top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 25, 2023


Dear Chief Acosta,


Isa akong banyaga na mahigit 15 taon nang nakatira sa Pilipinas. Iniisip ko kung ako ay magpapa-naturalize na bilang isang Pilipino kaya pinag-aaralan ko ang proseso nito. Nakita ko na dapat ay mayroon akong mga witnesses na magpapatunay ng aking pananatili sa bansa na aking ipipresenta sa proceedings hinggil dito. Maaari ko bang malaman kung sinu-sino ang mga dapat kong ikonsidera bilang mga witnesses? - Ming


Dear Ming,


Para sa iyong kaalaman, ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng Edison So v. Republic of the Philippines (G.R. No.170603, January 29, 2007), na isinulat ni Kagalang-galang na dating Mahistrado Romeo J. Callejo Sr., kung saan ipinaliwanag na:


“In naturalization proceedings, it is the burden of the applicant to prove x x x the good moral character of his/her witnesses, who must be credible persons. What must be credible is not the declaration made but the person making it. This implies that such person must have a good standing in the community; that he is known to be honest and upright; that he is reputed to be trustworthy and reliable; and that his word may be taken on its face value, as a good warranty of the applicant’s worthiness.”


Sang-ayon sa nabanggit, ang isang aplikante sa isang naturalization proceedings ay dapat na may pagpapatunay hinggil sa good moral character ng kanyang mga ipipresentang witnesses. Dapat mapatunayan niya na may magandang katayuan ang mga ito sa komunidad, may katapatan, at lubusang mapagkakatiwalaan. Kailangang maipakita na ang mga salita ng mga magiging saksi ay maaaring paniwalaan.


Ang mga ito ay alinsunod din sa Commonwealth Act No. 473 o “Revised Naturalization Law,” na nagsasaad ng mga sumusunod:


The petition must be signed by the applicant in his own handwriting and be supported by the affidavit of at least two credible persons, stating that they are citizens of the Philippines and personally know the petitioner to be a resident of the Philippines for the period of time required by this Act and a person of good repute and morally irreproachable, and that said petitioner has in their opinion all the qualifications necessary to become a citizen of the Philippines and is not in any way disqualified under the provisions of this Act.” (Sec. 7)


Samakatuwid, kung iyo nang napagdesisyunan na ituloy ang pag-file ng naturalization proceedings para ikaw ay maging isang ganap na Pilipino, nararapat na ikaw ay maghanap ng mga tapat at mapagkakatiwalaang mga tao na maaari mong gawing mga saksi para sa proceedings na kaugnay nito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 24, 2023


Dear Chief Acosta,


Shuttle service ang matagal ko nang sinasakyan papasok sa eskwelahan at pauwi sa aming bahay. Ngayon ay tumataas na ang mga gastusin at nais ko sanang makatipid maski sa pamasahe papasok sa aming eskwelahan. May diskwento ba ako bilang isang estudyante sa aking binabayaran sa aming shuttle service? Maraming salamat. - Sip


Dear Sip,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 4 ng Republic Act No. 11314 na kilala bilang “Student Fare Discount Act.” Nakasaad dito na:


“Section 4. Coverage. -This Act shall cover all public transportation utilities such as, but not limited to, public utility buses (PUBs), public utility jeepneys (PUJs), taxis and other similar vehicles-for-hire, tricycles, passenger trains, aircrafts and marine vessels. The application of this Act does not cover school service, shuttle service, tourist service, and any similar service covered by contract or charter agreement and with valid franchise or permit from the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, may mga uri o klase ng sasakyan na pang-transportasyon na hindi sakop ng batas na nagbibigay ng diskwento sa pamasahe ng mga estudyante. Ang ilan dito ay ang mga school service, shuttle service, tourist service at iba pang may katulad na serbisyo kung saan ito ay sakop ng isang kontrata o charter agreement at may prangkisa o permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Para sa nasabi mong sitwasyon, hindi sakop ang serbisyo ng school service sa mga inaatasan sa Republic Act No. 11314 na magbigay diskwento sa pamasahe ng mga estudyante na tulad mo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | August 23, 2023


Dear Chief Acosta,


Nag-iisang anak ako ng aking mga magulang at silang dalawa ay kasal. Lingid sa aming kaalaman, pangalawang asawa lang pala ng aking ama ang aking ina. May unang asawa at mga anak na pala siya sa probinsya bago pa man siya lumuwas dito sa Maynila kung saan sila nagkakilala ng aking ina. Sa tindi ng kasinungalingan at panloloko ng aking ama sa amin, sinabi ko sa aking ina na dapat niyang ipawalang-bisa ang kanilang kasal, ngunit tumanggi siya at sinabing hayaan ko na lang daw ang aking ama. Dahil dito, naisip kong ako na lang ang magsampa ng kaso upang maipawalang-bisa ang kanilang kasal. Maaari ko bang gawin ito bilang isang anak? - Kieth


Dear Kieth,


Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Article 35 ng Family Code of the Philippines ang mga void na kasal o mga kasal na walang bisa. Isa sa mga ito ay ang bigamous o polygamous marriage, o ang pagkakaroon ng dalawa o mahigit pang kasal. Ayon sa nabanggit na probisyon:


“Art. 35. The following marriages shall be void from the beginning:

(1) Those contracted by any party below eighteen years of age even with the consent of parents or guardians;

(2) Those solemnized by any person not legally authorized to perform marriages unless such marriages were contracted with either or both parties believing in good faith that the solemnizing officer had the legal authority to do so;

(3) Those solemnized without license, except those covered by the preceding Chapter;

(4) Those bigamous or polygamous marriages not falling under Article 41;

(5) Those contracted through mistake of one contracting party as to the identity of the other;

(6) Those subsequent marriages that are void under Article 53.”


Kaugnay nito, nakasaad naman sa A.M. No. 02-11-10-SC o ang Rule on the Declaration of Absolute Nullity of Void Marriages and Annulment of Voidable Marriages na inilabas ng Kagalang-galang na Korte Suprema noong Marso 4, 2003 na ang petisyon sa korte upang ipadeklarang walang bisa ang kasal o hindi ito kailanman nagkaroon ng bisa ay maaari lamang isampa ng isang asawa:


“Section 2. Petition for declaration of absolute nullity of void marriages.

(a) Who may file. - A petition for declaration of absolute nullity of void marriage may be filed solely by the husband or the wife.”


Samakatuwid, kung walang intensyon ang iyong ina na ipawalang-bisa ang kasal nila ng iyong ama, hindi ka maaaring magsampa ng petisyon para rito sapagkat ayon sa nabanggit na panuntunan, ang karapatang ito ay limitado lamang sa isang asawa.


Gayunpaman, kung sakaling magbago ang isip ng iyong ina ukol dito, nakasaad sa Section 2 (c) ng parehong panuntunan na ang pagsasampa ng petisyon upang maipawalang-bisa ang isang void na kasal ay imprescriptible o hindi lumilipas:


“Section 2. Petition for declaration of absolute nullity of void marriages;

(c) Imprescriptibility of action or defense. - An Action or defense for the declaration of absolute nullity of void marriage shall not prescribe.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page