top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 30, 2023


Dear Chief Acosta,


Ako ay isang security guard sa isang garment factory sa Bulacan. Ako ay bigla na lamang tinanggal sa aking duty sa naturang factory.  


Apat na buwan na ang nakalilipas ngunit wala pa rin akong panibagong pinagdu-duty-han. Nais kong sampahan ang aking agency ng illegal dismissal sa pagkakatanggal ko. Tama ba ang aking nais gawin? - Analyn


Dear Analyn, 


Para sa iyong kaalaman, mayroong napagdesisyunang kaso ang Korte Suprema na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Ayon sa Padilla v. Airborne Security Service Inc., G.R. No. 210080, November 22, 2017, Ponente: Honorable Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, nakasaad na:


“Placing security guards on floating status is a valid exercise of management prerogative. However, any such placement on off-detail should not exceed six (6) months. Otherwise, constructive dismissal shall be deemed to have occurred.”


Sang-ayon sa nabanggit, ang isang agency o employer ay hindi mapipigilang ilagay sa floating status ang kanilang mga security guard sapagkat ito ay maituturing na isang management prerogative. Sa ganoong kadahilanan, maaari nilang tanggalin o ilipat ng duty ang kanilang mga security guards ayon sa kanilang kagustuhan. Ngunit ang floating status na ito ay hindi dapat lumagpas ng anim na buwan sapagkat maaari silang makasuhan ng constructive dismissal.


Ibig sabihin, hindi tama ang iyong nabanggit na pag-file ng illegal dismissal laban sa iyong agency kung ikaw ay nakakaapat na buwan pa lamang sa ilalim ng floating status, maliban na lamang kung wala silang sapat na basehan para rito. Kapag lumagpas lamang ng anim na buwan na ikaw ay wala pa ring panibagong duty ay saka lamang magiging tama ang pagkakaso laban sa iyong agency ng illegal dismissal.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 29, 2023


Dear Chief Acosta,

 

Ako ay naging biktima ng isang scam sa pamamagitan ng social media. Mayroong nagpakilala sa isang online group na nagbebenta ng mga art works, at dahil ito ay mas mura kumpara sa mga art gallery ay naisip kong kumuha rito.  


Matapos kong magbayad ng halagang sampung libong piso sa pamamagitan ng online bank transfer ay bigla na lamang nawala ang kausap ko sa online group. Sinubukan kong balikan ang aming mga mensahe sa Messenger ngunit ito ay hindi na sumasagot.   


Nais ko sanang kasuhan ang nasabing indibidwal. Naiintindihan ko na ito ay maaaring kaso ng Estafa, mayroon bang maaaring ikaso laban sa kanya na Cybercrime? - Judie

 

Dear Judie,

 

Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 6 ng Republic Act No. 10175 o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012. Sang-ayon sa nasabing probisyon:

 

“Section 6. All crimes defined and penalized by the Revised Penal Code, as amended, and special laws, if committed by, through and with the use of information and communications technologies shall be covered by the relevant provisions of this Act: Provided, That the penalty to be imposed shall be one (1) degree higher than that provided for by the Revised Penal Code, as amended, and special laws, as the case may be”. 

 

Malinaw sa nasabing probisyon na ang mga kasong nakapaloob sa Revised Penal Code, gaya ng Estafa, ay maaaring masakop ng Cybercrime Prevention Act kung ito ay ginawa sa tulong o pamamagitan ng information and communication technologies. Gaya sa iyong kaso, ang paggamit ng social media sa pamamagitan ng kanyang cellphone o computer, upang makakuha ng biktima sa pagbili ng mga artworks online ay sakop ng Cybercrime Prevention Act. Dahil dito, ang maaaring hatol sa kanya ay tumaas ng isang degree kumpara sa parusa na ipinapataw ng Revised Penal Code.

  

Karagdagan dito, ang nasabing probisyon ay kinuwestiyon sa Korte Suprema bilang paglabag ng ating Saligang Batas ngunit ito ay tinayuan at ipinahayag na balido ng Korte Suprema sa kasong Disini v. Secretary of Justice, G.R. No. 203335, 11 February 2014, J. Abad. Sang-ayon sa Korte Suprema:

 

“Section 6 merely makes commission of existing crimes through the internet a qualifying circumstance. As the Solicitor General points out, there exists a substantial distinction between crimes committed through the use of information and communications technology and similar crimes committed using other means. In using the technology in question, the offender often evades identification and is able to reach far more victims or cause greater harm. The distinction, therefore, creates a basis for higher penalties for cybercrimes.” 

 

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

 

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 28, 2023


Matagal na akong nagmamaneho at napapansin ko ang nakasulat sa mga pampublikong sasakyan at mga truck ang tungkol sa bilang at timbang ng mga maaari nilang isakay sa kanilang sasakyan. May limitasyon ba patungkol sa rami at bigat ng mga tao o bagay na ikakarga o isasakay sa mga sasakyan? Salamat sa inyong magiging tugon. – Ton


Dear Ton,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 32 at Seksyon 33 ng Republic Act (R.A.) No. 4136 o ang “Land Transportation and Traffic Code,” na nagsasaad na:


“Section 32. Exceeding registered capacity. - No person operating any vehicle shall allow more passenger or more freight or cargo in his vehicle than its registered carrying capacity. x x x


Section 33. Passenger or freight capacity marked on vehicle. - All passengers automobiles for hire shall have the registered passenger capacity plainly and conspicuously marked on both sides thereof, in letters and numerals not less than five centimeters in height.


All motor trucks, whether for passenger or freight, private, or for hire, shall have the registered passenger gross and net weight capacities plainly and conspicuously marked on both sides thereof, in letters and numerals not less than five centimeters in height.” 


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ipinagbabawal ang sinuman na magsakay sa kanilang sasakyan nang sobra sa kung ano ang kanilang rehistradong kapasidad na kayang isakay tulad ng dami ng tao o timbang ng freight at cargo.  Ganoon din, lahat ng pampublikong sasakyan at motor trucks na pampasahero o tinatawag na freight, kahit ito ay pampubliko o pampribado, kinakailangan na ipaskil sa kanilang sasakyan ang kanilang rehistradong kapasidad ng pasahero o net weight. Nais din namin ipaalam sa inyo na ang paglabag sa nasabing batas ay may karampatang parusa na nasasaad sa Seksyon 56 at Seksyon 57 ng R.A. No. 4136.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page