top of page
Search

Nalasing bumulaga sa kuwarto na walang damit at magkayakap, ‘yun na!

@Kabit-Kabitz | August 2, 2020



Naganap na nga ang most-awaited event of the year para sa mga mambabatas. Siyempre, ano pa nga ba kundi ang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo. At dahil sa pandemya, wit excuse na ang mga mambabatas na mag-dress to impress at rumampa sa red carpet pero may mga umeksena pa rin.


Mr. Big defender

Bidang-bida sa event si MR. BIG DEFENDER. Kilalang kritiko ng administrasyon ang mambabatas na itey.

At mukhang juminit na ang ulo ni Mr. President dahil sa mga kanegahan na lumalabas sa bibig ng mambabatas. Kaya ‘yun mega-exposed tuloy siya sa event. Bida siya mula simula hanggang wakas!

Mukhang napikon talaga si Manong dahil sa pagiging tagapagtanggol nitong mambabatas sa mga negosyanteng alta. Magkano kaya ang TF niya?


Pero mas mahalaga sigurong tigil-tigilan n’yo muna sir ang pagborlogs habang nasa sesyon nang may pakinabang ka naman, anek?


Pambansang Daddy

Mukhang imbyerna kay MR. BIG DEFENDER si PAMBANSANG DADDY at gumamit lang ng tamang timing para makabanat. Palakpak naman ang tenga ng mga supporters niya dahil sa mga patutsada nito.


Marami rin namang bashers si PAMBANSANG DADDY sa social media pero solid na solid ang mga supporters nito kaya mataas pa rin ang satisfaction rating nitey.

Pak na pak ‘yan! Kaya mukhang takot na ang mga kalaban niya kaya kung anu-ano nalang paninira sinasabi, eh, wa’ epek pa rin.


Siksik-tary Lumba-lumba

Jirita jackson naman ang mga netizens ditey sa isang malapit na tao kay PAMBANSANG DADDY dahil sa ginawa nitong paglamyerda sa dagat kasama ang mga sea creatures.

Kakaiba rin naman ang trip ni SIKSIK-TARY LUMBA-LUMBA na nagpunta sa isang resort upang makapagpa-picture kasama ang mga jolpins. At ginawa ‘yun sa panahon ng pandemic, juskoday! Vaklah ng taon lang?!


Humingi naman siya sorry, pero ‘di bet ng netizens ang kanyang apology. Hay naku, kaya naman naiimbyerna lalo ang mga madlang pipol sa gobyerno dahil sa mga pasaway na kagaya niya. Very bad!


Ms. Uninvited

Madalas naman ang sagutan sa media nina SIKSIK-TARY LUMBA-LUMBA at MS. UNINVITED. Masyado kasing pabibo si MS. UNINVITED na akala ay knows na knows ang pagpapatakbo ng gobyerno.


Kaloka ka ‘teh! Lahat na nga nireklamo mo pati na ang hindi pag-invite sa’yo ng live ay inireklamo mo pa talaga! ‘Di bale, kahit naman andun ka ay waley ka naman ambag sa mga kaganapan.


Andami pang kuda, ‘day! Bumalik ka nalang sa laylayan where you belong.


Boy Daldal

Nakahanap naman kakampi si MS. UNINVITED kay BOY DALDAL. From kalaban to campaign manager na ang peg nitong former mambabatas na mukhang tapos na ang career sa pulitika. Linis-linisan ang peg pero may baho rin namang itinatago.


‘Kaloka! Ang chika ay sikretong jowa raw nitey ang kanyang dating sekretarya. Hmmm… how true kaya is this chika? Marami ang naka-sight na mukhang close na close si BOY DALDAL sa kanyang seksitary na tipong may malisya.


Mukhang dedmakels nalang ang staff niya dahil takot matsugi sa trabaho. Ayyyyy!


Kering Divina

Mukhang suki naman si BOY DALDAL sa show nitong TV host na si KERING DIVINA. Isa rin siyang kilalang kritiko ng pangulo dahil mukhang ampalaya si ‘teh girl sa pagsasara ng network na kanyang pinapasukan.


Beh, buti nga! Pero siyempre, hindi pa rin nito pinalagpas ang okasyon upang mang-okray. Sey niya na wit daw dapat name dropping sa talumpati. Pakialamera lang? Takbo ka nalang din kayang pangulo ‘teh para ma-sey mo rin ang mga type mong sabihin, ano? Echosera!


Mister Popstar

Magkapitbahay naman sina KERING DIVINA at MISTER POPSTAR kasama ang kanyang misis. Kilalang supporter ng administrasyon ang aktor na isang ding sikat na race car driver.


