top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 8, 2023


Dear Chief Acosta,


Ano ang dapat gawin o mga obligasyon ng isang taong nakakita ng isang inabandonang bata? - Jana


Dear Jana,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 4 (h) ng Implementing Rules and Regulations (IRR) of Republic Act. No. 11767 o mas kilala sa tawag na Foundling Recognition and Protection Act, kung saan nakasaad na:


“(h) Finder refers to a person of legal age who discovered the deserted or abandoned child.


Provided, That if the actual finder is a minor, his or her parent or legal guardian shall assist in making the report of the circumstance. Provided, Further that if the infant/child is relinquished to a safe haven provider, the Head of the safe haven provider shall be the finder;”


Bukod pa rito, nakasaad sa Section 9 ng nasabing IRR:


“Section 9. Duties and responsibilities of the finder. The finder shall:


a) Immediately report within forty-eight (48) hours, the discovery of the foundling to either the LSWDO, or Punong Barangay or police station or any safe haven provider where the foundling was discovered. Provided, That in the event that the foundling is found in a different barangay from the residence of the finder, both Punong Barangays or police stations shall be informed.


The finder may use the fastest means available in reporting the case. Provided, Further that if the foundling was relinquished to a safe haven provider, the Head of the safe haven provider shall, within forty-eight (48) hours, report the circumstances of the foundling to the LSWDO, or Punong Barangay or police station;


b) Execute an affidavit attesting to the facts of the case of the foundling;


c) Cooperate in any way possible with the proper authorities in the conduct of a proactive and diligent search and inquiry to establish the identity of a foundling.”


Samakatuwid, ang isang finder ay isang taong nasa hustong gulang na makakakita ng isang batang iniwan o inabandona. Ayon sa nasabing batas, ang isang finder ay may mga sumusunod na obligasyon. Una, i-report kaagad sa loob ng 48 oras ang pagkadiskubre ng bata sa Local Social Welfare and Development Office (LSWDO), punong barangay, police station, o sa kahit na saang safe haven provider kung saan natagpuan ang bata. Pangalawa, mag-execute ng isang affidavit na nagsasaad ng mga kaganapan nang matagpuan ang bata. Panghuli, makipag-ugnayan, sa abot ng kanyang makakaya, sa mga awtoridad sa paghahanap ng identity o pagkakakilanlan ng nasabing foundling.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 7, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang kapatid ko ay namatay sa ospital kung saan ang kanyang hospital bill ay umabot ng mahigit P300,000.00 kahit na siya ay naka-admit sa kanilang ward lamang. Nais naming kunin ang mga labi ng aking kapatid, at maging ang kanyang death certificate upang siya ay maipalibing namin ngunit hindi pumayag ang ospital. Sinabi ng empleyado ng ospital na kinakailangan diumano muna naming magsumite ng promissory note bago namin makuha ang mga labi at death certificate ng aking kapatid. Maaari ba iyon? - Leon


Dear Leon,


Ang mga batas na sasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Republic Act No. 9439 o ang ACT PROHIBITING THE DETENTION OF PATIENTS IN HOSPITALS AND MEDICAL CLINICS ON GROUNDS OF NONPAYMENT OF HOSPITAL BILLS OR MEDICAL EXPENSES, at ang kaukulang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito. Nakasaad sa Section 2 ng batas na:


“SEC. 2. Patients who have fully or partially recovered and who already wish to leave the hospital or medical clinic but are financially incapable to settle, in part or in full, their hospitalization expenses, including professional fees and medicines, shall be allowed to leave the hospital or medical clinic, with a right to demand the issuance of the corresponding medical certificate and other pertinent papers required for the release of the patient from the hospital or medical clinic upon the execution of a promissory note covering the unpaid obligation. The promissory note shall be secured by either a mortgage or by a guarantee of a co-maker, who will be jointly and severally liable with the patient for the unpaid obligation.


In the case of a deceased patient, the corresponding death certificate and other documents required for interment and other purposes shall be released to any of his surviving relatives requesting for the same: Provided, however, That patients who stayed in private rooms shall not be covered by this Act.”


Nakasaad din sa IRR ng nasabing batas na:


“V. Policies and Guidelines: A. General Policies:


3. In the case of a deceased patient, any of his/ her surviving relatives who refuse to execute a promissory note shall be allowed to claim the cadaver and can demand the issuance of death certificate and other pertinent documents for interment purposes. Documents for other purposes shall be released only after execution of a promissory note.

