top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 3, 2023


Marami sa ating mga kababayan na pinaghahandaan nang mabuti ang kanilang kinabukasan, maging ng kanilang mga mahal sa buhay. Kaya naman kung kakayanin nila, maski paunti-unti lamang, ay nag-iipon sila para sa kanilang kinabukasan. Marami ang naglalagay ng kanilang mga ipon sa bangko para ito ay gawing deposito.


Sa ilalim ng Republic Act No. 1405 o ang Bank Secrecy Deposit Act, inilatag ang polisiya ng estado na himukin ang mga mamamayan na magdeposito sa mga bangko, sa halip na itago lang nila ito sa kanilang sarili, upang magamit ng mga bangko ang mga nasabing deposito para sa mga pinapayagang uri ng utang at makatulong ito sa kaunlaran ng ekonomiya ng bansa.


Upang lalong mahimok ang mga mamamayan na mag-impok sa bangko ay pinasisiguruhan ng batas na ang mga perang nakadeposito sa bangko ay hindi maaaring ipagbigay-alam sa ibang tao.


Ang mga depositong ito, anumang uri ito pangalanan, maging ng mga investment in bonds na inisyu ng ating gobyerno at ng mga political subdivisions o instrumentalities nito, ay itinuturing na absolutely confidential. Hindi ito maaaring eksaminin, kuwestiyunin o tingnan ng sinumang tao, government official, bureau o opisina.


Ang mga exceptions lamang na kinikilala ng batas para tingnan o imbestigahan ang isang deposito sa bangko ay ang mga sumusunod:


1. Upon written permission of the depositor;

2. In cases of impeachment;

3. Upon order of a competent court in cases of bribery or dereliction of duty of public officials;

4. In cases where the money deposited or invested is the subject matter of the litigation;

5. Report of banks to Anti-Money Laundering Council of covered and/or suspicious transactions;

6. Upon order of the competent court or tribunal in cases involving unexplained wealth under the Anti-Graft and Corrupt Practices Act or Republic Act No. 3019;

7. In cases of terrorism under the Human Security Act of 2007 or Republic Act No. 9372.


Malinaw na tanging ang mga nabanggit lamang ang legal na dahilan upang pakialaman o silipin ang isang deposito sa bangko. Sa isang kaso na isinulat ng dating Punong Mahistrado, Kagalang-galang na Diosdado M. Peralta na pinamagatang BSP Group versus Sally Go, G.R. No. 168644, February 16, 2010, sinabi ng Korte Suprema na ang pagtatanong tungkol sa deposito sa bangko ay dapat na batay sa katotohanan na ang perang nakadeposito sa naturang account ay ang mismong pinag-uusapan sa kaso. Sinabi ng Korte Suprema na:


“What indeed constitutes the subject matter in litigation in relation to Section 2 of R.A. No. 1405 has been pointedly and amply addressed in Union Bank of the Philippines v. Court of Appeals, 50 in which the Court noted that the inquiry into bank deposits allowable under R.A. No. 1405 must be premised on the fact that the money deposited in the account is itself the subject of the action.”


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 2, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang aking kapatid ay nangutang ng halagang P5,000,000.00 mula sa kanyang kaibigan, na kung saan ako ang tumayong guarantor. Ayon sa aming kasunduan, ang aking lupa ang tatayong garantiya, at kami ay pumirma ng kontrata kaugnay nito. Sa kasamaang palad ay nabigong magbayad ang aking kapatid, kaya naman nais ng aking pinsan na ipa-foreclose ang nasabing lupa, kahit na hindi niya napatunayan na walang sapat na ari-arian ang aking kapatid upang mabayaran ang utang. Maaari ba iyon? - Carlo


Dear Carlo,


Ang batas na sasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Republic Act No. 386 o mas kilala bilang The New Civil Code of the Philippines. Nakasaad sa Articles 2058 at 2085 ng nasabing batas na:


“Article 2058. The guarantor cannot be compelled to pay the creditor unless the latter has exhausted all the property of the debtor, and has resorted to all the legal remedies against the debtor.


Article 2085. The following requisites are essential to the contracts of pledge and mortgage:

(1) That they be constituted to secure the fulfillment of a principal obligation;

(2) That the pledgor or mortgagor be the absolute owner of the thing pledged or mortgaged;

(3) That the persons constituting the pledge or mortgage have the free disposal of their property, and in the absence thereof, that they be legally authorized for the purpose.

