be known as MGSPs.


Any party, including private corporation, local government units, cooperatives, nongovernment organizations, generation companies and their subsidiaries, and DUs and their subsidiaries who have demonstrated the capability and willingness to comply with the relevant technical financial, and other requirements, may be an MGSP: Provided, That these entities shall not subsidize their respective MGSPs and shall maintain a separate account for such business undertaking pursuant to ERC’s applicable rules and guidelines on business separation and unbundling, whenever applicable.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang pagmamay-ari o operasyon ng isang microgrid system sa mga lugar na tinatawag na unserved at underserved areas ay hindi makokonsidera na isang public utility operation. Unserved areas ang tawag sa mga lugar na walang access sa elektrisidad.   Underserved areas naman ang mga lugar kung saan may access sa elektrisidad ngunit hindi tuluy-tuloy sa loob ng 24 oras. (Sec. 4 (t) at (v), Id.)


Dahil dito, ang ano mang microgrid system provider ay hindi inaatasan na kumuha ng prangkisa sa Kongreso upang maipagpatuloy ang kanilang operasyon. Ganoon pa man, ang mga microgrid system providers ay inaatasan na kumuha muna ng isang Authority to Operate mula sa Energy Regulatory Commission (ERC) bago ang pagsisimula ng kanilang operasyon. Kung kaya, base sa iyong nabanggit na katanungan, bago makapagsimula ang iyong pinasukan na kumpanya ng operasyon bilang microgrid system provider, ito ay kinakailangan na mapagkalooban muna ng Authority to Operate ng ERC. Nais din namin ipaalam na ano mang paglabag sa batas ay may kaukulang parusa na naaayon sa R.A. No. 11646.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 11, 2024



Dear Chief Acosta,


Isa akong senior citizen na mag-isang naninirahan dito sa ating bansa. Dahil malapit na ang aking kaarawan, sinubukan kong mag-book sa isang beach resort upang doon ako magdiwang. Subalit, nang tawagan ko ang nasabing beach resort, sinabihan ako ng kanilang staff member na hindi ko diumano magagamit ang aking senior citizen discount sa kanilang resort sapagkat hindi naman diumano sila regular na hotel. Tama ba ito? -- Virginia


Dear Virginia, 


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 4 ng Republic Act ( R.A.) No. 7432, na inamyendahan ng R.A. No. 9994, o mas kilala sa tawag na Expanded Senior Citizens Act of 2010, kung saan nakasaad na:


“SEC. 4. Privileges for the Senior Citizens. –


The senior citizens shall be entitled to the following:


(a) the grant of twenty percent (20%) discount and exemption from the value-added tax (VAT), if applicable, on the sale of the following goods and services from all establishments, for the exclusive use and enjoyment or availment of the senior citizen


x x x


(7) on the utilization of services in hotels and similar lodging establishments, restaurants and recreation centers;”


Kaugnay nito, nakasaad sa Rule IV ng kaakibat na Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas na:


“Article 7. Twenty Percent (20%) Discount and VAT Exemption -- The senior citizens shall be entitled to the grant of twenty percent (20%) discount and to an exemption from the value-added tax (VAT), IF APPLICABLE, on the sale of the goods and services covered by Section 1 to 6 of this Article, from all establishments for the exclusive use and enjoyment or availment of senior citizens. 


For this purpose, the Department of Finance (DOF) through the Bureau of Internal Revenue (BIR) shall come up with the appropriate Revenue Regulations on the 20% senior citizens discount and VAT exemption within thirty (30) days from effectivity of these Rules that shall cover among others, new invoicing procedures, reportorial requirements, and a system for claiming tax deductions. x x x


Section 3. HOTELS, RESTAURANTS, RECREATIONAL CENTERS, AND PLACES OF LEISURES, AND FUNERAL SERVICES x x x


(a) HOTELS AND SIMILAR LODGING ESTABLISHMENTS -- The discount shall be for room accommodation and other amenities offered by the establishment such as but not limited to hotel-based parlors and barbershops, restaurants, massage parlor, spa, sauna bath, aromatherapy rooms, workout gyms, swimming pools, Jacuzzis, KTV bars, internet facilities, food, drinks and other services offered. The term “hotel” shall include beach and mountain resorts.” 


Sang-ayon sa mga nabanggit na probisyon ng batas, ang isang senior citizen ay may karapatan sa 20% discount para sa paggamit ng mga serbisyo, kagaya ng mga hotels at iba pang mga lodging establishments. Kaugnay nito, malinaw din na sinabi sa batas na kasama sa salitang hotel ang mga beach at mountain resorts.


