top of page
Search

ni Rensel Sabando @Entertainment | February 19, 2024



ree

Nababalitang hindi na bibigyan ng bagong project ng ABS-CBN si Andrea Brillantes matapos madamay sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media na matapos ang ‘Senior High’ drama series ng aktres ay matetengga muna ang career ni Andrea.


Ipinakita naman sa nakaraang episode ng “Showbiz Update” vlog ni Ogie Diaz sa YouTube, na napag-usapan ang tungkol sa career ni Andrea.


Ayon sa talent manager at content creator, “Actually, kasi dapat masundan na ‘yun (Senior High). Sana masundan siya. Kasi kahit naman ako, puwede akong maghanap pa o mag-crave ng more sa isang Andrea Brillantes pagdating sa series. Eh, lalo na successful ang ‘Senior High.”


Sinabi pa nito, kahit nadamay sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Kathryn at Daniel si Andrea ay itinuturing ito ng ABS-CBN na prized possession at hindi pababayaan ng network.


Kasi nga, nais din daw turuan ang aktres ng leksiyon at sa matinding bash na nakukuha sa pagiging third party diumano ni Andrea sa KathNiel na maaaring makasira sa kanyang image bilang artista.


Ngunit, until now, hindi naman diretsahang inaamin kung involved nga ba si Andrea sa isyu ng KathNiel.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Pebrero 18, 2024


May mga kababayan tayo na hindi maisakatuparan nang maayos ang paghati sa mga mana na iniwan sa kanila ng kanilang mga mahal sa buhay nang dahil sa halaga ng estate tax na kanilang babayaran. Kaya naman ang ating Kongreso ay nagpasa ng batas kung saan kanilang binibigyan pang muli ng amnestiya ang mga kwalipikadong hindi pa nakapagbayad ng estate tax para sa kanilang mga minanang ari-arian.


Bago natin pagnilayan ang nabanggit na ipinagkaloob na tax amnesty ay atin munang alamin kung ano ang ibig sabihin ng estate tax.


Ang estate tax ay iyong uri ng buwis na binabayaran para sa mga ari-arian ng isang tao na kanyang ipinamana sa kanyang mga kaanak.


Ito ay binabayaran ng mga tagapagmana pagkamatay ng mahal nila sa buhay na nagpamana sa kanila. Ang estate tax ay nakapaloob sa probisyon ng Republic Act (R.A.) No. 8424 o mas kilala sa titulong Tax Reform Act of 1997. Sa ilalim ng batas na nabanggit, ang halaga ng bayarin para sa estate tax ay nasa pagitan ng 5% hanggang 20% base sa halaga ng net estate. Ibig sabihin ng net estate ay iyong halaga ng ari-ariang ipinamana matapos makaltas ang mga pagkakautang o obligasyon ng naiwang estate ng namatay na kaanak. Kaya kapag mas mataas ang halaga ng estate ay mas mataas din ang estate tax.


Noong naisabatas ang Republic Act No. 10963 o mas kilala sa tawag na TRAIN Law, ang estate tax ay ginawang flat rate na 6%. Ito ay kapag ang halaga ng net estate ay mas mataas sa P200,000.00. Kapag ang halaga ng net estate ay P200,000.00 o mas mababa, matatanggap ng mga tagapagmana ng nasabing estate nang buo at hindi ito mababawasan ng buwis.


Para naman sa mga mayroong kailangang bayaran na buwis subalit hindi pa nakapagbayad, nagbigay ang estado ng tax amnesty sa pamamagitan ng pagpapasa ng R.A. No. 11213, na inamyendahan ng R.A. No. 11956, kung saan nakasaad na:


Section 4. Coverage. - There is hereby authorized and granted a tax amnesty, hereinafter called Estate Tax Amnesty, which shall cover the estate of decedents who died on or before May 31, 2022, with or without assessments duly issued therefor, whose estate taxes have remained unpaid or have accrued as of May 31, 2022: Provided, however, that the Estate Tax Amnesty hereby authorized and granted shall not cover instances enumerated under Section 9 hereof.


