ni Beth Gelena @Bulgary | June 5, 2025
Photo: Ivana Alawi - IG
Nag-react si Zeinab Harake sa latest post ni Ivana Alawi sa kanyang TikTok (TT) account.
Positibo naman ang komento ng content creator na kakakasal pa lang kay Ray Parks Jr. last Sunday sa Tagaytay City.
Sa TikTok ay kakaibang photo ni Ivana ang kanyang ibinahagi, ‘Cleopatra’ makeup challenge na agad nag-viral sa social media platforms.
Ang daming nagkomento sa transformation ni Ivana bilang si Cleopatra at isa na si Zeinab.
“YASSSSSSS (Yes) MAMI,” ani Zeinab.
Sagot ni Ivana, “ILY (I love you).”
Ayon naman sa isang netizen, “Ivana is a real Egyptian Queen, ang real na Cleopatra.”
Dagdag pa ng isa, “Fun fact: Cleopatra is the Roman Marc Anthony’s Egyptian mistress.”
Hala, may ganern?! Ikinonek talaga sa pagtawag kay Ivana na “mistress” ni Cong. Albee Benitez?
Reaksiyon naman ng ilang netizens, nagmukhang cheap si Ivana sa pag-portray nitong Cleopatra at may nagsabi pang “punggok” siya.
Mukhang marami pa ring G na G kay Ivana matapos masangkot sa isyu ng mag-asawang Cong. Albee at Nikki Benitez.
Kailan kaya magsasalita ang sexy star-vlogger para ibigay ang kanyang panig?
HALOS kalahating taon na ring loveless ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.
Natanong tuloy siya kung handa na ba siyang umibig matapos ang breakup nila ni Jak Roberto.
Nagbiro ang aktres na tanging ghost (multo) lang daw ang ‘nagpaparamdam’ ngayon sa kanya.
Seven years din ang itinagal ng relasyon nina Barbie at Jak at nag-break sila after New Year nitong 2025.
Sa panahong iyon ay itinuon ng aktres ang kanyang oras sa mga proyekto.
Pero, hindi naman daw niya isinasara ang pinto ng kanyang puso para magmahal muli.
Aniya sa isang panayam, paano na ba ang kanyang love life ngayong ang dami niyang ginagawa?
Aniya, “Hindi naman ako strict about it. Kung may magpaparamdam, wala namang problema. Pero sa ngayon, multo pa lang ‘yung nagpaparamdam kasi sa akin.”
Sino ba naman ang hindi makakaalala sa magandang sinabi ni Barbie nu’ng maghiwalay sila ni Jak?
Sey niya, “Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love… good things also fall apart so that better things can come together.”
MAY makabuluhang post si Kim Chiu para sa kanyang 19th anniversary sa showbiz.
Aniya sa kanyang Instagram (IG) page, “Like a phoenix, I rise—again and again,” ang umpisa niya sa post.
“No matter what life throws my way, I choose to stand tall and keep going,” patuloy niya.
Aniya, “Today, I celebrate 19 years of love, challenges, growth, and endless support. Thank you for standing by me through it all.
“Here’s to many more years of rising, dreaming, and sharing this journey together.”
Pinasalamatan niya ang Kapamilya Network na naging daan ng pagbabago ng buhay nilang pamilya, “Thank you ABS-CBN FAM! #19YearsOfGratitude HAPPY ANNIVERSARY!!!!”
Ang Chinita Princess ay produkto ng reality show na Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition noong 2006. Siya ang grand winner ng naturang reality show.
Following her PBB victory, Kim became one of ABS-CBN’s top stars, starring in hit teleseryes like Sana Maulit Muli (SMM), My Girl (MG), Ina, Kapatid, Anak (IKA), and Love Thy Woman (LTW).
Naging regular din siya bilang isa sa mga hosts ng It’s Showtime (IS).