Kahit apektado ang kabuhayan, showcase siya at ang kanyang wifey ay mukhang tahimik lang sa issue ng network na kanilang kinabibilangan. Kunsabagay, rich ang pamilya ng aktor kaya mukhang kebs lang ito sa pagsasara ng network.


At sa sobrang wapakels sa banga ang mag-asawa, nakuha pa nitong magbakasyon sa isang mamahaling resort upang makapag-honeymoon. ‘Yan, ubusan ng yaman habang pandemya ano? Eh, ‘di wow!


Doktora Ko

Malapit naman kay MISTER POPSTAR at sa kanyang misis ang sikat na dermatologist na si DOKTORA KO. Kilala ito bilang doctor of the stars dahil sa kaliwa’t kanang sikat na artista ang mga endorser ng kanyang clinic.


Mukhang perfect ang life ni doc dahil sa kanyang happy family at sa dami ng datung. Pero wit naman naging madali ito para sa kanya at sa kanyang mister na minsan nang kumalat ang mga sex video kasama ang iba’t ibang babae.


Kaya marami ang naloka nang mapag-alaman nilang nagkabalikan ang dalawa at nakuha pang magpakasal. Pero mukhang bagong buhay na raw si mister at isa nang Kristiyano. ‘Yan, puwede naman pala magbago ang mga utaw anek? Bet ko ‘yan!


Polo Pasakal

Speaking of endorsers, isa sa mga sikat na endorser ng klinika ni DOKTORA KO ay si POLO PASAKAL. Lahat ng mga babae ay panay ang tili kapag nasa-sighting ang aktor.

Pero mukhang borta pala ang type niya. Ang pinaka-latest na chika ay nag-escapade raw siya kasama ang isang lalaking kaibigan upang mag-shoot ng pelikula.


Mukhang nag-enjoy sa pag-inom si kyah at ang kanyang friendship at natagpuan nalang ang dalawa sa isang kuwarto na waley t-shirt at magkayakap habang borlog. Mukhang hindi nakapigil ang dalawa sa kailangan painitin ang lumalamig ng gabi. Nakakaloka!


Jonna Maydangal

Muntik nang magkasama sa proyekto sina POLO PASAKAL at si JONNA MAYDANGAL. Nasimulan na ang taping pero mukhang wit type ng network ang show kaya ligwak!

Pero hindi ‘yan ang chika ko about sa babaitang itey. Na-shock ang netizens nang makita ang post ng pudra nitong aktres na tila humihingi ng tulong sa lokal na gobyerno.


Dahil knows naman na sikat ang kanyang junakis. Pero sey ni pudrakels ay ayaw na raw nitong abalahin ang kanyang mga junakis dahil may sari-sarili na itong buhay.


Kontrolado kasi noon ang datung ni JONNA MAYDANGAL kaya nang nagkaron na ito ng sariling pamilya ay waley na itong control. Nakakalungkot naman ang mga ganap pero baka type ni pudrakels na humingi ng tulong sa kanyang kumpareng si MR. BIG DEFENDER na Ninong pala nitong si JONNA MAYDANGAL sa kasal. Ninong knows nga ‘di ba? Char!

 
 

pinapalayas sa village na kanilang tinitirhan ng mga “alta” na kapitbahay

@Kabit-Kabitz | July 27, 2020



1. Dating sikat na action star, hindi man lang nagbigay-suporta sa mga friendship sa industriya, parang waley utang na loob palibhasa malapit sa mga opisyal na nagpasara ng kanilang network

2. Opisyal na magara at good samaritan, nakatikim ng pambu-bully nang nadale ng deadly COVID-19, pinapalayas sa village na kanilang tinitirhan ng mga “alta” na kapitbahay

3. Bida-bidang aktres na halos palaos na, todo-support na sa ipinasarang network, todo-parinig pa sa social media sa mga kasamang artista na ayaw makisali sa kanila

Heto na nga at nagkakagulo na ang mundo ng showbiz at pulitika nang dahil sa isyu ng prangkisa ng isang istasyon. Siyempre sey ng mga artista ay tuloy ang laban pero mukhang wit na talagang pag-asa itey dahil ligwak na ito sa Kongreso. Sige, push n’yo lang ang pagra-rally nang meron tayong mapag-usapang mainit-init pang chika.