Malinaw sa nasabing batas na ang tax amnesty na iginawad ay sumasakop sa lahat ng ari-arian ng namatay, na sumakabilang buhay na o bago ang Mayo 31, 2022, maliban na lamang sa mga estate tax cases na naging pinal na at kung ang ari-arian ay isang usapin sa isang kaso na nakabinbin sa korte katulad ng mga sumusunod:


“Section 9. Exceptions. -- The Estate Tax Amnesty under Title II of this Act shall not extend to estate tax cases which shall have become final and executory and to properties involved in cases pending in appropriate courts:


(a) Falling under the jurisdiction of the Presidential Commission on Good Government;

(b) Involving unexplained or unlawfully acquired wealth under Republic Act No. 3019, otherwise known as the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, and Republic Act No. 7080 or An Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder;

(c) Involving violations of Republic Act No. 9160, otherwise known as the Anti-Money Laundering Act, as amended;

(d) Involving tax evasion and other criminal offenses under Chapter II of Title X of the National Internal Revenue Code of 1997, as amended; and

(e) Involving felonies of frauds, illegal exactions and transactions, and malversation of public funds and property under Chapters III and IV of Title VII of the Revised Penal Code.


Kailangan ding tandaan na may panahon lamang na ibinibigay ang batas para makakuha ng tax amnesty, kaya naman mainam na asikasuhin agad ito ng mga nais makinabang dito. Ayon sa batas:


“Section 6. Availment of the Estate Tax Amnesty; When and Where to File and Pay. - The executor or administrator of the estate, or is there is no executor or administrator appointed, the legal heirs, transferees or beneficiaries, who wish to avail of the Estate Tax Amnesty shall, within June 15, 2023 until June 14, 2025, file, either electronically or manually, with any authorized agent bank, Revenue District Office through Revenue Collection Officer, or authorized tax software provider, a sworn Estate Tax Amnesty Return, in such forms as may be prescribed in

the Implementing Rules and Regulations.


xxx”

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 17, 2024


Dear Chief Acosta,


Ako ay isang drayber ng pampublikong sasakyan. Ako ay minsang nahuli dahil nagsakay ako ng ilang pasahero sa bubong ng aking jeep. Ito ay isang ‘less grave violation’ na mayroon lamang tatlong demerit points. Noong ako ay nag-renew ng driver’s license, ako ay nagulat na anim na demerit points ang meron ako. Ito ay sapagkat ako raw ay drayber ng pampublikong sasakyan at doble ang demerit points para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan. Tama ba ito? -- Myka


Dear Myka,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Section 12 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10930 na may pamagat na “An Act Rationalizing and Strengthening the Policy Regarding Driver’s License by Extending the Validity Period of Driver’s License, and Penalizing Acts in Violation of its Issuance and Application Amending for those Purposes Section 23 of Republic Act No. 4136, as Amended by Batas Pambansa Blg. 398 and Executive Order No. 1011, otherwise known as the Land Transportation and Traffic Code”, kung saan nasasaad ang mga pagkakataon na doble ang demerit points ng isang violation. Sang-ayon sa nasabing patakaran:


Section 12. Double Demerit Points. -- Drivers of public utility vehicles (PUV) shall be meted double the number of demerit points for every traffic violation committed while operating a For Hire motor vehicle. This provision shall likewise apply to a driver of a private motor vehicle operating as a PUV but without proper authority from the Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB). 


Sang-ayon sa nasabing patakaran, doble ang aplikasyon ng demerit points sa mga pagkakataon na ang isang drayber ng pampublikong sasakyan ay magkaroon ng paglabag sa batas-trapiko habang nagmamaneho ng pampublikong sasakyan.  


Gaya sa iyong kaso, bilang drayber ng pampublikong sasakyan na nagkaroon ng paglabag ng batas-trapiko, ang demerit points na nakalaan para sa iyo ay doble sa karaniwang ipinapataw na demerit points.  


Nawa ay nasagot namin ang iyong mga katanungan. Nais naming ipaalala na ang opinyon na ito ay nakabase sa mga naisalaysay sa iyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang aming opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kang sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page