top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 15, 2020


ree

Sa aming exclusive interview ni Ateng Janiz Navida sa online show ng Bulgar na #CelebrityBTS Bulgaran Na kay Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño ay binigyan niya kami ng update sa plano niyang pagbubuntis sa baby nila ni Ice Seguerra.


"Siguro sa akin, sana. I mean, although, iba ang opinyon ni Ice rito," buwelo ni Chair Liza.


"'Di ba, January 2019, game na, ‘di ba? Dapat by September, ano na. Kaya lang, noong nag-open ‘yung 100 years (Sine Sangdaan project ng FDCP), ang dami palang (kailangang gawin), so, sabi ko, ‘Love, gusto kong i-enjoy ‘yun.'


"Parang gusto kong (i-enjoy), hindi ‘yung parang dumaan lang siya. 'Ay, may baby ka na.’ Hahaha! Gusto ko siyang ma-enjoy. I can enjoy this pregnancy.


"So, humingi na naman ako ng palugit sa kanya na sabi ko, baka magandang 2020 na, parang ganu'n.


"Eh, kaya lang, bigla namang nangyari ito. Hahaha! Hay, naku!"


Say namin, baka puwede na next year, 2021.


"Diyos ko! Kuwarenta anyos na ako! Hahaha!"


Magkagayunman, itutuloy pa rin daw niya ang pagbubuntis sa baby nila ni Ice.

"Dyusko po, ‘yung anak ko siguro, kahit pa ilang taon na siya, she would want to have (a younger sibling) and that’s really… isa ‘yan talaga sa mga pinakagusto naming gawin ni Ice."


Kaya ang pramis ni Chair Liza, susubukan pa rin nilang magka-baby kapag natapos na ang pandemic.


Aabangan namin 'yan!

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 10, 2020


ree

Personal at ‘di basta trabaho lang para sa dating aktres at beauty queen na si Liza Diño ang pagiging chairperson niya ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). ‘Yan ang dahilan kung bakit naging emosyonal siya sa kanyang interview sa TV Patrol kamakailan.


“Siguro, by now, alam na ninyong lahat, talagang hindi lang naman siya basta trabaho itong ginagawa ko, ‘di ba? Siguro, ‘pag dumating ‘yung panahon na trabaho na lang ‘to, baka hindi na ako nasa FDCP. So, there’s a big part of me, you know, this is really a personal endeavor. Talagang ‘yung commitment ko and sincerity sa industry, talagang I really want to create impact for change,” pahayag ni Chair Liza sa aming exclusive interview sa kanya ni Ateng Janiz Navida (Bulgar’s Entertainment editor) sa online show on Bulgar’s Facebook page, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na! last Saturday (Aug. 8).


This is maybe the reason kaya minsan daw ay nami-misunderstood siya ng iba.

“Kasi parang alam naman natin ‘yung mga kailangang ayusin sa industry natin. We have an industry that’s so divided. Ang dami pa nating mga sistema na hindi pa natin, hindi natin nai-institute sa iba’t ibang aspeto ‘no, ng industriya.”


In a way, nasaktan si Chair Liza ‘di dahil sa tinanggal siya as one of the members ng Metro Manila Film Festival Executive Committee dahil naiintindihan niya raw na prerogative 'yun ng chairman ng MMDA na may hawak ng festival. Ang ‘di tama para sa kanya ay ang manner ng pagpapaalam ng pagkakatanggal sa kanya.


“Nu’ng na-receive ko ‘yun, ‘yung letter na ‘yun, nasa public pa. Parang bakit kailangang sa social media? Kasi, meron kaming mga meetings, meron kaming mga… members sila ng FDCP. Council member namin sila, ‘di ba? May e-mail. Puwede silang mag-e-mail nang maayos or dalhin nila nang maayos na hindi kailangang ibalandra sa social media. So, in that aspect, uh, sa akin, hindi tama ‘yung ganu'n. Kasi mga government agencies kami. Hindi kami dapat ganyan,” lahad ni Chair Liza.


Isa pang isyu na pinalagan ni Chair Liza ay ang pagbibigay ng maling impormasyon laban sa kanya na nadadamay pati ang government agency na pinamumunuan niya.


Kaugnay ito ng inilabas na impormasyon ng MMDA spokesperson na si Celine Pialago sa Facebook na diumano, gustong ilipat ni Liza ang pamumuno sa MMFF mula sa MMDA patungong FDCP, gayung ayon kay Chair Liza, taong 2017 pa nu'ng i-propose niya ang tungkol dito, pero bakit ngayon lang inilabas ang proposal letter?


“Huwag tayong magbigay ng akusasyon nang walang basehan. Kasi, ‘yung ginamit nilang dokumento, (year) 2017, position paper ‘yun na napag-usapan na. Nagkaroon kami ng pormal na diskusyon tungkol doon. Uh, kahit na ‘yung ipinasa ng FDCP na position paper in 2017, dumaan ‘yun sa Malacañang, dumaan siya sa Office of the Executive Secretary, ibinaba siya sa iba’t ibang mga ahensiya para makomentuhan. At nagkaroon ng pormal na meeting para pag-usapan ‘yun. So, hindi rin siya parang secret na, ‘O, may ginagawa ang FDCP.’ No, never kaming ganyan,” sabay iling niya.


