top of page
Search

Julie Bonifacio - @Winner | November 29, 2020


ree


Ginulat ni Jessy Mendiola ang mga netizens sa piktyur na naka-post sa kanyang Instagram account noong Biyernes nang gabi kung saan makikita ang isang kamay niya na may suot na singsing na may malaking bato sa gitna!


At ang nakadagdag pa sa curiosity ng mga netizens ay ang daliring pinagsuotan ng singsing. Dito kasi usually isinusuot ng babaeng engaged na sa kanyang boyfriend ang singsing.


Kaya, ipinagpalagay na ng marami na ang singsing ay senyales na nag-propose na ng kasal kay Jessy ang boyfriend niyang si Luis Manzano.


Sinilip namin ang Instagram account ni Jessy, not once, not twice but thrice, pero hindi na namin makita ang IG post na 'yan bago pa man at pagkatapos ng online show namin ni Ateng Janice Navida sa Facebook page at YouTube Channel ng Bulgar, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na yesterday, Saturday @11 am.


Whether it's true or not, ibig lang sabihin nito, eh, atat na ang mga followers ni Jessy na magpakasal siya kay Luis.


Wow, ha? Abangers talaga ang mga netizens sa pag-iisang-dibdib nila.


Kunsabagay, 'di lang naman ang mga netizens ang gusto na silang maikasal, eh. Malamang, ganu'n din ang momskie ni Luis na si Congresswoman Vilma Santos-Recto.


Nu'ng nakaraang birthday ni Cong. Vi, nasabi niya sa isang interbyu na ang wish niya ay magkaroon na ng apo from Luis. At sabi pa ni Cong. Vi, malapit na raw 'yun.


Nadulas lang kaya si Cong. Vi when she said na "malapit na" or sadyang may ideya na siya na malapit na ang kasal nina Luis at Jessy?


Anyway, hindi ito ang unang beses na natsismis na engaged na sina Luis at Jessy. Nito lamang July ay may ipinost si Vivian Velez sa Facebook tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng dalawa.


Post ng dating tinaguriang Miss Body Beautiful sa showbiz, "Jessy Mendiola's mom, Didith is my second cousin. Last February, Luis Manzano expressed his desire to marry Jessy. You made the right choice Lucky... #couplegoals."


Apat na taon nang magkarelasyon sina Luis at Jessy. Luis is already 39 years old now, habang si Jessy naman ay 27 na.

 
 

Julie Bonifacio - @Winner | November 1, 2020


ree


Napansin agad ng mga fans ni Kathryn Bernardo ang ginamit niyang account name sa isa sa mga social media accounts niya dahil may KathNiel fan ang agad nag-tweet nito.


Bakit nga naman hindi maaagaw ang pansin nila, eh, ang gamit na account name ni Kathryn ay Kathryn Bernardo Ford!


Kilig to the bones ang KathNiel fans dahil ang 'Ford' ay tunay na apelyido ng mama ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.


Sa aming first live streaming sa YouTube Channel ng BULGAR na Bulgar TV para sa online talk show naming #CelebrityBTS Bulgaran Na! kahapon, 11 AM to 12 NN, isa sa hot topics na pinag-usapan namin ni Ateng Janiz (Janice delos Santos-Navida, Bulgar Entertainment editor) ay ang tungkol sa paggamit ni Kathryn ng apelyidong Ford.


Nagtaka kasi kami kung bakit Ford ang gamit na apelyido ni Kathryn na ibig sabihin, 'yun din ang gamit na apelyido ni Daniel in real life, samantalang alam naman ng lahat na si Rommel Padilla ang tatay niya?


Isang netizen sa Twitter ang nag-comment sa post namin kung bakit Ford ang inilagay ni Kathryn na surname at 'di Padilla.


Reply ng netizen, "Yes, his legal name po is Daniel John Elago Ford."


Bigla naming naalala ang past interviews kay Rommel kung saan inamin niyang bigla na lang daw "nawala" si Karla noon. Hinanap daw niya si Karla, pero 'di niya nakita.


Hanggang sa nalaman ni Rommel na ipinagbubuntis ni Karla ang kanilang anak na si Daniel. Kaya baka nu'ng isilang ni Karla si Daniel ay wala sa tabi niya si Rommel at walang ama na pipirma sa birth certificate ng bata.


Whatever the reasons are, ang 'shala-shala' rin nga talaga na pakinggan ang apelyidong Ford.


Pangalawang naglaro sa isip namin, eh, baka naman nagpa-civil wedding na sina Kathryn at Daniel na 'di naman imposible. They're both of legal age. And also, professionally, financially and emotionally, stable na ang dalawa.


Naku, maraming artista na ang gumawa niyan gaya nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noon.


Pero hirit ng KathNiel fan sa Twitter, "'Di pa po, parang ginagamit niya lang for fun (not literally) kasi du'n rin naman pupuntahan nu'n."


So, there.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 8, 2020


ree


Habang nakasalang kami nang live kahapon sa aming daily online show na #CelebrityBTS Bulgaran Now na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, at 3 PM sa BULGAR Facebook page, isang follower-viewer ang nagtanong sa amin kung totoo bang tatakbong mayor ng Pasay si Megastar Sharon Cuneta sa 2022 elections.

Nagulat kami na may ganito palang umiikot na bulung-bulungan sa Pasay dahil ang alam namin, hate na hate ni Mega ang pulitika at inamin na niya 'yan noon na sa mga Dilawan na kapartido ni Sen. Kiko Pangilinan ay kay VP Leni Robredo lang siya bilib kaya ito lang ang sinusuportahan niya, bukod siyempre sa kanyang mister.

Hindi namin alam kung saan nanggaling ang kuwentong tatakbo si Megastar bilang mayor, pero kung sakali mang nagbago na ang isip ni Ate Shawie, why not?

Sa estado at kakayanan ni Mega, plus 'yung pagkakaroon ng credibility, tiyak na mananalo siya kapag siya ang tumakbo.

Again, 'yan ay kung nagbago ang takbo ng kanyang isip, ha?!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page