top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 7, 2021



ree


Lucky charm pala nina Wowowin host Willie Revillame at Queen of All Media Kris Aquino ang isa't isa.


Kung ang pagbabasehan ay ang kanilang birthdate at Zodiac sign, ayon sa resident numerologist namin dito sa BULGAR na si Maestro Honorio Ong sa guesting niya kahapon sa aming weekly online talk show na #CelebrityBTS Bulgaran Na na napapanood every Saturday at 11 AM sa Facebook page ng BULGAR, sobrang compatible sina Kuya Wil at Kris!


Sabi pa ni Maestro Honorio Ong sa amin ng aking co-host sa show na si Ate Julie Bonifacio, hindi naman kailangang magkaroon ng intimate relationship sina Kuya Wil at Kris para magkaroon ng kakaibang happiness, pero once na magsama sila, dahil swak na swak nga ang kanilang Zodiac sign na parehong Aquarius (Jan. 27 si Kuya Wil at Feb. 14 si Kris), tiyak na pareho silang susuwertehin sa anumang papasukin nila — mapa-negosyo, showbiz career and yes, kahit sa larangan ng pulitika!


Oh, 'di ba, ilang araw pa lang, napabalitang 'kinukumbinse' diumano ni Pangulong Rodrigo Duterte si Kuya Wil na ikonsidera ang pagtakbo sa 2022 elections dahil nakikita ng pangulo ang malaking puso ng TV host sa pagtulong sa mga kababayan natin.


Kaya bagama't una nang sinabi ni Kuya Wil na okay na siya sa pagtulong sa mga kababayan natin via his game show na Wowowin/Tutok to Win, tiyak na pinag-iisipan na rin ngayon ng TV host ang sinabi ng pangulo na "Leave your options open."


Aba, si P-Du30 na nga naman ang nagbigay ng tiwala kay Kuya Wil, ang hirap namang pahindian ng pangulo, ha?!


At kung sakaling makukumbinse nga siya — at dahil din lucky charm nga raw niya si Kris — hindi kaya mas magandang idea na magtambal silang dalawa sa 2022 elections since dati pa naman nang may mga nag-uudyok kay Kris na tumakbo sa pulitika?


Ang tanong lang, kung magkakaroon ng Willie-Kris tandem sa 2022 elections, sa ilalim ng anong partido kaya?


Open kaya ang kampo ng administrasyon sa ideya na isama si Kris sa kanilang partido?


Well, maitanong nga natin kay Sen. Bong Go! Char!

 
 

Julie Bonifacio - @Winner | February 16, 2021



ree


Sa simula pa lang ng video ni Kathryn Bernardo sa kanyang YouTube channel ay kinilig na agad ang mga netizens sa introduction na ginawa niya para kay Daniel Padilla.


Dahil Valentine's Day vlog 'yun ni Kathryn, special ang guest and finally daw ay napagbigyan siya ni Daniel na mainterbyu sa kanyang YT channel.


“My boyfriend, my love, my everything... Mr. DJ Padilla," pagpapakilala ni Kathryn sa dyowa niya.


Ang naturang vlog ay pinamagatan ni Kathryn na Questions I've Never Asked My Boyfriend.


They will be celebrating their 9th anniversary sa May pero ngayon lang daw na-realize ni Kathryn na marami pa siyang gustong itanong kay Daniel.


At isa nga sa mga importanteng napag-usapan nila ay ang tungkol sa kanilang kasal at pagkakaroon ng anak.


Hindi naman daw sila nagmamadali pero ‘di rin daw sila dapat ma-late.


Ani DJ, "Pero may pinag-usapan na tayo na dapat, 'di ba? Hindi na tayo dapat ma-late pa roon. Mahirap ‘pag pinagsisihan mo. Tandaan mo, hindi na babalik ang oras.”


Naalala tuloy namin ang mga napag-usapan namin nina Ateng Janice Navida at Maestro Honorio Ong sa last Saturday’s episode ng aming online show sa BULGAR Facebook page na #CelebrityBTS Bulgaran Na every Saturday at 11 AM, tungkol sa KathNiel.


