top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 20, 2020


ree


Ngayong magpapakasal na ang younger sister ni KC Concepcion na si Cloie Syquia-Skarne, marami ang nagtatanong kung kailan naman susunod ang panganay ni Megastar Sharon Cuneta.


Si Cloie ay only daughter din ni Gabby kay Jenny Syquia.


Sa comment section ng ipinost ni KC sa kanyang Instagram na piktyur ng kapatid habang nagki-kiss sila sa lips ng kanyang fiancè na si Fredrik Hill, may mga nagtanong kung kelan naman daw kaya si KC?


May nag-wish din na sana, si KC na ang susunod kay Cloie na magpakasal.


Kaso, wala pang boyfriend si KC ngayon. At baka maunahan pa siya ng isa pa nilang sister kay Gabby na si Garie Concepcion.


Si Garie naman ay solong anak din ni Gabby kay Grace Ibuna. Seven years na ring magkarelasyon si Garie at ang singer na si Michael Pangilinan, huh?


Kaya lang, sa huling interbyu namin kay Garie sa #CelebrityBTS Bulgaran Na, eh, mukhang wala pa silang kaplanu-planong magpakasal. At baka mag-give way na rin muna si Garie sa kanyang Ate KC.


Teka, may time pa kaya si KC na mag-boyfriend now? We heard, mas type ni KC na maging aktibo ulit sa kanyang career sa showbiz. Gaya niyan, kababalita lang ng aming source na pasok na rin si KC sa isang bagong show ng TV5.


According to our source, kasama si KC sa bubuksang noontime show na Lunch Out Loud ng Brightlight Productions sa TV5.


Si KC ang isa sa mga hosts na makakasama nina Billy Crawford, K Brosas, Wacky Kiray at Bayani Agbayani sa nabanggit na bagong noontime show ng TV5.


Hindi na estranged sa isa't isa sina Billy at KC. Mga bata pa lang sila nu'ng mabalitang nagkasama sila noon sa Paris, France.


Kasikatan ni Billy sa France noon habang college student naman si KC sa naturang bansa.


Ang 'di nalinaw ay kung naging sila that time. Pero siyempre, what happened in France stays in France. Sabeeeh?


But of course, iba na sila ngayon. Billy is a happily married man at kapapanganak pa lang ng misis niyang si Coleen Garcia.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 27, 2020


ree

Kinumpirma ng singer na si Ice Seguerra ang pakikipaglaban sa kanser ng kanyang amang si Mr. Dick Seguerra.


"I went to visit him last night. Na-suspect na covid apart from cancer, so, ipina-swab namin. For five days, hindi kami nagkita, eh. Siyempre, may cancer na nga si Daddy, ‘di ba, so, ang lungkut-lungkot niya. Tatawag ‘yun, ‘Miss na miss na kita,’ ganyan," panimula ni Ice sa aming interbyu with Ateng Janice Navida, Bulgar's Entertainment editor, sa #CelebrityBTS Bulgaran Na online show sa Facebook page ng BULGAR last Saturday, 11 am.


At nang makuha raw ng ama ang resulta ng swab test at nalamang negative ito ay tuwang-tuwa ito.


Nag-i-stay daw ang ama ni Ice sa condo niya na inayos nila na parang hospital, complete with hospital bed at caregiver para kay Daddy Dick.


Nakatira rin sa same compound ng condo ang ina ni Ice na si Mommy Caring, pero magkaiba lang daw ng building.


Year 2013 daw nang una nilang madiskubre ang prostate cancer ni Daddy Dick at nasa stage 2 na. Ipinagamot na nila ito noon at nang bumuti na ang kalagayan, hindi na uli nakapagpa-checkup, hanggang sa pumayat na naman at bumalik nga pala ang sakit kaya inoperahan uli.


"And the sad part of all of this, nagka-metastasize 'yung cancer niya. It transfers to the different part of his bones, yeah. So, masakit sa bones."


Hanggang may nadiskubre naman silang parang bukol sa batok ni Daddy Dick at naapektuhan daw ang eyesight ng ama kaya 'yun naman ang ipina-treat nila.


Dahil sa pagkakasakit ng ama, inamin ni Ice na ngayon lang siya naging malapit dito.


"Kasi lumaki talaga ako na si Mommy (Caring) ‘yung kasama ko, ‘coz my dad is working also. Siyempre, ang tendency noon, nagiging one-sided ka rin with some certain situations that because I don’t talk to my dad that often, I don’t get to hear his side of the issue. Meron silang something ng mommy ko, I just don’t know him. I mean, apart from being my dad, like what’s his story, alam mo ‘yun?"


Ngayon daw, ang lambing-lambing ng kanyang Daddy Dick.


"Sweet siya, sobra! As in, he’s very emotional. Uhm… lagi ‘yang nagte-text sa akin… As in talagang he texts me everyday, nag-iba ‘yung relationship talaga namin. Palagi ‘yan, ‘Good morning. I love you. Kumain ka na ba?’ ganyan.


"So, parang siguro, nakita niya na… kasi akala niya, kampi lang ako sa mommy ko, pero nakita niya na hindi, wala akong bias, 'di ba? May mali ‘yung isa, mali ‘yung isa, parang ganu'n."


Inamin din ni Ice na pina-practice niya ngayon ang kanyang faith on Buddhism.


"I’m in my Buddhism journey. I’ve realized, we really have to communicate at all things. I mean, kasi even if kahit hindi naging okay ang relationship namin, parang we will still… parang marami pa ring things left unsaid, you know."


Kaya nagkaroon daw sila ng family meeting at nagsabihan talaga ng sama ng loob sa isa't isa.