As of this writing, wala pa raw chance para makapag-usap at humingi sa kanya ng paumanhin ang pamunuan ng MMDA after niyang klaruhin ang mga ibinatong akusasyon sa kanya.


“Basta kami, basta makakatulong kami sa industry, that we can be of help, nand’yan kami. Ako, no hard feelings in the sense na inirerespeto ko talaga ‘yung desisyon nila. Pero sa akin, you know, naapektuhan ‘yung pangalan ng FDCP. ‘Yung reputasyon namin bilang isang government agency na wala kaming kinalaman, iba ‘yung priorities namin, tapos, biglang darating ‘yung ganitong kontrobersiya. So, in this time of pandemic, is it necessary? Is it necessary for us to be fighting over a festival?”


Dagdag pa niya, “So, definitely on our end, wala kaming ganu'n. So, sa akin, sana, you know, let’s fix our own priorities. And if there are questions, pag-usapan natin nang mas maayos. Huwag na tayong magdaragdag sa mga nangyayari ngayon.”

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 9, 2020


ree

Finally, nagsalita na si Bugoy Drilon on what really transpired sa "airport incident" sa kanila ng kapwa niya singer at kagrupo sa BuDaKhel na si Daryl Ong tungkol sa ABS-CBN franchise application.


"Actually, kinlear naman na po ni Daryl sa video na nadamay lang ako. Ayaw ko na nga po sanang pag-usapan ang isyu na 'to. Kasi, I'm at peace naman po sa puso ko," bungad ni Bugoy when asked about the incident sa blogcon ng bagong released na single niya titled Impossible Love.


Nag-uusap-usap daw kasi noon ang ilang kaibigan niya sa airport habang naghihintay ng kanilang flight.


"Siyempre, hindi naman din puwedeng hindi magsalita kasi you're part of the conversation. Ang sinabi ko lang po ru'n talaga, kasi that time, nagkakaroon sila ng signature petition, 'di po ba? Na one million signatures for that petition," lahad ni Bugoy.


May babaeng road manager ng isa pang artista raw ang nandoon at ang sabi kay Bugoy, 60 K na lang daw ang kailangan na signature para umabot sa isang milyong pirma.


"Kami po ni Michael (Pangilinan, kasamahan nila ni Daryl sa BuDaKhel) ang nag-uusap that time. Nagpapatulong po ako noon kay Michael tungkol sa stocks, kung paano mag-invest sa isang stock market. And then, doon na siya nag-banter, si Ate Girl, na 'Bakit hindi ka mag-invest sa ABS kasi medyo down sila?' And then, doon na siya nagsabi ng, 'Sa tingin mo ba, mari-renew 'yung franchise ng ABS-CBN?" kuwento pa ni Bugoy.


Dugtong pa niya, "And I said, 'I think, yes. Kasi nakita ko sa Facebook, I think, kulang na lang sila ng 60K sa one million signatures. I think, yes, mare-renew sila.' 'Yun lang ang kinontribyut ko sa conversation. So, I can't say sa side ni Daryl kasi sinabi na po niya ang side niya."


Aminado si Bugoy na may nang-bash din sa kanya. Pero hindi na lang niya pinansin dahil alam daw niya sa heart niya na wala siyang ginawang masama.


"Alam ko po 'yung gratitude ko, 'yung utang na loob ko sa ABS-CBN. Mother network ko po 'yun, eh. Nagkataon lang po na may nag-open ng ganu'ng conversation."


Paglilinaw pa ni Bugoy, may mga appearances pa rin siya sa ABS-CBN sa online shows nila. May naka-schedule raw siyang guesting sa MYX channel ng Kapamilya Network at nakapag-guest na rin sa MOR, ang FM station ng Dos.


"Actually, kahit nu'ng lockdown ay in-invite pa rin ako ng ASAP Natin 'To to guest."


Wala naman daw kasi siyang "sinunog na tulay" sa kanyang mother network.


Anyway, isang linggo pa lang ang lumipas since ini-release online ang bago niyang single na Impossible Love and yet, pasok na agad sa Top 10 sa Most Fave Downloaded Songs sa iba't ibang digital platforms.


Last time na nakausap namin si Bugoy prior sa kanyang blogcon, sa Bulgar's online show na #CelebrityBTS Bulgaran Na na napapanood tuwing Sabado, 11 AM sa Facebook page ng BULGAR, sinabi niya na isa sa mga gusto niyang maka-collaborate ang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Michael na nag-umpisa na rin ng kanyang singing career.


Nag-trending agad si Michael nu'ng mag-guest siya sa Wish 107.5 at kantahin ang isa sa mga awitin niya from his debut album.


"Actually, magkausap na kami ni Michael. Nagka-banter-an na kami sa Instagram na, 'Bro, I really like your music. Sana, makapag-collab tayo. Kasi, 'yung music niya at 'yung ginagawa kong music, medyo ano siya, relevant siya. Nag-reply naman siya. Sabi niya, 'Sure, Bro. Let's do collab. Let's do it.'"


In fairness, maganda ang song na Impossible Love ni Bugoy na tunog-international talaga. Kaya start na po kayo na i-download na rin ang Impossible Love in all digital platforms.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page