top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 15, 2023


Sa gitna ng kaguluhang nangyayari sa ilang mga bansa sa ngayon, marapat na maintindihan ng lahat na kahit sa isang kaguluhan o digmaan ay may mga alituntuning dapat sundin at mga karapatang dapat na igalang.


Sa buwang ito ay tatalakayin at ipaaabot ng inyong lingkod, ang mga alituntunin at karapatan ng bawat bansang nasa digmaan. Isa sa mga alituntunin at karapatan na ito ay nakapaloob sa “Geneva Convention relative to the Treatment of Prisoners of War” (Convention).


Ang mga “prisoners of war” ay mga miyembro ng sandatahang lakas (kabilang ang kanilang civilian support) grupong militia, crew ng sibilyan na eroplano o barko, at maging ang mga sibilyang residente ng lugar na lumaban nang sila ay sakupin, na nasa mga kamay ng kalaban. Sila ay responsibilidad ng bansa o grupong humuli sa kanila at hindi lamang ng mga indibidwal o sundalo na nakahuli sa kanila. Kahit ano pa man ang indibidwal na tungkulin ng mga nakahuli ng mga nasabing prisoners of war, ang Detaining Power o ang nakahuli sa kanila ang magiging responsable para sa magandang pagtrato sa kanila.


Ang isang prisoner of war ay maaari lamang ilipat ng Detaining Power sa iba na dapat ay partido rin sa Convention matapos na masiguro ng nasabing Detaining Power sa sarili nito sa pagsang-ayon at abilidad ng partidong paglilipatan na ipatupad ang Convention.


Kapag ang isang prisoner of war ay nailipat sa ganoong sirkumstansya, ang responsibilidad para sa pagpapatupad ng Convention ay maililipat din sa partido o may kapangyarihang tumanggap sa nasabing prisoner of war habang siya ay nasa kustodiya nito. Magkaganoon man, kung hindi maipatutupad ng bagong may hawak sa prisoner of war ang alinman sa mga importanteng aspeto ng Convention, ang naunang Detaining Power, pagkatapos maabisuhan ng Protecting Power (karaniwan ay isang itinalagang neutral na bansa), ay gagawa ng hakbangin para maitama ang sitwasyon o hilingin na maibalik na lamang ang prisoner of war. Ang nasabing hiling ay kinakailangang mapagbigyan.


Ang isang prisoner of war ay dapat na palagiang tratuhin nang makatao. Anumang gawaing labag sa batas ng Detaining Power na naging dahilan ng pagkamatay o naging sanhi ng panganib sa kalusugan ng isang prisoner of war na nasa kustodiya nito ay ipinagbabawal at itinuturing na paglabag ng Convention.


Walang prisoner of war ang maaaring pagdanasin ng pisikal na pagputol, medikal o anumang siyentipikong pag-aaral na hindi binibigyan ng katwiran ng medikal, dental o hospital na panggagamot sa nasabing prisoner of war.


Ang mga prisoners of war sa lahat ng oras ay dapat na maprotektahan laban sa pananakot o anumang bayolenteng pagtrato at pang-iinsulto. Sa lahat ng pagkakataon, ang isang prisoner of war ay dapat na mabigyan ng respeto at karangalan. Ang mga babaeng bihag ay marapat na matrato nang may pagsaalang-alang sa kanilang kasarian at sa lahat ng oras ay makinabang sa magandang pagtrato katulad ng mga kalalakihan.


Lahat ng prisoners of war ay kinakailangang mabigyan ng magandang pagtrato ng Detaining Power, ayon sa probisyon ng Convention nang walang salungat na pagtatanggi base sa lahi, nasyonalidad, paniniwalang panrelihiyon, at pulitikal na paniniwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 14, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang aking anak na 14 taong gulang ay nahuli kong mayroong karelasyon na mas nakatatandang lalaki mula sa kanilang eskwelahan. Nalaman ko ang kanilang ugnayan sapagkat ginagamit ng aking anak ang aking cellphone upang doon mag-Messenger sa kanyang kasintahan. Nang minsan ay hindi na-logout ng aking anak ang kanyang Messenger at nabasa ko ang mga mensahe ng aking anak sa nasabing lalaki kung saan ito ay nanghihingi sa aking anak ng mga hubad na larawan. Maaari ko bang kasuhan ang nasabing lalaki sa ginagawa niyang pag-e-exploit sa aking anak? - Juana


Dear Juana,


Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Christian Cadajas y Cabias v. People of the Philippines (G.R. No. 247348, 16 November 2021, Ponente: Honorable Associate Justice Jhosep Y. Lopez). Sang-ayon sa Korte Suprema, ito ay maaaring ikonsiderang paglabag sa Section 4(c)(2) ng Republic Act (R.A.) No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, kaugnay sa Sections 4(a), 3(b), at (c)5 ng R.A. No. 9775 o Anti-Child Pornography Act of 2009:


“Petitioner was charged for violating Section 4(c)(2) of R.A. No. 10175 in relation to Sections 4(a) and 3(b) and (c)(5) of R.A. No. 9775 which reads as follows:


Section 4. Cybercrime Offenses. — The following acts constitute the offense of cybercrime punishable under this Act:


(c) Content-related Offenses:


(2) Child Pornography. — The unlawful or prohibited acts defined and punishable by Republic Act No. 9775 or the Anti-Child Pornography Act of 2009, committed through a computer system: Provided, That the penalty to be imposed shall be (1) one degree higher than that provided for in Republic Act No. 9775.


