top of page
Machong Chismisan - YT.jpg
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | October 16, 2026



Daniel Padilla at Kaila Estrada - IG

Photo: Daniel Padilla at Kaila Estrada - IG



Kinilig ang mga fans sa pagpuso ni Daniel Padilla sa mga larawan ni Kaila Estrada na nakasuot lang ng panty at bra. Ikinatuwa nila ang suportang ipinakita ng aktor.

Bahagi ng promo material para sa  ine-endorse na brand ng clothing wear brand ang latest sexy photos ni Kaila.


Kinumpirma naman ito ng fan page ni Daniel sa sinabi sa comment section na, “Liked by bf @supremo_dp ofc (of course)!”


Nagtitili sa kilig ang mga faney ng famous celebrity couple sa socmed (social media):

“Proud boyfriend ‘yan? (kilig emoji).”


“Ang bilis mag-like ng boyfriend.”

“GANDA! Naunahan na naman ako ng boyfriend ni Kaila sa pag-like (laughing emoji). SPEED talaga ‘yan s’ya (joking emoji) #DanielPadilla #KailaEstrada.”


“Puwede nang humimlay, naka-support ang boyfriend talaga. Ang bilis mo, ah, DJ (laughing emoji).”


May mga pumuri rin sa pagiging hot  ni Kaila sa kanyang mga litrato:

“Nakakatuwa si Kaila, ang fresh ng body. Parang ‘di 30, ang ganda-ganda pa.”

“Ang ganda mo talaga, Kaila.”

True!





Anak ni Kris, pinagtawanan pa kahit PWD…

MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA



SUMALI na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa ginawang panlalait at paghamak sa unico hijo nina Kris Aquino at Phillip Salvador na si Joshua Aquino. 


Nais nilang imbestigahan ang podcast na Machong Chismisan na kumutya at pinagtawanan ang kondisyon ni Josh.


Ibinulgar ito ni King of Talk Boy Abunda sa kanyang programa na Fast Talk kahapon.


Nakatanggap daw siya ng text message mula kay NBI Director Melvin Matibag na iuutos niya sa Cybercrime Division at Special Action Unit na imbestigahan at mag-file ng charges laban sa bumubuo ng Machong Chismisan.


Ibinahagi ni Kuya Boy ang natanggap niyang message: “I watched your video about Josh and was deeply moved and saddened. Today, I am directing our CCD (Cybercrime Division) and SAU (Special Action Unit) to investigate and file appropriate charges against those who mocked him, in accordance with the law. 


“As head of a law enforcement bureau, I cannot turn a blind eye to such acts. It is my legal and moral duty to uphold justice for Josh, his family, and all persons with special needs who deserve respect, dignity, and compassion.”


Natuwa ang lahat sa naging aksiyon ng NBI sa ginawa ng Machong Chismisan sa anak ni Kris.

Sey ng mga netizens….

“Yari kayo, Tito Patrioto (Tito P).”


“Buti nga... nakakatawa pa kaya ‘yung mga opl*k. LOL (laugh out loud).”

“And dapat may makasuhan at makulong d’yan. Ma’am Kris Aquino. Please, ipaglaban n’yo po si Joshua. Mga bloggers and media, tulungan natin na magkaroon ng katarungan para Kay Josh at sa ibang mga tao na biktima ng bullying. 


“Kay Sir Gen. Torre, may advocacy po kayo against bullying. Tulungan po natin si Josh, Sir. And s’yempre, ‘di papayag sa ganyan si NBI Director Matibag!!! Lagot kayo ngayon. Tawa now, kulong later. Iyakan na. Hahaha! Buti nga sa inyo, mga mapanlait!”

‘Yun na!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page