top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 11, 2024

 

Dear Chief Acosta,


Ako ay volunteer sa isang orphanage. Nitong nakaraang linggo ay mayroong dinalang bata sa amin. Sa ngayon ay hindi namin matukoy kung sino ang mga magulang ng nasabing bata at kung saan siya nanggaling, ngunit, ang nasabing bata ay parang tisay at mukhang may lahing Westerner. Kung hindi mahanap ang kanyang mga magulang, ano ang magiging citizenship ng nasabing bata? - Albert


Dear Albert,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Sections 3 at 5 ng Republic Act No. 11767 o mas kilala sa tawag na Foundling Recognition and Protection Act, kung saan nakasaad na:


“Section 3. Definition of Foundling. - For purposes of this Act, s foundling shall be a deserted or abandoned child or infant with unknown facts of birth and parentage. his shall also include those who have been duly registered as a foundling during her or his infant childhood, but have reached the age of majority without benefitting from adoption procedures upon the passage of this law. xxx

 

Section 5. Citizenship Status of a Foundling Found in the Philippines and/or in Philippine Embassies, Consulates and Territories Abroad. - A foundling found in the Philippines and/or in Philippine embassies, consulates and territories abroad is presumed a natural-born Filipino citizen regardless of the status or circumstances of birth. As a natural-born citizen of the Philippines, a foundling is accorded with rights and protections at the moment of birth equivalent to those belonging to such class of citizens whose citizenship does not need perfection or any further act.

 

The presumption of natural-born status of a foundling may not be impugned in any proceeding unless substantial proof of foreign parentage is shown.  The natural-born status of a foundling shall not also be affected by the fact that the birth certificate was simulated, or that there was absence of a legal adoption process, or that there was inaction or delay in reporting, documenting, or registering a foundling.”


Samakatuwid, ang isang batang iniwan o inabandona at hindi alam kung saan siya nagmula o sino ang kanyang mga magulang ay tinatawag na foundling. Kung ang nasabing foundling na nakita sa Pilipinas ay itinuturing na isang natural-born Filipino citizen, at siyang bibigyan ng lahat ng mga karapatan at proteksyon na nararapat para sa nasabing klasipikasyon ng pagka-Pilipino. Ang naturang presumption o pagpapalagay na ito ay hindi maaaring kuwestiyunin sa kahit na anong kaso, maliban na lamang kung mayroong maipapakitang substantial proof ng foreign parentage.


Ibig sabihin, ang batang dinala sa inyo ay makokonsiderang foundling. Bilang foundling, siya ay ituturing na natural-born Filipino citizen, at ang presumption na ito ay hindi mababago, maliban na lamang kung may maipapakitang substantial proof ng kanyang foreign parentage.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 10, 2024

 

Dear Chief Acosta,


Isa sa mga benepisyo ko bilang kasambahay ay limang araw na may bayad na bakasyon. Maaari ko bang maipon ito at pilitin ang amo ko na palitan ito ng pera? - Vangie


Dear Vangie,


Para sa iyong kaalaman, ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 29 ng Republic Act No. 10361 o mas kilala sa tawag na “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay,” kung saan nakasaad na:

 

Section 29. Leave Benefits. – A domestic worker who has rendered at least one (1) year of service shall be entitled to an annual service incentive leave of five (5) days with pay; Provided, That any unused portion of said annual leave shall not be cumulative or carried over to the succeeding years. Unused leaves shall not be convertible to cash. 

 

Malinaw na nakasaad sa batas na ang isang kasambahay na nakapagbigay ng hindi bababa sa isang taong serbisyo ay may karapatan sa taunang service incentive leave na limang araw na may bayad. Ang anumang hindi nagamit na bahagi ng nasabing leave ay hindi maaaring ipunin o dalhin sa susunod na taon. Dagdag dito, ang mga hindi nagamit na leave ay hindi maaaring mapalitan ng pera.


Batay sa nasabing batas, hindi mo maaaring maipon ang iyong service incentive leave at hindi mo mapipilit ang iyong amo na palitan ito ng pera. Maaari mo lamang gamitin ang iyong service incentive leave sa parehong taon na ito ay iyong nakuha. Kung hindi mo ito magamit, mawawalang-bisa o mapo-forfeit ito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 8, 2024

 

Dear Chief Acosta,

 

Nakagat ako ng aso na pagmamay-ari ng aming kapitbahay habang naglalakad papasok ng aming bahay. Pinuntahan ko ang may-ari ng aso para ipagbigay-alam sa kanila ang nangyari. Sinabihan ako ng aming kapitbahay na ang asong nakakagat sa akin ay pagmamay-ari ng kanyang menor-de-edad na anak. Hindi diumano nila sinasadya ang nangyari at wala raw may kagustuhan nito. Ayon sa mga magulang ng bata ay hindi nila sasagutin ang pagpapagamot ko dahil wala raw trabaho ang kanilang anak sapagkat ito ay menor-de-edad pa lamang. Sinabihan ko sila na wala rin akong kakayanan na paturukan ang aking sarili sapagkat kulang pa ang aking kinikita para sa aming pang araw-araw. Puwede ko bang papanagutin ang mga magulang ng may-ari ng aso? - Berting

 

Dear Berting,

 

Para sa iyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na iyong inilahad ay ang Article 2180 ng Civil Code of the Philippines kung saan nakasaad na: “The obligation imposed by Article 2176 is demandable not only for one’s own acts or omissions, but also for those of persons for whom one is responsible. The father and, in case of his death or incapacity, the mother, are responsible for the damages caused by the minor children who live in their company.”

 

Alinsunod din sa Article 221 ng Family Code of the Philippines: “Parents and other persons exercising parental authority shall be civilly liable for the injuries and damages caused by the acts or omissions of their unemancipated children living in their company and under their parental authority subject to the appropriate defenses provided by law.”

 

Malinaw sa nabanggit na mga probisyon ng batas na ang mga magulang ang may pananagutan sa lahat ng pinsala at danyos na nagawa ng kanilang mga menor-na-edad na anak na nasa kanilang pangangalaga.  

 

Kaugnay nito, nakasaad din sa Section 5 ng Republic Act No. 9242 o ng The Anti Rabies Act ang mga responsibilidad ng isang may-ari ng alagang hayop: “All Pet Owners shall be required to: xxx (f) Assist the Dog bite victim immediately and shoulder the medical expenses incurred and other incidental expenses relative to the victim's injuries. xxx”

 

Kaya naman sa iyong sitwasyon, maaari mong papanagutin ang magulang ng batang nagmamay-ari ng asong nakawala at nakakagat sa iyo habang papasok ng bahay para sa lahat ng gastusing medikal, kabilang na ang pagpapabakuna.

 

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

 

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 

 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page