- BULGAR
- Jul 15, 2021
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 15, 2021

Inilabas na ng University of the Philippines (UP) ang resulta ng college admissions para sa Academic Year 2021-2022 ngayong Huwebes.
Ayon sa UP Office of Admissions, kailangang bisitahin ng mga applicants ang kanilang application portal batay sa naaayong oras ng iskedyul o unang letra ng kanilang apelyido.
Ang time slot na 8:00 AM hanggang 10:59 AM ay para sa mga applicants na nagsisimula sa letrang A hanggang F ang apelyido. Alas-11:00 nang umaga naman hanggang 1:59 PM ang para sa apelyidong nagsisimula sa letrang G hanggang M, alas-2:00 PM hanggang 4:59 PM naman ang mga nagsisimula sa N hanggang S, alas-5:00 PM hanggang 7:59 PM ang mga nagsisimula sa T hanggang Z, at ayon sa UP, ang oras na 8:00 PM hanggang 7:59 AM ay para naman sa mga nagsisimula sa A hanggang Z (free for all).
Kailangan lamang ang username at password na ginamit sa application period upang ma-access ang naturang portal, ayon sa Office of Admissions.
Saad pa ng UP, “For applicants who changed their registered email, please notify the UP Office of Admissions of the changes through upcollegeapplications.oadms@up.edu.ph or through the UPCAT - U.P. System.”




