top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 20, 2024

 

Dear Chief Acosta,


May online classes na ang aking anak at napapadalas ang paggamit niya ng computer. Nakikita ko minsan na pumupunta siya sa iba’t ibang site sa internet. 


Noong nakaraang araw, sinabihan ako ng anak ko na may nakita siyang isang site kung saan nagpapakita ng maseselan na bahagi ng katawan ng mga tao at ang mga litrato ay ibinebenta. Maaari bang malaman kung ang gawain na ito ay isang paglabag sa batas? Maraming salamat. -- Jeco


Dear Jeco,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 4(c)(1) ng Republic Act No. 10175, “An Act Defining Cybercrime, Providing for the Prevention, Investigation, Suppression and the Imposition of Penalties Therefor and for Other Purposes”, na nagsasaad na:


“Section 4. Cybercrime Offenses. — The following acts constitute the offense of cybercrime punishable under this Act: x x x


(c) Content-related Offenses:

  1. Cybersex. — The willful engagement, maintenance, control, or operation, directly or indirectly, of any lascivious exhibition of sexual organs or sexual 

  2. activity, with the aid of a computer system, for favor or consideration. x x x” 


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, isang paglabag sa batas ang pagpapakita ng maseselan na bahagi ng katawan ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng computer system. 


Maliban dito, hindi rin pinapayagan sa batas ang pagpapanatili, pagkontrol o pagkakaroon ng operasyon upang magpakita ng mga maseselang bahagi ng katawan ng tao o pagtatalik sa tulong ng paggamit ng computer system – ito man ay para sa isang pabor o negosyo. 


Kung ang isang tao ay mapatunayan na nagkasala, siya ay maaaring maparusahan ng naaayon sa Seksyon 8 ng R.A. No. 10175.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 19, 2024

 

Dear Chief Acosta,


Noong nakaraang gabi, nakiusap ako sa aking bagong kapitbahay na hinaan niya ang tunog ng kanyang musika dahil hindi ako makapag-focus sa aking pag-aaral.


Ngunit sinabihan niya ako na huwag ko siyang utusan.  


Kinabukasan, sinabihan ko siya na dahil sa manipis naming pader ay tumatagos ang kanyang musika kaya hindi ako makapag-aral nang mabuti. Nagalit siya at nagbantang iitakin niya ang aking leeg. Kinabahan ako sa sinabi niya sapagkat hindi ko man siya personal na kilala, nakita ko ang kanyang pisikal na katayuan.


Malaki ang kanyang pangangatawan at hindi malayong kaya niyang gawin ang banta niya sa akin. 


Simula noon, natakot na talaga akong lumabas ng aking unit. Mayroon bang legal na aksyon na maaari kong isampa laban sa aking bagong kapitbahay? - Eric


Dear Eric, 


Para sa iyong kaalaman, mayroong batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Ayon sa Article 282 ng ating Revised Penal Code, nakasaad na:


“Art. 282. Grave threats. – Any person who shall threaten another with the infliction upon the person, honor or property of the latter or of his family of any wrong amounting to a crime, shall suffer:


1. The penalty next lower in degree than that prescribed by law for the crime he threatened to commit, if the offender shall have made the threat demanding money or imposing any other condition, even though not unlawful, and said offender shall have attained his purpose. If the offender shall not have attained his purpose, the penalty lower by two (2) degrees shall be imposed.


If the threat be made in writing or through a middleman, the penalty shall be imposed in its maximum period.


2. The penalty of arresto mayor and a fine not exceeding One hundred thousand pesos (P100,000), if the threat shall not have been made subject to a condition. (As amended by R.A. No. 10951)”


Sang-ayon sa nabanggit na batas, ang sinumang magbanta sa buhay, dangal, o ari-arian ng ibang tao, o sa kanyang pamilya, ng anumang sakuna na makokonsiderang krimen, ay maaaring mapanagot sa ating batas sa pamamagitan ng pagkakakulong at pagbabayad ng multa.