Binasa ni Maestro Honorio ang kapalaran nina Kathryn at Daniel base sa kanilang mga kaarawan and it turned out na ang destiny numbers nila o ang nakatala na magandang taon para sila ay magpakasal ay sa 2025.


Pero dahil may tinatawag na discrepancy error na one year ang mga numerologists, puwede raw magpakasal ang dalawa sa 2024. Magandang taon din daw ito para sa kanila to get married.


"Sa 2024 pa lang, magpapakasal na sila. Para pagdating ng 2025, magkakaroon sila ng napakagandang buhay," pahayag ni Maestro Honorio.


Hindi lang pala magandang buhay ang naghihintay kina Kathryn at Daniel kapag nagpakasal sila based on their destiny year, kundi isang napakagandang buhay.


"Mula 2024 hanggang 2026, may tatlong mahahalaga at magagandang pangyayari ang puwedeng maganap sa buhay nilang dalawa," lahad ni Maestro.


Bukod sa taon, may isa pang pinagbasehan si Maestro na puwedeng pagdesisyunan ni Kathryn na magandang year to get married.


Ito naman ay batay sa sinasabi ng kanyang edad. Sa March 26 ay 22 years old na si Kathryn.


"Significant year ni Kathryn ang 2026 dahil ipinanganak siya noong March 26 at napakahalagang edad niya ngayon ang 22 kaya puwede ring magpakasal this year."


Dagdag pa ni Maestro, "Dalawang data kasi ang tinitingnan natin. Una, ‘yung mahahalagang taon ng iyong buhay. Ito namang isang data, mahahalagamg edad ng iyong buhay. Ikaw na ang mamimili kung saan mo papansinin 'yung mahalagang desisyon sa buhay mo."


So, dapat palang mag-propose na ngayon si Daniel kay Kathryn at yayaing magpakasal this year. Tutal, pareho naman na silang nasa tamang edad, established na career and financially okey na okey.


Anyway, nakapagdesisyon na rin ang dalawa na kapag nag-asawa na sila, hanggang dalawang anak lang daw ang plano nila which is one boy and one girl only.

 
 

Julie Bonifacio - @Winner | December 7, 2020


ree


Sa unang pagkakataon ay sabay na nag-guest ang mag-inang Sherilyn Reyes at Ryle Santiago sa Bulgar's online show, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na hosted by Ateng Janiz Navida and yours truly last Saturday.


Inamin ni Sherilyn sa amin na nitong pandemic ay 'di pa rin daw sila adjusted ng mister niya na si Chris Tan at mga anak nila sa tinatawag na new normal.


Bihirang-bihira raw silang lumabas, although importante rin naman daw sa kanila ang makakita ng iba't ibang tanawin at makausap ang ibang tao for mental health purposes na rin.


"Nagpupunta kami sa church. Pero wala pa kaming nakakasalamuha na ibang tao o kaibigan o pamilya bukod sa amin. And even before mag-lockdown, nag-lock­down na kami. Kum­baga, ang husband ko, si Chris (Tan), nag-established na siya ng mga protocols na­min," bungad ni Sherilyn.


Sa usaping paglabas ng vaccine panlaban sa corona virus, okey na­man daw kay Sherilyn.

"Kapag in-approve naman kasi ‘yan ng gob­yerno, siguro naman, na-try na nila 'yan sa iba. Na­una na sila. ‘Pag okey, su­nod tayo," sabi ni Sherilyn.


Nabanggit ni Sherilyn na may mga dumarating daw na offer sa kanila to do a teleserye and TV guest­ings especially kay Ryle. Pero, tinanggihan daw nila except sa mga one-day guest­ing.


Patunay lang ito na may enough savings sina Sherilyn kaya can afford silang tumanggi ni Ryle sa mga projects.


Malaking tulong kay She and her family ang pagiging online seller at retail store owner niya ng Beautederm beauty products. At bukod d'yan, super active rin ang family ni Sherilyn sa iba't ibang online apps gaya ng Tiktok, Bigo at Lyka Gems.


