top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 22, 2023


Dear Chief Acosta, 


Hindi ko alam na ang kuwartong pinauupahan ko ay ginagamit pala sa prostitusyon. May pananagutan pa rin ba ako sa batas ukol dito? - Yana


Dear Yana,


Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 5 ng Republic Act No. 9208, o mas kilala bilang “Anti-Human Trafficking in Persons Act of 2003,” ang mga gawain na tila nanghihikayat sa trafficking of persons, sang-ayon sa nasabing batas:


“Section 5. Acts that Promote Trafficking in Persons. - The following acts which promote or facilitate trafficking in persons, shall be unlawful:


(a) To knowingly lease or sublease, use or allow to be used any house, building or establishment for the purpose of promoting trafficking in persons; 


Ang nasabing gawain ay may kaakibat na kaparusahan sang-ayon sa Seksyon 10 ng parehong batas kung saan: 


“Section 10. Penalties and Sanctions. - The following penalties and sanctions are hereby established for the offenses enumerated in this Act: 

xxx

(b) Any person found guilty of committing any of the acts enumerated in Section 5 shall suffer the penalty of imprisonment of fifteen (15) years and a fine of not less than Five hundred thousand pesos (P500,000.00) but not more than One million pesos (P1,000,000.00); xxx”


Sa iyong sitwasyon, kung iyong mapatutunayan na hindi mo alam na ang pinarerentahan mong kuwarto ay ginagamit sa prostitusyon, maaaring wala kang maging pananagutan sa batas sapagkat binibigyang importansya ng batas ang pagkakaroon ng buong kaalaman ukol sa mga ilegal na aktibidad na ginagawa sa loob ng pinaparentahang lugar bago magkaroon ng pananagutang kriminal ang isang tao. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 21, 2023


Dear Chief Acosta,


Inaresto ng mga pulis ang kuya ko nang walang warrant of arrest na ipinakita. Tama ba iyon? - Gordon


Dear Gordon,


Nakasaad sa ating Saligang Batas na walang pag-aresto na maaaring gawin nang walang wastong warrant of arrest mula sa huwes. Itinatadhana ng Seksyon 2 ng Artikulo III nito na:


“SECTION 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized.”


Gayunpaman, may mga exceptions ito. Ibig sabihin, may mga pagkakataon na maaaring maisagawa ang pag-aresto kahit walang warrant. Ayon sa Revised Rules of Criminal Procedure, ang pulis o isang pribadong tao ay maaaring arestuhin ang isang tao nang walang warrant kung:


  1. Sa kanyang harapan, ang taong aarestuhin ay nakagawa, aktuwal na gumagawa, o nagtatangkang gumawa ng krimen;

  2. Ang krimen ay kagagawa lamang at siya ay may probable cause upang maniwala batay sa personal na kaalaman sa mga katotohanan o mga pangyayari na ang taong aarestuhin ang gumawa nito; at

  3. Ang taong aarestuhin ay tumakas sa kulungan.


Kaugnay nito, pinasyahan ng ating Korte Suprema sa kasong People of the Philippines vs. Jamal Rangaig y Ampuan, et al. (G.R. No. 240447, 28 April 2021), sa panulat ni Honorable Associate Justice Marvic F. Leonen, ang mga sumusunod: 


“This constitutional provision prevents violations of privacy and security in person and property, and protects against “unlawful invasion of the sanctity of the home, by officers of the law acting under legislative or judicial sanction, and to give remedy against such usurpations when attempted.” Thus, in conducting an arrest or search and seizure, there must be a warrant hinged on probable cause or the “actual belief or reasonable grounds of suspicion to believe that the accused has committed, or is committing a crime.” The suspicion must be “supported by circumstances sufficiently strong in themselves to warrant a cautious man to believe that the person accused is guilty of the offense with which he is charged.” Any evidence resulting from a violation of a person’s right against unreasonable searches and seizures will be deemed inadmissible in court.”

 

Sang-ayon dito, sa pagsasagawa ng pag-aresto, kailangang mayroong warrant na nakabatay sa probable cause o ang aktuwal na paniniwala o makatwirang batayan ng hinala upang maniwala na ang akusado ay nakagawa o gumagawa ng isang krimen.


Ang hinala ay dapat suportado ng mga sapat na pangyayari na magbibigay ng katwiran sa isang maingat na tao na maniwala na ang taong akusado ay nakagawa ng krimen.


Kung kaya, kung wala sa nabanggit na exceptions, ang pag-aresto ay ilegal at ang anumang ebidensyang nakuha mula rito ay hindi puwedeng gamitin sa korte.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 20, 2023


Dear Chief Acosta,

 

Ang empleyadong pinangasiwaan ko ay nagsampa ng reklamo ng ilegal na pagtanggal laban sa korporasyon at isinama ako sa kaso. Hindi ko siya tinanggal dahil wala akong kapangyarihan na tanggalin ang sinumang empleyado at ang katangian ng aking trabaho ay pangangasiwa lamang. Maaari ba akong managot kasama ng korporasyon sa nasabing kaso? - Trish

 

Dear Trish,

 

Ang sagot sa iyong katanungan ay tinalakay ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong “Polymer Rubber Corporation, et. al. vs. Bayolo Salamuding” (G.R. No. 185160, 24 July 2013), na isinulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Bienvenido L. Reyes, kung saan nakasaad sa desisyon nito ang mga sumusunod:

 

“corporation, as a juridical entity, may act only through its directors, officer and employees. Obligations incurred as a result of the directors’ and officers’ acts as corporate agents, are not their personal liability but the direct responsibility of the corporation they represent. As a rule, they are only solidarily liable with the corporation for the illegal termination of services of employees if they acted with malice or bad faith.

 

To hold a director or officer personally liable for corporate obligations, two requisites must concur: (1) it must be alleged in the complaint that the director or officer assented to patently unlawful acts of the corporation or that the officer was guilty of gross negligence or bad faith; and (2) there must be proof that the officer acted in bad faith.” 

 

Batay sa nabanggit na desisyon, ang mga direktor, opisyal at empleyado ay mananagot kasama ng korporasyon para sa ilegal na pagtanggal sa serbisyo ng isang empleyado kung kumilos sila nang may masamang hangarin o kalooban.

  

Ayon sa iyo, hindi mo tinanggal sa trabaho ang empleyadong nagsampa ng reklamo laban sa iyo at sa korporasyon dahil wala kang kapangyarihan na tanggalin ang sinumang empleyado at ang katangian ng iyong trabaho ay pangangasiwa lamang.


Samakatuwid, hindi ka maaaring managot kasama ng korporasyon sa nabanggit na reklamo, maliban kung may patunay na ang nagrereklamong empleyado ay ilegal na tinanggal at kumilos ka nang may masamang hangarin o kalooban kaugnay nito.

 

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

 

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page