Third persons who are not parties to the principal obligation may secure the latter by pledging or mortgaging their own property.”


Ayon sa mga nabanggit na probisyon ng batas, bagama’t ang isang guarantor ay hindi maaaring pilitin na magbayad ng utang hangga’t hindi napapatunayan ng creditor na ang lahat ng legal na hakbang laban sa debtor o taong nangutang ay kanya nang nagawa, ang nasabing karapatan ay hindi iiral kung siya mismo ay nagbigay ng kanyang ari-arian bilang garantiya sa utang. Sa nasabing pagkakataon, ang creditor ay maaaring gumawa ng hakbang laban sa lupang ginamit na garantiya upang masigurado ang kabayaran sa nasabing utang. Kaya naman, maaaring habulin ng creditor ng iyong kapatid ang lupang iyong ibinigay bilang garantiya kahit pa hindi napapatunayan ng creditor na walang sapat na ari-arian ang iyong kapatid.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 1, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay nagtatrabaho sa isang ahensya ng gobyerno. Isang hapon, nakaupo ako sa isang sulok nang biglang tumabi sa akin ang katrabaho ko. Sobrang nagulat at nahiya ako nang hawakan at kilitiin niya ako sa hita at tuhod. Sa kabila ng pagtutol ko, hinawakan naman niya ako sa kamay. Balisa at sobrang sama ng loob, nag-walk out ako. Ang depensa niya ay nagbibiruan/nagtutuksuhan lang diumano ang grupo.


Napapaisip akong magreklamo. Angkop ba ang kanyang pag-uugali o gawi? - Girlie

Dear Girlie,


Sa kasong Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang (PBS-RTVM) vs. Vergel P. Tabasa, G.R. No. 234624, 26 February 2020, sa panulat ni Honorable Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, kinilala ng Kagalang-galang na Korte Suprema na sa kabila ng mga positibong epekto ng panunukso sa interpersonal na relasyon, maaaring hindi ito palaging itinuturing na mabuti:


“Misconduct is a transgression of some established or definite rule of action; more particularly, it is an unlawful behavior by the public officer.


There is evidence to support the claim that Tabasa committed an unlawful behavior against Angco. A careful perusal of the records of the case would show that there is no dispute that Tabasa deliberately touched the knee of Angco in jest and that this act was unsolicited. As defense, Tabasa justified his actions as a form of bantering. However, it is important to stress that there is playful teasing and then there is hurtful teasing. Despite teasing’s positive effects to interpersonal relationships, it may not always be perceived favorably. The way a person views a joke may differ depending on the situation and on how one perceives a tease — a teaser’s intentions and his/her overall interaction with the teaser. Insensitive jokes or actions could border on harassment due to the fact that targets may be unaware of the teaser’s intentions. Therefore, for the protection of all employees, a line has to be drawn before an innocent action becomes a full-blown harassment.


This is not to completely prohibit light-hearted banter for no one would want to create a sterile working environment. Creating an atmosphere of playfulness in the workplace is an understandable form of social interaction. The Court takes judicial notice that humor in the workplace could positively leverage work-related outcomes such as work productivity, staff motivation, job satisfaction, group cohesion, commitment, and most importantly, stress reduction. However, unsolicited physical contact, even if done in jest, has no place in the workplace, especially in the government service.”


Ayon sa nasabing kaso, ang paraan ng pagtingin ng isang tao sa isang biro ay maaaring mag-iba depende sa sitwasyon at sa kung paano nakikita ng isang tao ang isang panunukso – mga intensyon ng isang nanunukso (teaser) at ang kanyang pangkalahatang pakikipag-ugnayan sa nanunukso (teaser). Ang mga insensitive na biro o aksyon ay maaaring hangganan ng panliligalig (harassment) dahil sa katotohanang maaaring hindi alam ng mga target ang mga intensyon ng nanunukso (teaser).


Kung kaya, ang paghipo sa hita/tuhod at paghawak sa kamay ay malinaw na hindi hinihingi at hindi kailangan, at ang iyong katrabaho ay walang karapatan na gawin ito.


Kahit na ang pagkilos ay ginawa nang walang malisya, ito ay lampas sa lahat ng hangganan ng kagandahang-asal para sa isang tao na hawakan ang anumang bahagi ng katawan ng iba nang walang pahintulot.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page