Umaabot din sa five figures ang monthly kitaan ni Sherilyn sa kanyang online apps. Pero si Ryle raw ang talagang nakatutok sa kanilang accounts sa mga online apps.


In fact, si Ryle raw ang nagma-manage kina Sherilyn sa Bigo.


"Actually, ‘yung pera namin sa Bigo, siya na ang may hawak, eh. Saka ano rin, halim­bawa, meron kaming brand campaign together. Tapos, nataon 'yung kontrata nasa kanyang pangalan. Eh, siyempre, doon ipapasok. Kumbaga, gano­on na."


Pero ayon pa kay She­rilyn at 22, si Ryle na raw ang humahawak ng pera niya. At si Sherilyn na raw ang taga-add-to-cart sa online shopping, biro naman ni Ryle sa amin.


"Hindi, hahaha! Mga ano lang 'yun, halimbawa, 'yung mga kailangan namin nga­yong pandemic nasa on­line na tayo. Sasabihin ko sa ka­nila, 'O, bumili na tayo ng ilaw. ‘Yan ang mga ina-add-to-cart natin," esplika niya.


Puring-puri ni Sherilyn si Ryle kung gaano kabu­ting anak.


"Sa totoo lang, wala akong masasabi kay Ryle. Talagang napakabait na anak. Even now at 22, uh, ‘pag may kailangang pagde­sisyunan, even the littlest thing, 'yung respeto niya sa amin bilang mga magulang na nand'yan."


Hindi raw alam ni Sherilyn kung bakit ang babait ng mga anak niya.


"Kasi nu'ng bata ako, alam ko binigyan ko ng sakit ng ulo ang mga magulang ko. So, sabi ko, mas mababait ang mga anak ko kesa sa akin growing up talaga."


Kaya raw ang turing ni Sherilyn kay Ryle ay kuya niya.


"Kuya ko talaga ‘yan. Marami kaming mga bagay na pinag-uusapan. Kami-kami, about family. And I am amazed kung paano siya nagiisip. Kung gaano ka-mature yung pagiisip niya in other aspects."


Ang worry lang daw ni Sherilyn kay Ryle ay masyadong paglalagay niya ng oressure sa sarimi. At tinatanggap na rin xaw ni Ryle na pwede siyang mabuhay magisa sa pagtanda.

Dasal ni Sherilyn na magkaroon ng oartner in libe si Ryle na sana maganda ang childhood life at pinagdaanan sa buhay.


"Sabi ko, 'Paoie (pet name ni Ryle sa family), di pwedeng walang magaalaga sa 'yo o wala ka'ng aalagaam. Syempre, 'yung mga kapatid mo ofncourse, they will always be there. But, iba pa rin kung merin ka'ng katuwang sa buhay. '


"Sa success naman ng kanyang career, I know one day, he will hit it big. If not now, 'Sabi nga sa 2022, Pao,' sabay tingin niya kay Ryle.


May nagsabi raw kasi na aalagwa ang career ni Ryle sa 2022 at naniniwala naman si Sherilyn na mangyayari 'yun.


"Kasi, he's very talented. Uhm, even ‘yung work ethics niya, ibang klase. Very obedient," pagmamalaki pa ni Sheriyln sa kanyang panganay.


Tungkol naman sa pagkakaroon ng ibang biological father ni Ryle sa kanyang mga kapatid na sina Lorenz at Eia, never daw naging isyu ‘yun sa Tan family.


"Actually, before talaga, taboo pag-usapan na, kumbaga, Ryle is Chris' son, PERIOD. 'Yung hindi puwedeng pag-usapan ‘yung ibang mga bagay. It's just that he went in, uh, nasa showbiz na siya. Nu'ng pumasok siya sa showbiz, siyempre, naungkat. Napag-uusapan. Uh, kumbaga, okey. 'Yun naman 'yung reyalidad. Hindi naman natin 'yan maiiwasan. Pero sa aming tahanan, hindi talaga napapag-usapan 'yan," pahayag pa ni Sherilyn.


Tumpak!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page