Samakatuwid, hindi tama ang sinabi sa iyo ng nabanggit na staff member ng beach resort na nais mong i-book. Bilang isang senior citizen, ikaw ay may karapatan sa senior citizen discount para sa mga serbisyo at pasilidad na nais mong gamitin. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 10, 2024


Ang Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA) na marapat na sinusunod ng mga manananggol ay nagsasaad ng mga nararapat na aksyon ng isang mabuting tagapagtanggol. 


Ang relasyon ng isang abogado at ng kanyang kliyente ay nakabase sa pagtitiwala ng kliyente sa kakayahan ng kanyang abogado na ipagtanggol at ipaglaban ang kanyang mga karapatan. Kinakailangan na ang pagtitiwalang ito ay panatilihing hindi masira ng abogado hanggang sa kahit ang kanyang serbisyo ay natapos na. 


Ayon sa CPRA, karapatan ng isang kliyente na mapanatiling lihim o sikreto ang bawat komunikasyon o pinag-uusapan nila ng kanyang abogado. Dagdag pa rito, kapag ang kliyente ay humingi ng payo sa isang abogado, karapatan niyang makakuha ng isang tapat at totoong payo ukol sa kanyang problema. Kapag ang isang abogado ay nakatanggap ng pera o ari-arian para sa kanyang kliyente, karapatan ng kliyente na masabihan ng kanyang abogado na mayroon siyang natanggap na pera o ari-arian para sa kanya.


Kaugnay nito, responsibilidad ng abogado na pag-ingatan at ibigay sa kanyang kliyente ang mga nasabing pera o ari-arian. Kapag hiniling ng kliyente na ibigay sa kanya ang mga ito, responsibilidad ng abogado na ibigay ito sa kliyente.  Kapag hindi ibinigay ng abogado ang mga ito, may karapatan ang kliyente upang idemanda ang kanyang abogado para mabawi ang kanyang pera o ari-arian.


Karapatan din ng kliyente na hilingin sa kanyang abogado na ipagtanggol ang kanyang kaso nang may ibayong pag-iingat at husay. Hindi dapat humahawak ang isang abogado ng isang kaso nang walang preparasyon. Kapag nagpabaya ang abogado sa kanyang kaso at nagbunga ito ng kapinsalaan sa kanyang kliyente, ang nasabing abogado ay mananagot sa kanyang kliyente.  Subalit, sa pagtatanggol ng abogado sa kaso ng kliyente, dapat malaman din ng kliyente na magagawa lamang ng abogado niya ang mga bagay na naaayon sa batas. Hindi dapat gumawa ang abogado ng labag sa batas para lamang ipagtanggol niya ang kanyang kliyente sapagkat labag ito sa sinumpaang tungkulin ng mga abogado.


Kapag humingi ang kliyente mula sa kanyang abogado ng impormasyon sa estado ng kanyang kaso, ang kanyang abogado ay kinakailangang makapagbigay ng nasabing hinihinging impormasyon sa lalong madaling panahon.  


Ang basehan ng relasyon ng abogado at kliyente ay ang pagtitiwala. Kaya naman importante na mapanatili ang tiwalang ito. Hindi maaaring magrepresenta ng magkasalungat na interes ang isang abogado maliban na lamang kung mayroong dokumentadong konsento ang kliyente. Ito ay ayon sa Section 13 ng CPRA kung saan nakasaad na:


“SECTION 13. Conflict of interest. -- A lawyer shall not represent conflicting interests except by written informed consent of all concerned given after a full disclosure of the facts.


There is conflict of interest when a lawyer represents inconsistent or opposing interests of two or more persons. The test is whether in behalf of one client it is the lawyer’s duty to fight for an issue or claim, but which is his or her duty to oppose for the other client.”


Sa relasyon ng isang abogado at kliyente, marapat na mayroong pagtitiwala sa kanilang pagitan sapagkat ito ang magiging malakas na pundasyon upang magawa ng bawat panig ang kanilang mga responsibilidad upang makamit ang ipinaglalabang hustisya. Ito ay sang-ayon sa nakasaad sa CPRA na:


“SECTION 6. Fiduciary duty of a lawyer. -- A lawyer shall be mindful of the trust and confidence reposed by the client.  To this end, a lawyer shall not abuse or exploit the relationship with a client.”


Kapag tinanggap ng isang abogado ang kaso ng kanyang kliyente, marapat na ipaglaban niya ito sa abot ng kanyang makakaya, nang naaayon sa sinasabi ng batas, nang buong kahusayan at ibayong pag-iingat nang sa ganoon ay maipagtanggol niya ang kanyang kliyente. Ganoon din, ang kaso ng isang kliyente ay hindi dapat tanggihan ng isang abogado dahilan lamang sa kanyang lahi, kasarian, paniniwala, o kanyang sariling opinyon sa kinalaman nito sa kasong kinasasangkutan.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page