"Sabihan talaga ng lahat, lahat, lahat. The things that we never said ever since, and it worked for us. Kahit may dumarating na problema, mas napapag-usapan namin. It feels lighter and siguro, that’s what I want for my dad na, I mean, whatever happens to him, ‘yung mararamdaman niya that we love him and he is on this family, and nandoon lang kami," paliwanag pa ni Ice.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 26, 2020


ree

Ibinulgar ng singer na si Ice Seguerra ang pinagdaraanang depresyon sa gitna ng covid-19 pandemic sa eksklusibong panayam namin sa kanya ni Ateng Janice Navida sa online show sa Bulgar's Facebook page, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na last Saturday, 11 AM.

"Actually, that’s the thing with depression, sometimes there’s no trigger," lahad ni Ice.


Kung titingnan daw kasi ang buhay niya, everything's perfect. At kahit wala raw siyang trabaho, nakakakain naman daw sila at may naiinom na gamot ang kanyang amang maysakit na si Daddy Dick.


"Pero, sometimes, it will strike you. And, ‘yung sa akin kasi, chemical ano siya, eh, hindi basta emotions lang. Kumbaga, the emotions are the symptoms that there is something wrong with my brain. Gets? So, hindi siya ‘yung, ‘Oh, I’m sad.' If I don’t take my meds, I’ll be... walang feeling. As in, withdrawn and 'yun. That’s how I am. So, I have to take my meds to be okay."


May chemical imbalance raw sa kanyang brain na hindi nagpo-produce ng sapat na serotonin. Hindi raw nagko-communicate nang mabuti ang mga "electrical wirings" sa brain niya dahil dito.


Just imagine Ice na alam naman ng marami na pagkanta ang passion, pero kapag depressed daw siya, wala siyang ka-drive-drive na kumanta.


"It pulls you really down," malungkot niyang sabi. "Alam ‘yan ni Liza (Diño, ang kanyang asawa at chairperson ng Film Development Council of the Philippines) kapag nasa kama ako, tulog lang ako. Ayun."


Bukod sa meds na tine-take niya para mawala ang kanyang depression, nakikipag-usap daw siya sa mga kaibigan. Madalas daw kasi, kapag umaatake ang depresyon niya, ang tendency ay lalong ayaw niyang makipag-usap sa mga tao. Except, of course, sa kanyang "misis" na si Chair Liza.


"Asawa ko ‘yun, eh, exempted siya. May rapid pass ‘yan. Hahaha!" sabi niya.


Medyo aware na raw si Chair Liza kapag inaatake siya ng depression kaya hinahayaan lang siya nito at 'di pinipilit kung ayaw niyang makipag-usap.


"Oo, kasi, that’s the worst thing that you can do to someone who is depressed, pilitin mong magsalita, pilitin mong umalis siya ru'n sa state na 'yun, ‘coz we can’t. Alam mo 'yun?


"'Yung sinasabi nila, 'Ano ba 'yan? It's all in the mind,' hindi siya ganu'n lang, eh. If it's just like we can just snap-out easily, I don’t want to be in that position. I don’t want to be in that position that sometimes I don't want to sing, 'yung parang ang dami mong gustong gawin but you just don't have the energy to do it."


But so far, thankful si Ice that his meds are working.


"He’s (doctor niya) actually happy with me right now in terms of ‘yung kondisyon ko ngayon. Mas better ako.


"Tinataasan lang 'yung dosage ng anti-depression ko and anti-anxiety pills. And ‘yun nga, this whole journey is helping me because it’s all about you know, being mindful, focus, about being good and uhm, teaching me how to breath properly. It helps my anxiety. So, 'yun."


Pero kahit daw may meds siya, kapag may nag-trigger, puwede pa ring sumumpong ang kanyang depression.


Inamin din niyang year 2003 pa ay nag-consult na siya sa doktor dahil sa kondisyon niyang ito.


Sabi pa ni Ice, nag-a-undergo rin siya ng counseling. Inaalam daw ng doktor niya kung saan nanggagaling ang depression niya bukod sa chemical imbalance.


"Yes, with my psychiatrist, she does that… counseling and you know, therapy sessions, they dispense meds.


"Actually, 'yun ang main difference sa psychologist. Sa psychologist, they can only do counseling, but in terms of meds, they can't give out medicines.


"Kaya nga, 'di ba, I always tell people, if you feel your emotions is really, kumbaga, hindi nila mailabas, then, go to a psychologist. But, if you think it's deeper, it's something that you cannot understand anymore… kasi, 'yun ang nangyayari sa akin, eh.


"Feeling ko, for lack of better term, para akong nababaliw talaga. Alam ko, hindi ako 'to. Pero ito 'yung nangyayari.


"Ang maganda lang sa akin, sabi ng doctor ko, introspective ako. Like I'm very aware of my cognitive behavior. So, if something is not align with what I know about myself, that I feel there's something wrong, kasi, I'm always about balance, so, if there is an imbalance in me, in my character, I know that there's something wrong."


Inamin din ni Ice na nu'ng unang malaman niyang may depression siya, 2 months siyang hindi nakakain.


"Alam mo 'yung may ipapasok ka sa bibig mo, tapos iduduwal mo? Kasi, sobrang 'di kaya ng katawan mo 'yung pagkain. Tapos, iyak ka nang iyak, pero hindi ako malungkot. Hindi ko lang alam bakit ako iyak nang iyak."


Bothered na bothered daw si Ice kapag nangyayari sa kanya 'yun. Pero ang good news nga niya, ngayon naman ay nakokontrol na 'yun ng kanyang iniinom na medicine.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page