Anghelita Laos na

Panay ang noise barrage nitong bida-bidang aktres na tila palaos na. Nangunguna sa pagra-rally para ipagtanggol ang kanyang network si ANGHELITA LAOS NA. At hindi siya nakuntento at talagang nagparinig pa sa kanyang social media sa mga kasamahan sa industriya na tila wit pakialam. Malaki raw ang utang na loob niya sa network dahil ito raw ang tumulong sa pamilya niya noong walang-wala ito. Naghirap ka ba, ‘te? Mukhang hindi ka naman naghirap at kitang-kita naman sa pigura mo ngayon. Tse! Kaya naman, taas-kilay ang mga taga-kabilang istasyon at mega-post ang lola sa social media. Walang utang na loob pala ang hitad na itey! Kaloka!


Mr. Knight in shining Armor

To the rescue naman ang bufra ni ateng na si MR. KNIGHT IN SHINING ARMOR. Patola rin si bufra at todo-tanggol sa kanyang jowa na nakatikim ng galit ng isang scriptwriter sa kanilang network. Kahit pala ang mga superhero ay need din ng tagapagtanggol. Pak! Kilalang playboy ang boylet na ito at ang target ay mga magagandang artista. Marami siyang nabiktima kahit hindi masyadong kagwapuhan dahil alam ng mga utaw na madatung itey. Daanin nalang natin sa pera ano?


Babita Pinatay na

Isa naman sa mga nabiktima ni kyah ay si BABITA PINATAY NA. Akala natin ay aabot na sa altar ang relasyon ng dalawa dahil sa bali-balitang engaged na raw ang mga ito. Pero mukhang malupit talaga ang tadhana sa kanila at hindi rin nagkatuluyan. Kung masaya sa buhay si kyah, mukhang sunud-sunod naman ang kamalasan ni ganda. Napabalita recently na dedo na raw itey dahil sa nag-viral sa social media na isang post na namesung niya ang nakalagay. Siyempre, fake news ito at kita na very active siya sa social media. Pinatay na agad-agad? ‘Kaloka!


Binoy Patilya

Tiyuhin ni BABITA PINATAY NA si BINOY PATILYA na kilalang taga-suporta ng kasalukuyang administrasyon. Hindi na keri besh! Kahit mali na ay todo-suporta pa rin ito. Juskoday! Kahit sa usapan ng prangkisa na maraming maaapektuhang mga friendship nito ay wala silang nakuhang suporta rito. Kalungkot naman ang ganap at tila walang utang na loob ang lolo mo sa network na tumulong sa kanyang makabalik showbiz. Oh well, ganyan talaga ang life.


Mr. Sumbungero

Mukhang mas matimbang ang friendship ni BINOY PATILYA kay MR. SUMBUNGERO kumpara sa mga matatagal na nitong kasamahan sa industriya. Sabagay, you go where the money goes, ‘ika nga. Mukhang gamitan ng posisyon talaga ang ginagawa ni MR. SUMBUNGERO at pati ba naman estudyante ay hindi pinalampas. Inireklamo kasi niya ang mga nang-aaway daw dito sa social media. Balat-sibuyas at masyadong pikon naman pala. Dahil sa ginawa nito ay tila takot na ngayon mag-shout out ang madlang pipol ng kanilang mga opinyon tungkol sa gobyerno. Kashokot!


Hari ng Sablay

Palagi namang trending topic sa social media ang kasamahan ni MR. SUMBUNGERO na si HARI NG SABLAY dahil sa mga kung anu-anong komento sa mga hot na hot na issue. Palagi itong laman ito ng socmed dahil sa mga taklesa at insesitibong pahayag. Tulad nalang ng hirit nitong sarap daw ng buhay nila dahil hindi na need pumasok sa opisina at puro video conferencing nalang ang ganap. Are you drugs, shurrrr? Sa dami nang naghihirap at walang trabaho, nakuha mo pang magsey nang ganyan. Nakakaloka ka!


Gumara ang Buhay

Isa naman sa mga kasamahan ni HARI NG SABLAY sa mataas na kapulungan ay si GUMARA ANG BUHAY na sa kasamaang-palad ay nadale ng COVID-19. Kawawa naman nakatikim ng pambu-bully dahil nagalit ang kanilang mga kapitbahay at pinapalayas ito sa village na kanilang tinitirhan. Jusko ang mga alta nga naman! Pero naging good Samaritan naman siya at nagpasyang mag-donate ng kanyang plasma upang makatulong sa mga utaw na tinamaan ng sakit. Sabi nga nila ay pay it forward pero ‘wag naman ang sakit kyah. ‘Di ko keri ‘yan. Char!


