top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 17, 2021



ree

Umariba sa 69th Miss Universe competition ang pambato ng ‘Pinas na si Rabiya Mateo laban sa 74 candidates mula sa iba’t ibang bansa na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino City of Hollywood, Florida Government.


Kabilang si Rabiya sa mga kandidatang nakapasok sa Top 21, ngunit matapos ang swimsuit category ay nalaglag na siya sa Top 10.


Bagama’t nabigo siyang iuwi ang panglimang korona sa ‘Pinas ay nananatili pa rin ang pagsuporta ng mga Pilipino sa kanya bilang Miss Universe Philippines 2020.


Narito ang listahan ng mga kandidatang pasok sa finalist:


Miss Universe Top 21: 1. Colombia 2. Peru 3. Australia 4. France 5. Myanmar 6. Jamaica 7. Mexico 8. Dominican Republic 9. USA 10. Indonesia 11. Argentina 12. India 13. Curacao 14. Puerto Rico 15. Philippines 16. Brazil 17. Great Britain 18. Nicaragua 19. Thailand 20. Costa Rica 21. Vietnam (fan vote)


Miss Universe Top 10 1. Jamaica 2. Dominican Republic 3. India 4. Peru 5. Australia 6. Puerto Rico 7. Thailand 8. Costa Rica 9. Mexico 10: Brazil


Miss Universe Top 5 1. Mexico 2. India 3. Brazil 4. Dominican Republic 5. Peru


Fourth runner-up: Dominican Republic

Third runner-up: India

Second runner-up: Peru

First runner-up: Brazil


Miss Universe 2020: Andrea Meza ng Mexio

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 14, 2021



ree

Watawat ng Pilipinas ang naging inspirasyon sa inirampang national costume ni Rabiya Mateo sa 69th Miss Universe pageant, kung saan nauna nang nagpatalbugan ang mga kandidata ng iba’t ibang bansa na napanood via YouTube channel ng Miss Universe at Lazada kaninang umaga.


"I feel like I'm a Victoria's Secret angel right now," sabi pa ni Mateo habang suot ang national costume sa isang video clip na in-upload ng Miss Universe Twitter page.


Ayon sa ulat, pinagtulungan ng jewelry designer na si Manny Halasan at ng yumaong Pinoy international designer na si Rocky Gathercole ang pagdidisenyo sa damit ni Mateo.


Si Mateo rin ang unang pambato ng ‘Pinas na sumailalim sa pangangalaga nina Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup at beauty queen maker Jonas Gaffud.


“This outfit is inspired by the Philippine flag. The blue represents royalty, red stands for the courage and strength for an independent woman and yellow, the color of sun and stars, symbolizes freedom to choose whoever you want to be,” paglalarawan pa ng host habang rumarampa sa stage si Mateo.


Nakatakdang ganapin ang coronation night sa ika-16 ng Mayo (May 17 Manila time) na maaaring mapanood sa A2Z channel ng Philippine TV.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page