ni Julie Bonifacio @Winner | July 10, 2025
Photo: Alden Richards - IG
Napansin ng mga netizens na malaki ang itinaba ni Alden Richards sa pictures niya habang nagbabakasyon sa Europe na ipinost sa X (dating Twitter) account ng GMA Integrated News.
Ini-repost ng GMA Integrated News ang ipinost ni Alden sa socmed na pictures niya sa pamosong Stonehenge sa England.
Caption ng GMA IN: “ALDEN RECHARGE (smiling face with sweat & leaf emoji). Alden Richards gave fans a glimpse of his much-deserved breather as he visited the iconic Stonehenge in England. On Instagram, the Asia's Multimedia Star shared a peaceful photo from the site with the caption, ‘This is all I need…’”
Sa comment section ay may pumuna sa katawan ni Alden.
Sey nila… “Ito talaga problem ng @gmanetwork, walang weight program. Ang laki ng itinaba.”
Dinepensahan naman si Alden ng kanyang mga supporters mula sa nang-bash sa Kapuso actor.
“Wala s’yang weight problem, body shamer ka lang talaga (face with rolling eyes emoji).”
“Paano malaki ang itinaba, eh, sa damit n’ya lang ‘yan, LOL (laugh out loud).”
“Krusty crab mentality indeed this basher (face with raised eyebrow emoji). Just enjoy your vacay, Paps. He is disciplined in his workout if you have noticed. He can easily shed it off.”
Sa true lang, ganoon naman talaga ang tendency kapag nagbakasyon lalo na sa ibang bansa. Siyempre, pahinga, less stress, at samahan pa ng masarap na pagkain — what do you expect?
Saka, kailangang samantalahin ni Alden ang bakasyon lalo pa’t sunud-sunod din ang mga proyekto niya at idagdag pa ang pag-amin niya kamakailan na may pinagdaanan siyang depresyon.
Last year was his lowest point, pag-amin ni Alden. To think na naging super mega
blockbuster ang movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again noong 2024. Hanggang sa naging bulung-bulungan sa showbiz ang dahilan ng depresyon ni Alden.
And it was something to do sa mga pinasok niyang negosyo.
May source kami na nakapagsabing na-scam daw ng napakalaking pera si Alden. At may pinasok din daw na investment ang aktor sa negosyo ng isa pang Kapuso star na kasalukuyang hina-hunting ng iba pang gaya ni Alden na sumosyo sa business nito.
Kahapon ay may post si Alden na picture ng cellphone at may nakalagay na, “I GOT MY OWN BACK.”
Kung susuriin, tila sinasabi ni Alden na walang ibang tutulong sa kanya kundi ang sarili rin niya mismo.
Sa comment section, may isang netizen na mukhang malapit kay Alden at may pahaging sa nais ipakahulugan ng Kapuso actor.
Sey ng netizen, “Dude, stop being so kind. People take advantage of that. As you probably have found out by now. Anything in excess is not good. Start loving yourself more. And yeah... give yourself time to heal.
“You’ll get through this. God is with you. We’re here. You have our support.”
Sinilip namin ang may-ari ng account, tila isa siya sa mga kaibigan ni Alden Richards na nasa Amerika.
IBINAHAGI ni Robi Domingo ang kanyang mga pagninilay sa pakikipagtulungan sa team, kapwa hosts at housemates ng show pagkatapos mag-trending at magkaroon ng high-rating finale ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition noong weekend.
Sa isang taos-pusong post sa social media, ibinahagi ni Robi ang mga snapshots mula sa finale at idiniin ang matibay na samahan na nabuo niya sa ‘Pamilya ni Kuya’.
Aniya, “Pamilya. Puso. Pilipino (house emoji). Ang pagiging bahagi ng makasaysayang #PBBCelebrityCollabEdition na ito ay isang milestone na hindi ko malilimutan.”
Nagpahayag siya ng pasasalamat sa lahat ng kasama sa pagtatagumpay ng ika-20 season ng PBB.
“Mula sa mga kasambahay na nagbukas ng kanilang mga puso, sa mga makikinang na creative, masisipag na production at tech teams, sa bawat solong staff sa likod ng mga eksena... saludo ako sa inyo (raising hands emoji]),” patuloy niya.
Binigyang-diin din ni Robi ang kakaibang collaboration ng ABS-CBN at GMA, na nagsasabing, “This Big Night was more than just a finale. It was a celebration of dreams, unity, and what's possible when we all come together. Maraming salamat, Kapamilya at Kapuso (praying hands emoji).”
Gumawa ng kasaysayan ang PBB Celebrity Collab Edition sa pagpapangalan sa kauna-unahang ‘Big Winner Duo’ na sina Brent Manalo ng Star Magic ng ABS-CBN at Mika Salamanca ng Sparkle ng GMA-7. Kilala bilang BreKa duo, nag-uwi sila ng P1 milyon.
Nakapagtala rin ang ‘The Big Night’ ng kahanga-hangang viewership na may mahigit 3.1 milyong pre-show views sa Facebook (FB), 133,000 peak concurrent viewers sa YouTube (YT), at higit sa 1.4 million peak concurrent views sa buong ABS-CBN at GMA platforms noong Hulyo 5.






