ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 3, 2022

Naglabas ng statement si Karen Davila hinggil sa pinag-uusapang interview niya kay Sen. Imee Marcos last Wednesday.
Sa nasabing panayam kasi ay kinantiyawan siya ni Imee ng “Akala ko magma-migrate ka 'pag nanalo ang Marcos” na composed na sinagot naman ni Karen ng “Hoping always for the best for the country.”
Kasunod nito ay umusok na ang social media sa pagpapalitan ng maaanghang na salita ng mga supporters ng magkabilang panig. May pumuri at nang-bash kay Sen. Imee and vice-versa. May mga nagtatanong din kung saan at kailan ba sinabi ni Karen na magma-migrate siya 'pag nanalo si BBM at parang wala namang nakakaalala sa mga netizens.
To set the record straight ay nag-post si Karen ng statement sa Facebook hinggil sa nararamdaman niya sa nangyari. Sinabi niyang hindi siya napikon at nag-apologize naman daw sa kanya si Sen. Imee.
“Let me set the record straight on this one. Sen. Imee Marcos on #ANCHeadstart joked about me still being in the PH after her brother’s victory to which I replied… 'ALWAYS HOPING FOR THE BEST FOR THE COUNTRY' 'Yan po ang sagot ko.
“Napikon po ba ako? Hindi po. Sen. Imee Marcos also sent me an apology by text after the show. All good. Salamat!” post ni Karen.




