ni Jasmin Joy Evangelista | March 13, 2022
Pinayuhan ni Sen. Imee Marcos nitong Sabado ang kanyang kapatid na si presidentian candidate former Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, na dumalo sa mga debate dahil marami itong natatanggap na kritisismo sa hindi pagsali sa mga ito.
Ang mga kandidato umano ay dapat na maging “transparent, accountable, responsible, open, accessible,” ayon sa senador, sa kanyang interview sa AM radio station na DWIZ.
“Answer all their criticisms,” payo ng senador sa kanyang kapatid.
“After all, we have faced all our cases. We answer all the criticisms. He can easily do that,” dagdag niya.
Patuloy pa ni Imee: “So for me, he should go, even if not all of them… If he thinks he would be wasting time because he has a lot of things to do, my advice is: ‘Show up at some of them.”
Naiinis din umano ang senador sa #MarcosDuwag hashtag na nag-trend sa Twitter nang hindi dumalo si BBM sa interview kay veteran journalist Jessica Soho.
“Hindi naman duwag ‘yung kapatid ko”, aniya.
“Kayang-kaya naman niya sagutin ‘yun dahil magaling ‘yung kapatid ko.”
Matatandaang hindi dumalo si BBM sa interviews na inorganisa nina Jessica Soho, radio DZBB, at ng KBP presidential forum. Hindi rin niya dinaluhan ang CNN Philippines interview.