top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 2, 2024


Dear Chief Acosta,


Nais ko lang sanang magtanong kung ano ‘yung tinatawag na mistake in identity? Ano ang epekto nito sa isang krimen? -- Darielle


Dear Darielle,


Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong People of the Philippines vs. Armando Gemoya and Ronilo Tionko, G.R. No. 132633, 04 October 2000, na isinulat ni Kagalang-galang na Kasamahang Mahistrado Jose Armando R. Melo. Dito ay binanggit ng Korte Suprema ang dalawang uri ng mistake in the identity ukol sa biktima; ang “error in personae” at “aberratio ictus”:


“Although Rosalie may not have been their intended victim, accused-appellants, acting in conspiracy with one another as we have earlier discussed, are liable for the consequences of their felonious act (see: Paragraph 1, Article 4, Revised Penal Code). Mistake in the identity of the victim, which may either be (a) “error in personae” (mistake of the person), or (b) “aberratio ictus” (mistake in the blow), is neither exempting nor mitigating (People vs. Gona, 54 Phil. 605 [1930]). Accused-appellants, therefore, cannot escape the criminal liability resulting from the injury suffered by Rosalie.” 


Sang-ayon sa Korte Suprema, dalawang uri ang maaaring maging pagkakamali sa pagkakakilanlan ng biktima. Una ay ang tinatawag na “error in personae” at ang ikalawa ay tinatawag na “aberratio ictus”. Ang “error in personae” ay pagkakamali sa taong nagawan ng krimen. Ibig sabihin, ang taong nagawan ng krimen ay iba sa taong inintensyunan o pinagplanuhang gawan ng krimen. Ito ay pagkakamali sa pagkakakilanlan ng tao na inaakalang biktima. Ang “aberratio ictus” naman ay tinatawag din na “mistake in the blow”.  Ito ay nangyayari kapag sumobra o humigit sa intensyon gawin ang naging resulta ng krimen.  Halimbawa rito ang intensyon na manakit lamang sa pamamagitan ng suntok ngunit ang suntok ay nagdulot ng matinding trauma sa biktima na nagresulta sa kamatayan nito.


Ayon sa Korte Suprema, ang kriminal sa parehas na sitwasyon ay dapat pa rin managot sapagkat siya ay maaaring panagutin sa kinalabasan ng kanilang kriminal na aksyon. Ito ay sang-ayon sa Artikulo 4 ng Revised Penal Code. Pinaparusahan ng batas ang maling intensyon ng paggawa ng krimen kahit na may pagkakamali sa resulta nito tulad ng maling biktima o maling resulta.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 1, 2024


Dear Chief Acosta,


Isa akong may-ari ng negosyo na nasa kategorya ng isang Barangay Micro Business Enterprise (BMBE). Nauunawaan ko naman na may batas na partikular na sumasakop para sa mga maituturing na BMBEs. Nais ko lamang malaman kung meron at anu-ano ang karampatang parusa para sa mga mapapatunayan na lumabag sa batas na may kinalaman sa BMBEs. Salamat sa inyo. -- Hen


Dear Hen,


Para sa iyong kaalaman, ang Republic Act No. 9178, o kilala sa tawag na “Barangay Micro Business Enterprises (BMBE’s) Act of 2002”, ay nagsasaad na:


“Section 3. Definition of Terms – As used in this Act, the following terms shall mean:


  1. “Barangay Micro Business Enterprise,” hereinafter referred to as BMBE, refers to any business entity or enterprise engaged in the production, processing or manufacturing of products or commodities, including agro-processing, trading and services, whose total assets including those arising from loans but exclusive of the land on which the particular business entity's office, plant and equipment are situated, shall not be more than Three Million Pesos (P3,000,000.00) The Above definition shall be subjected to review and upward adjustment by the SMED Council, as mandated under Republic Act No. 6977, as amended by Republic Act No. 8289.” 


Ang ilan sa mga incentives at benefits na ibinibigay ng nasabing batas para sa mga BMBEs ay ang mga sumusunod; a.) Exemption from Taxes and Fees b.) Exemption from the Coverage of the Minimum Wage Law c.) Credit Delivery d.) Technology Transfer, Production and Management Training, and Marketing Assistance, at e.) Trade and Investment Promotions. (Sections 7 – 11, R.A. No. 9178)


Kaugnay ng mga nabanggit, ang sagot sa iyong katanungan naman ay matatagpuan sa Section 13 ng nasabing batas:


Section 13. Penalty - Any person who shall willfully violates any provision of this Act or who shall in any manner commit any act to defeat any provisions of this Act shall, upon conviction, be punished by a fine of not less than twenty-five Thousand Pesos (P25,000.00) but not more than Fifty Thousand Pesos (P50,000.00) and suffer imprisonment of not less than six (6) months but not more than two (2) years.


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang sinuman na mapapatunayan na lalabag sa kahit anong probisyon ng Republic Act No. 9178 o gumawa ng anumang akto upang hindi masunod ang nasabing batas ay mapapatawan ng parusang pagbabayad ng multang mula Twenty-Five Thousand Pesos (P25,000) hanggang Fifty Thousand Pesos (P50,000), at pagkakakulong na hindi bababa sa 6 na buwan at hindi hihigit sa 2 taon.


Ito ay upang mabigyang-diin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng batas para sa mga BMBEs, sapagkat naaayon na rin sa Seksyon 2 ng Republic Act No. 9178, ang nasabing batas ay ginawa para sa polisiya ng gobyerno na pagtibayan ang economic development sa ating bansa sa pamamagitan ng pagbuo at paglago ng mga BMBEs.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Pebrero 28, 2024


Dear Chief Acosta,


Ang aking boyfriend ay kaka-propose lamang sa akin. Kami ay parehas na nasa wastong gulang na at parehas ding Pilipino, ngunit aming binabalak na sa ibang bansa ikasal. Pangarap ko kasi talagang ikasal sa Paris, France. Gusto ko lamang malaman kung valid at kikilalanin dito sa Pilipinas ang aming kasal kahit ito ay ginanap sa ibang bansa. Maraming salamat. -- Pamela


Dear Pamela,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Article 26 ng Family Code kung saan nakasaad na:


“Art. 26. All marriages solemnized outside the Philippines, in accordance with the laws in force in the country where they were solemnized, and valid there as such, shall also be valid in this country, except those prohibited under Articles 35 (1), (4), (5) and (6), 36, 37 and 38.”


Ayon sa batas, lahat ng kasal na ginanap sa labas ng Pilipinas, alinsunod sa mga batas na ipinatutupad sa bansang iyon kung saan ginanap ang kasal, kung ito ay kinukonsiderang valid sa nasabing bansa, ay magiging valid din at kikilalanin sa Pilipinas. Para sagutin ang iyong katanungan, oo, ang isang valid na kasal na isinagawa sa ibang bansa ay kinikilala rito sa Pilipinas. Ngunit, kailangang tandaan na ang mga kasalan na lalabag sa Articles 35 (1), (4), (5) and (6), 36, 37 at 38 ng ating Family Code, kahit na valid sa ibang bansa, ay hindi kikilalanin dito sa Pilipinas. Kabilang dito ang kasal ng isang menor-de-edad, bigamous at incestuous na kasal, at yaong mga labag sa polisiya ng ating estado gaya ng kasal sa pagitan ng step-parent at step-child at mga magkamag-anak sa loob ng ikaapat na antas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page