top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 6, 2023


Dear Chief Acosta,


Lima kaming magkakapatid at may naiwang bahay at lupa ang aming mga namayapang magulang. Napagkasunduan naming ipangalan na ang mga ito sa akin sapagkat ang lahat ng aking mga kapatid ay nagtatrabaho at naninirahan na sa ibang bansa at wala ng interes sa nasabing mga ari-arian. Ang sabi nila sa akin ay ako diumano ang mag-asikaso ng pagpapalipat nito sa aking pangalan at hindi diumano sila tututol dito. Ano ba ang mga dapat kong gawin upang mailipat na sa aking pangalan ang naiwang bahay at lupa ng aming mga magulang? – Lanie

Dear Lanie,

Para sa iyong kaalaman, ang mga isinasaad sa Rule 74 ng Revised Rules of Court ang naaangkop sa iyong sitwasyon. Ayon sa nabanggit na panuntunan:

“Section 1. Extrajudicial settlement by agreement between heirs. — If the decedent left no will and no debts and the heirs are all of age, or the minors are represented by their judicial or legal representatives duly authorized for the purpose, the parties may without securing letters of administration, divide the estate among themselves as they see fit by means of a public instrument filed in the office of the register of deeds, and should they disagree, they may do so in an ordinary action of partition. If there is only one heir, he may adjudicate to himself the entire estate by means of an affidavit filed in the office of the register of deeds. The parties to an extrajudicial settlement, whether by public instrument or by stipulation in a pending action for partition, or the sole heir who adjudicates the entire estate to himself by means of an affidavit shall file, simultaneously with and as a condition precedent to the filing of the public instrument, or stipulation in the action for partition, or of the affidavit in the office of the register of deeds, a bond with the said register of deeds, in an amount equivalent to the value of the personal property involved as certified to under oath by the parties concerned and conditioned upon the payment of any just claim that may be filed under section 4 of this rule. It shall be presumed that the decedent left no debts if no creditor files a petition for letters of administration within two (2) years after the death of the decedent.

The fact of the extrajudicial settlement or administration shall be published in a newspaper of general circulation in the manner provided in the next succeeding section; but no extrajudicial settlement shall be binding upon any person who has not participated therein or had no notice thereof.”

Ayon sa nabanggit na panuntunan, maaari kang magsagawa ng tinatawag na extrajudicial settlement of estate, kasama ang iyong mga kapatid, ukol sa naiwang bahay at lupa ng inyong mga magulang upang mahati ito sa inyo.

Hinggil naman sa nais mo na maipangalan sa iyo ang nasabing lupa, kinakailangan na magsagawa ang lahat ng iyong mga kapatid ng tinatawag na waiver of rights. Ayon sa desisyon ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Valderama vs. Macalde (G.R. No. 165005, Setyembre 16, 2005, Ponente: Retired Honorabale Associate Justice Romeo J. Callejo Sr.), ito ay dapat naglalaman ng mga sumusunod:

“For a waiver of rights to exist, three elements are essential: (a) existence of a right; (b) the knowledge of the evidence thereof; and (c) an intention to relinquish such right.”

Ang nasabing waiver of rights ay maaaring isang kontrata kung saan ibinibigay na sa 'yo ng iyong mga kapatid nang kusang-loob ang kani-kanilang mga karapatan sa naiwang bahay at lupa ng inyong mga magulang. Maaari itong ilagay sa mismong kasunduan ng extrajudicial settlement na inyong gagawin.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 5, 2023


Dear Chief Acosta,


Sa mahal ng bilihin ngayon, ang una kong tinitingnan ay ang price tag ng mga produkto para malaman ang halaga nito kung pasok sa aking budget. Ganoon pa man, sa isang grocery store na aking napasukan, walang nakalagay na price tags sa mga produkto na kanilang tinitinda. May batas ba na sinusunod para rito? Salamat. - Buen


Dear Buen,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 4(c) ng Republic Act (R.A.) No. 10909 o “An Act Prohibiting Business Establishments from Giving Insufficient or No Change to Consumers and Providing Penalties Therefor”, na mas kilala bilang “No Shortchanging Act of 2016”, kung saan nakasaad na:


“Section 4. Regulated Acts. - It shall be the duty of the business establishment to give the exact change to the consumer without waiting for the consumer to ask for the same.


(c) Price Tags. — It shall likewise be the duty of business establishments to use price tags, when appropriate, indicating the exact retail price per unit or service which already includes the taxes applicable to the goods or services being offered. These establishments shall also put signs in conspicuous places within the establishments or reflect in the official receipts issued, the taxes incorporated in the retail price per unit of goods or services. This is to avoid misleading the consumers as to the exact price they have to pay for the goods or services and, consequently, the exact change due them.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, inaatasan ang mga business establishments na gumamit o maglagay ng mga tamang price tags sa kanilang mga itinitinda na produkto o ibinibigay na serbisyo upang malaman ng mga mamimili ang eksaktong presyo ng nasabing produkto o serbisyo.


Karagdagan dito, ang mga business establishments ay inaatasan din na maglagay ng mga signs o nakasaad na sa kanilang mga resibo, ang buwis ay kasama na sa retail price ng bawat produkto o serbisyo nila. Kung kaya sa iyong nabanggit na sitwasyon, ang nasabing grocery store ay hindi sumusunod sa probisyon ng nabanggit na batas. Kung mapapatunayang nagkasala, siya ay maaaring mapatawan ng karampatang parusa ng naaayon sa R.A. No. 10909.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 4, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay nagpahiram ng pera noon, at ang aking pinahiram ay namayapa na pala.


Napag-alaman ko rin na ang namamahala ng kanyang mga ari-arian ay ginagastos na rin ang kanyang mga naiwang yaman. Maaari ko bang kuwestiyunin ang namamahala ng iniwan niyang mga ari-arian sapagkat parang nag-uubos ito ng yaman ng yumao para lamang hindi ako mabayaran? - Adolfo


Dear Adolfo,


Para sa iyong kaalaman, ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng Hilado vs. Court of Appeals (G.R. No. 164108, May 8, 2009), na isinulat ni Kagalang-galang na Dating Mahistrado Dante O. Tinga, kung saan ipinaliwanag na:


“Concerning complaints against the general competence of the administrator, the proper remedy is to seek the removal of the administrator in accordance with Section 2, Rule 82 (Rules of Court). While the provision is silent as to who may seek with the court the removal of the administrator, we do not doubt that a creditor, even a contingent one, would have the personality to seek such relief.”


Sang-ayon sa nabanggit, ang isang creditor ay mayroong karapatang humiling sa korte na tanggalin ang namamahala ng naiwang ari-arian ng pumanaw na taong may utang sa kanya sapagkat siya ay may interes sa nasabing ari-arian na katumbas sa halaga ng kanyang ipinautang. Kaugnay dito, sang-ayon sa Section 2, Rule 82 ng Rules of Court, ang isang tagapamahala ay maaaring tanggalin sa kanyang posisyon sa pamamagitan ng paghahain ng petisyon sa korte na siyang magdedesisyon kung ang nasabing tagapamahala ay tatanggalin o papayagang bumitaw sa kanyang puwesto. Maaari mo itong gawin sa iyong sitwasyon upang maprotektahan ang iyong interes na mabayaran sa 'yo ang utang ng yumao.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page