Stariray Germano

Kilalang endorser naman ng pamilya ni GUMARA ANG BUHAY si STARIRAY GERMANO. Mula sa tatay hanggang sa anak ay kitang-kita ang singer-actress na itey na tila nanahimik sa issue ng prangkisa. Inaasahan nilang magsasalita ito tungkol sa hot na hot na issue dahil sa laki ng jutang na loob nitey sa network. Pero mukhang naglaho na parang bubbles si ‘te girl nung umpisa. Kamakailan ay bigla itong nag-post sa social media ng kanyang opinyon sa mga kaganapan na tila hindi pa rin impressed ang mga utaw dahil sa napaka-safe na pahayag nito. Sabagay, sa dami ng mema ngayon sa social media ay wit naman talaga natutuwa sa sey ng kahit sino. Tse!


Jenina Markada

Mas ikinatuwa pa ng mga supporters ng network ang pahayag ni JENNA MARKADA kumpara kay STARIRAY GERMANO. Kabilang si JENNA MARKADA sa kalaban na istasyon pero mukhang fearless itey sa pagpapahayag ng kanyang opinyon sa mga bagay-bagay. Mukhang gustong buhayin ni ‘te girl ang tila naghihingalo nitong career. Jusko sawsaw pa more! Waley na! Kahit finish na ang laban, ayaw pa rin nitong mga ‘to nagpaawat. Kasuka! Siguro intindihin mo nalang ang iyong career at ang iyong network na kahit wala nang kalaban ay wit pa din type ng madlang pipol. Char!


Pekeng Superhero

Kung maraming humanga sa tapang ni JENINA MARKADA ay kabaliktaran naman ang ganap kay PEKENG SUPERHERO. Halos isuka ng mga utaw ang batang aktres dahil pinili nitong hindi sumali sa rally. Sey ng bagets ay takot daw itong magkaroon ng sakit. Truth! Jusko ano’ng gagawin nga naman ‘pag nagkasakit ang babaita, hindi pa nga sikat, mawawalan na agad ng career. Chos! Andaming time kasi ng mga utaw magkumpara sa kung sinu-sino tulad nalang ni PEKENG SUPERHERO sa kanilang idolong si ANGHELITA LAOS NA. Kalerkey ang madlang pipol! ‘Wag po nating gawing totoong buhay ang pelikula ano? Charot!

 
 

Usap-usapang beki, nahuling nag-check-in sa hotel na may kasamang boylet, dedma lang sa misis dahil sa datung kaya sila parin

@Kabit-Kabitz | July 12, 2020



Mga beks! Andito na naman aketch para i-update kayo sa mga chika at kung anong mga ganap sa kabit-kabitz na buhay ng mga bida at pabida this week. Tara hula na!

Boy Iyakin


Nagbabaga talaga ang usapin sa franchise renewal ng isang network kaya bida-bida at OA talaga ang mga mambabatas tulad ni BOY IYAKIN.


Marami ang Jirita Jackson sa kanya dahil sa mga pinagsasabi nito tungkol sa network. Maraming supporters ang network sa social media ang nagpahayag ng pagkadismaya at galit sa kanya. Dahil hindi kineri ng mambabatas ang lupit ng netizens, nagngangawa siya at nagmakaawang tigilan na ang pambu-bully sa kanya. Matapos magbitaw ng maaanghang na salita tungkol sa network ay dehins pala keri na mabatikos siya. Balat-sibuyas naman pala. Pwe!

Kikay Chosera


Dahil apektado ang kabuhayan, hindi pinalampas ni KIKAY CHOSERA ang pagkakataong magbigay ng opinyon tungkol kay BOY IYAKIN. Nahuli sa camera na not paying attention si kyah habang tinutugtog ang National Anthem.


It’s payback time ang drama ni ateng na talaga namang echosera at ang hilig magpaka-relevant sa mga ganap ngayon. Gimikera para ‘di masabing laosyan deep na. Galingan nalang umarte para ‘di mawalan ng trabaho!

Dancing Princess


Minsan naman nagkaisyu sina KIKAY CHOSERA at DANCING PRINCESS dahil sa isang boylet. Pero happy na sila sa kani-kanilang love life ngayon.


Si KIKAY ay happy sa chinitong bufra at si PRINCESS naman ay nakipagbalikan sa kanyang ex-jowa na richicola. Love is sweeter the second time around ‘ika nga nila.