4. In the case of a deceased patient, any hospital or medical clinic refusing to release the cadaver for reason of nonpayment, in part or in full, of hospital bills or medical expenses/ hospitalization expenses shall be held accountable for such unlawful act.”


Alinsunod sa nabanggit na probisyon ng batas at kaakibat nitong IRR, maaari mong makuha ang mga labi at ang death certificate ng iyong yumaong kapatid upang siya ay maipalibing, kahit na kayo ay hindi magbigay ng promissory note kaugnay sa kanyang naiwang bayarin sa ospital. Ang pagbibigay ng promissory note kaugnay sa pagkuha ng death certificate ay kinakailangan lamang kung ang nasabing dokumento ay gagamitin sa ibang layunin, liban sa pagpapalibing sa taong yumao. Nakasaad din sa nabanggit na panuntunan na ang anumang ospital o medical clinic na tatangging ibigay ang mga labi ng isang taong yumao, sa kadahilanan ng mga naiwang bayarin sa nasabing ospital o medical clinic, ay mananagot sa batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | November 5, 2023


Ang kapangyarihan ng Ehekutibo ay nakapaloob sa Artikulo VII ng ating Saligang Batas at ipinagkakaloob ito sa Pangulo ng bansa.


Ipinagkaloob ang mga kapangyarihang ito upang sa gayon ay magampanan ng mga halal na Pangulo ang kanilang liderato at maisakatuparan ang kanilang mithiing mapaunlad at mapatakbo nang maayos ang bansa. Ang liderato ng Pangulo ay ipinapakita hindi lamang sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas kundi sa paggawa ng mga ito, maging sa kanilang pangangasiwa sa mga usapin sa loob at labas ng bansa, kasama na rito ang pagkakaroon ng mabuting ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa mga bansang banyaga.


Kaakibat ng kapangyarihan ay ang karapatan ng Punong Ehekutibo sa panahon ng kanyang panunungkulan na magkaroon ng immunity from suit. Hindi pinapahintulutan ng batas na makasuhan ang Pangulo sa anumang husgado habang siya ay nanunungkulan bilang pinuno ng bansa. Ito ay para masiguro na sa pagpapatupad ng Pangulo ng kanyang obligasyon at kapangyarihan ay malaya siya. Kapag ang Punong Ehekutibo ay mahaharap sa mga asunto mahahati ang atensyon ng nasabing pinuno at hindi niya magagampanan nang mahusay ang kanyang mga responsibilidad na maaaring ikapahamak ng taumbayan. Ang karapatang ito ay sa Pangulo lamang ipinagkakaloob nang dahil sa kanyang tanggapan. Maliban sa immunity from suit, ang Pangulo ay maaari lamang tanggalin sa kanyang tungkulin sa pamamagitan ng impeachment.


Isa sa mga kapangyarihan ng Punong Ehekutibo ay ang kapangyarihang magkaloob ng kapatawaran sa mga bilanggo at magpababa ng sentensya ng mga kuwalipikadong preso sa kanyang sariling pagpapasya o sa pamamagitan ng rekomendasyon ng Board of Pardons and Parole (BPP). Ito ay ang tinatawag na pardoning power ng Pangulo. Ang paggagawad ng pardon ng Pangulo ay nasa kanyang pagpapasya at hindi ito maaaring kontrolin ng Lehislatura o baliktarin ng Hudikatura, maliban lamang kung ang paggawad nito ay kontra sa mga limitasyong katulad ng mga sumusunod:


a. Hindi maaaring magbigay ng pardon ang Pangulo sa mga impeachment proceedings;

b. Wala ring pardon para sa mga paglabag sa mga election laws, rules and regulations, maliban kung may rekomendasyon ang COMELEC;

c. Maaari lamang igawad ng Pangulo ang pardon kapag may pinal ng hatol. Hindi ito maaaring igawad kapag may nakabinbing apela sa Court of Appeals o sa Korte Suprema.


Kasama rin sa mga kapangyarihan ng pinuno ng ating bansa ang kapangyarihang maggawad ng amnestiya. Subalit ang pagkakaloob ng Pangulo ng amnestiya ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng mayorya ng lahat ng miyembro ng Kongreso.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page