top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 3, 2025



Photo: Alden Richards - Instagram


Tsika ni Alden Richards, may mga offers siyang natatanggap na pasukin ang politics.  

Sa matagal na panahon mula nang pasukin ng aktor ang showbiz, naging successful siya hindi lang dito kundi maging sa business, at ngayon ay bilang producer na rin.  


Tulad ng ibang celebrities, marami rin daw nag-o-offer sa kanyang pumasok sa pulitika.  

Sa isang panayam, nasabi ng aktor, “There have been offers po for me to run. But for me, at this point in my life, I respectfully decline po.” 


Ang paniwala raw kasi niya, ‘di kailangang pumasok sa pulitika para makatulong sa mga tao. 


“Lagi ko pong sinasabi even though there’s a lot of clamor for me running for politics, I can help people without being part of the government. It’s not because ayaw ko siya dahil mayroon akong mga hindi maganda about the system. It’s not about that,” esplika niya.  

Mas naka-focus siya sa pagtulong sa mga less fortunate people.  


Pagbabahagi pa niya, aside from showbiz, gusto rin daw niyang mag-focus sa kanyang production company, ang Myriad Entertainment, at ang AR Foundation.  


Nang tanungin siya kung desisyon na ba talaga niya na no for politics, aniya, “For now, baka po for good.”



NA-IMPRESS si Jean Garcia sa dance cover ng anak na si Kotaro Shimizu.  

Sa Instagram ni Kotaro ay ibinahagi niya ang ginawang choreography ng Like Jennie ni Jennie sa Blackpink.  


Ibinida niya ang kanyang husay sa pagsasayaw in a dimly lit room while rocking a muscle shirt, jogger pants, cap, and sneakers.  


Hindi lang ang inang aktres ang na-impress kundi pati mga netizens.  

Sa comment section ng account ni Kotaro ay pawang clapping fire emojis ang makikita.


Ayon sa kanyang mga fans, ang dance skills ni Kotaro remind them of Enhypen’s Ni-ki.  

The rising star’s dance videos were also previously noticed by BTS’ J-Hope and EXO’s Kai.



NABIGYANG-KULAY ng mga netizens ang post ni Arci Muñoz sa kanyang Instagram (IG) Stories na may kasamang napakagandang bata.  


Caption niya: “Been waiting for the right moment to tell the world about you my sweet #Estrella sooo blessed to have ya my little princess. Love you!” 


Ang dami agad nagkomento na anak ng aktres ang bagets na itinago lang daw niya sa loob ng dalawang taon.  


That year kasi ay nanahimik ang aktres sa showbiz, kaya may mga nag-speculate na nanganak umano ito at ngayong malaki na ang bata ay saka ipinost sa kanyang social media.  


Isa sa mga nagkomento ay si Vina Morales, “Awwww, sooo cutie like mommy. I’m so proud of you.”  


May mga netizenso na nag-comment, “@vinamorales April fools.”  


“She’s Arci’s brother’s daughter.”  

 

“If this is an April fools, it’s NOT funny.”  


“I don’t think so kasi the last pic.”  


Ipinagtanggol naman ng isang commenter ang aktres.


“Kung ngayon lang pinublic ni Arci ‘yung anak n’ya, choice n’ya ‘yun. Wala s’yang responsibility para isiwalat sa mundo kung may anak na s’ya o wala. Bakit nagde-deny ba s’ya na wala s’yang anak? Hindi lang n’ya binrodcast pero hindi ibig sabihin, itinago.” 


“Grabe naman ang cuteness ng baby girl na ‘to, blessed genes talaga.”

Nag-reply si Arci, “Pa-pic daw, Tita Chigs!” 


May dugtong pa siyang “Claiming all my pamangkins my own. Nonetheless, I'm a #titamomma.”


Ayun naman pala, pamangkin lang ng aktres.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page