Sa iyong sitwasyon, ang pagbanta sa iyong buhay ng kapahamakan ng iyong kapitbahay, sa pamamagitan ng pagtaga sa iyong leeg ay makokonsiderang grave threat na may angkop na parusa ito sa ilalim ng Artikulo 282 ng Revised Penal Code.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 18, 2024


Dear Chief Acosta,


Nais ko lamang magtanong kung posible bang separation pay na lamang ang igawad sa halip na reinstatement? Parang mahirap na rin kasi na bumalik ako sa dati kong pinaglilingkuran dahil mahigit sa sampung taon na ang pinaglabanan naming kaso at wala pang ipinapalabas na desisyon. – Iva


Dear Iva,


Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Salvador Dela Fuente vs. Marilyn E. Gimenez (G.R. No. 214419, 17 November 2021), na isinulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Rodil V. Zalameda. Sang-ayon sa Korte Suprema, ang karaniwang remedy o award kung mapatunayan na may illegal dismissal ay reinstatement na walang pag-aalis ng seniority rights at backwages na tinatala mula sa punto ng pagkakatanggal sa trabaho.  Ngunit kung hindi na ‘feasible’ o maisasagawa ang reinstatement sa isang empleyado ay maaaring maggawad ng ‘separation pay in lieu of reinstatement’:


“The consequences of a finding of illegal dismissal are reinstatement without loss of seniority rights, and payment of backwages computed from the time compensation was withheld up to the date of actual reinstatement. Where reinstatement is no longer viable as an option, separation pay equivalent to one (1)-month salary for every year of service should be awarded as an alternative. The payment of separation pay is in addition to payment of backwages.”


Dagdag dito, inilatag din ng Korte Suprema ang mga pagkakataon, kung saan maaaring masabi na hindi na ‘feasible’ ang reinstatement. Ayon sa Korte Suprema sa parehong kaso:


“In this wise, We have ruled that reinstatement is no longer feasible when: (a) the former position of the illegally dismissed employee no longer exists; or (b) the employer’s business has closed down; or (c) the employer-employee relationship has already been strained as to render the reinstatement impossible. We likewise deem reinstatement to be nonfeasible because a “considerable time” has lapsed between the dismissal and the resolution of the case. Indeed, the Court considers "considerable time," which includes the lapse of eight (8) years or more (from the filing of the complaint up to the resolution of the case) to support the grant of separation pay in lieu of reinstatement.”


Dito ay malinaw na isinaad na isa sa mga maaaring ikonsidera na dahilan upang maggawad ng separation pay in lieu of reinstatement ay ang paglipas ng mahabang panahon mula sa paghahain ng kaso at pagkakaroon ng resolusyon o desisyon dito.


Sa kasong nabanggit sa taas ay maglalabing-anim na taon na ang lumipas kaya nagdesisyon ang Korte Suprema na gawaran na lamang ng separation pay in lieu of reinstatement ang nasabing empleyado:


“Given that about sixteen (16) years had passed from the time that Gimenez filed her complaint against petitioners with the NLRC on 06 October 2005, then, her reinstatement is no longer practicable.  Thus, instead of reinstatement, the Court grants her separation pay of one month for every year of service until the finality of this Resolution, with a fraction of a year of at least six (6) months being counted as one (1) whole year. She is also entitled to receive full backwages, which include allowances and other benefits due her or their monetary equivalent, computed from the time her compensation was withheld up to the finality of this Resolution.”


Gaya sa kaso mo, maaaring ikonsidera ng korte ang paglipas ng matagal na panahon upang gawaran ka na lamang ng separation pay sa halip na ikaw ay muli pang ibalik sa trabaho. Ito ay dahil ‘considerable time’ na rin na maituturing ang mahigit sampung taon na iyong hinintay upang magkaroon ng pinal na resolusyon/desisyon ang iyong kaso.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page