Section 4. Unlawful or Prohibited Acts. - It shall be unlawful for any person:


(a) To hire, employ, use, persuade, induce or coerce a child to perform in the creation or production of any form of child pornography.


Section 3. Definition of Terms.


(b) “Child pornography” refers to any representation, whether visual, audio, or written combination thereof, by electronic, mechanical, digital, optical, magnetic or any other means, of child engaged or involved in real or simulated explicit sexual activities.


(c) “Explicit Sexual Activity” includes actual or simulated.


(5) lascivious exhibition of the genitals, buttocks, breasts, pubic area and/or anus.

Thus, contrary to petitioner’s contention, his act of inducing AAA to send photos of her breasts and vagina constitutes child pornography and explicit sexual activity under Sections 4(a), 3(b) and (c)(5) of R.A. No. 9775. While there was no showing that petitioner intended to sell AAA's photos to other people, this did not exonerate him from liability under the said provision.


During the Pre-Bicameral Conference Committee meeting that led to the enactment of R.A. No. 9775 the members of the Technical Working Group made a distinction between the act of merely possessing child pornography materials from the act of making a profit out of it, to wit:


It can be gleaned from the lengthy discussion of the members of the Technical Working Group that the authors of this statute intended to penalize even the mere possession, for personal use or enjoyment, of child pornography. The law, as enacted, considers possession with intent to sell, distribute, or publish58 to be distinct and separate from mere possession.59 If proven, a stiffer penalty would be imposed on those who were found to have intended to distribute or profit from child pornography.”


Sang-ayon sa Korte Suprema, ang nasabing paghingi ng mga hubad na larawan mula sa iyong menor-de-edad na anak ay makokonsiderang paglabag sa Cybercrime Prevention Act (R.A. No. 10175) at ng Anti-Child Pornography Act (R.A. No. 9775). Sang-ayon din sa nasabing desisyon, ang mga sumusunod na elemento ang kinakailangan mapatunayan:


“From the foregoing, one can be convicted for committing child pornography upon proof of the following: (1) victim is a child; (2) victim was induced or coerced to perform in the creation or production of any form of child pornography; and (3) child pornography was performed through visual, audio or written combination thereof by electronic, mechanical, digital, optical, magnetic or any other means. This Court finds that the prosecution was able to prove these facts by proof beyond reasonable doubt.”


Gaya sa iyong kaso, ang anak mo ay menor-de-edad. Siya ay inudyok na magpadala ng mga hubad na larawan, at ang paggawa o pagpapadala ng hubad na mga larawan ay ginawa sa pamamagitan ng biswal na larawan na ipinadala sa pamamagitan ng Messenger. Dahil dito, maaari mong kasuhan ang nasabing lalaki ng paglabag ng R.A. No. 10175 o Cybercrime Prevention Act kaugnay ng R.A. No. 9775 o Anti-Child Pornography Act.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 13, 2023



Dear Chief Acosta,


Aminado ako na mahilig akong manigarilyo kahit na alam kong hindi ito maganda sa kalusugan. Napapansin ko rin ang mga health warnings sa pakete ng sigarilyo na aking binibili. Ngunit kahapon, sa aking pagbili muli ng pakete ng sigarilyo, nakatakip ang mga posters na may babala sa paggamit ng sigarilyo sa nasabing tindahan. Hindi ba ito isang paglabag sa batas? Salamat sa inyo. - Dony


Dear Dony,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 11 ng Republic Act (R.A.) No. 10643 o “The Graphic Health Warnings Law”, na nagsasaad na:


“SEC. 11. Prohibition on Obstruction of Display. – No person or legal entity shall obscure or cover in part or in whole the Graphic Health Warnings in the selling areas. The Graphic Health Warnings shall be prominently displayed whenever the said packages are commercially displayed.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang pagtanggal o pagtakip sa mga babala na patungkol sa paggamit ng mga tobacco products sa mga lugar kung saan tinitinda ang nasabing produkto ay ipinagbabawal. Sa nabanggit mo na sitwasyon, isang paglabag sa Seksyon 11 ng R.A. No. 10643 ang ginawang pagtatakip ng posters na may babala sa paggamit ng sigarilyo sa nasabing tindahan. Nais namin ipaalam sa iyo na kung ang isang tao ay mapatunayan na lumabag at nagkasala sa nasabing batas, siya ay maaaring maparusahan nang naaayon sa Seksyon 14 nito. Ayon dito:


“Section 14. Penalties for Noncompliance. – xxx

(b) The following penalties shall individually apply to retailers/sellers of tobacco products as well as their agents/ representatives for any violation of Sections 6 and 7 of this Act, insofar as they are involved in the display, offering for sale and selling of the covered products, as well as Section 11 of this Act:


(1) On the first offense, a fine of not more than Ten thousand pesos (P10,000.00);

(2) On the second offense, a fine of not more than Fifty thousand pesos (P50,000.00);

(3) On the third offense, a fine of not more than One hundred thousand pesos (P100,000.00) or imprisonment of not more than one (1) year, or both, at the discretion of the court. The business permits and licenses, in the case of a business entity or establishment shall be revoked or cancelled.


Each day that noncompliant tobacco packages are found in the retail establishments of the retailers after the compliance date shall constitute one (1) offense. An additional penalty of Five thousand pesos (P5,000.00), per day shall be imposed for each day the violation continues after having received the order from the DTI notifying the retailers of the infraction.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

arnings o babala sa paggamit ng sigarilyo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page