Say ng aktres na magaling din sumayaw, na hindi raw ito nakikipagbalikan sa mga ex-jowa pero iba raw itong kanyang richicolang ex-jowa na ngayon ay malapit na silang ikasal. Maraming chika kaya raw nakipagbalikan ang dalaga. Isa na rito ay dahil madatung ang boylet. Well, hindi naman masama na magsigurado saka mukha naman talaga silang inlababo. Abangan nalang natin ang mga susunod nakabanata. Ganern!

Janina Salvacion


Nasa dugo naman ng pamilya ni DANCING PRINCESS ang pag-aartista. Sa laki ng angkan nila ay ang miyembro ng kanilang pamilya ang nasa showbiz tulad ng kanyang pinsang si JANINA SALVACION.


Nag-trending ang batang aktres nang ireklamo siya ng kanyang dating empleyado dahil sa hindi pagbabayad sa huli nitong suweldo. Humingi ng tulong ang dating empleyado sa isang TV show na sikat sa pagdinig ng mga hinaing ng mga tao.


Kung tutuusin ay maliit lang ang dapat bayaran ng aktres kaya nagtataka ang marami kung bakit hindi na lang ito binayaran. Pero chika nito, gawa-gawa lang daw ng dating empleyado ang mga sumbong nito. Jusko ‘teh sure ako, hindi mo ikakahirap ‘yan. Over!

Pipong Salvacion


Isa sa mga sikat na artista sa angkan ni JANINA SALVACION ay walang iba kundi ang kanyang uncle na si PIPONG SALVACION. Katulad ng maraming artista ay isa sa mga diehard supporter ng Pangulo si uncle.


Maraming buwisit sa kanya dahil sa mga pinagsasabi nito sa mga kritiko ng kanyang boss. Biruin n’yo sabihin ba naman na dapat mategi na raw lahat ng kritiko nito. Very bad ‘yan kuya. Kaya naman, maraming kasamahan nito sa showbiz ang hindi pinalampas ang mga pahayag nito at isa na rito ang kanyang dating jowa na ubod ng taklesa.


Hindi in good terms ang dalawa hanggang ngayon at wala siyang paramdam sa kanilang junakis. Kyah, ayusin mo muna buhay mo, bago ka magsabi ng kung anek-anek! ‘Kalokah!

Mr. Don’t stop


Tropa everchi naman sina PIPONG SALVACION at MR. DON’T STOP. Tambay madalas sa opisina ni MR. DON’T STOP si PIPONG kasama ang isang katropang artista na laosyan deep na rin.


Imbyerna ang mga kasamahan nito sa kanya dahil arogante raw siya at wala namang kayang ipagmalaki kundi maging dakilang julalay. Minsang nagpahayag ang isa sa mga kasamahan nito kung puwede magtanong matapos siya magbigay ng talumpati. Imbes na paunlakan ang katanungan ng kasamahan ay tinalakan lamang niya nito at sinabing hindi raw ito estudyante ng mas nakakatandang mambabatas. Jusko! Lumalabas ang pagkabobito. Sayang lang ang boto ninyo sa kanya!

Porky Piggy


Ang tanders na mambabatas na nais magtanong kay MR. DON’T STOP ay walang iba kundi si PORKY PIGGY. Siya ang beteranong mambabatas na kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyon.


Olats ang partido nito last election. Pero knows n’yo ba na hindi ganu’n katuwid ang daan na sinusundan niya tulad ng imaheng ipinapakita nito? Nasangkot ang namesung ng senador sa isang anomalya sa kanyang probinsiya. May ipinatayong gusali doon na ang chika ng mga utaw ay kumita ng milyones ang mambabatas. Hindi lang pala sa pagkain matakaw ito, kundi maging sa pangungurakot sa kaban ng bayan. Grabe!

Kuyang Protégé


Naging kontrobersiyal ang namesung ni KUYANG PROTÉGÉ last year dahil sa pagho-host noon ng bansa sa isang malaking sports event sa Southeast Asia. Pinagbintangan kasi ni PORKY PIGGY na kamag-anak nitong si KUYANG PROTÉGÉ ang gumawa ng kontrobersiyal na kaldero na ginamit noong nasabing event.


Jusko nakakahiya rin naman ang mambabatas at waley pala itong katotohanan. Nag-sorry naman ang mambabatas na tinanggap ni kyah. Bilib na bilib sa talino niya si Tatay D kaya naman binigyan ng mataas ng puwesto sa gobyerno. Napakaganda ng resume nito kung tutuusin at talagang mapapabilib ka pero tulad ng maraming nasa gobyerno ay nasilaw din diumano ito sa salapi. Ang chika ay limpak-limpak daw ang kinita nito sa nasabing sports event. Kunsabagay, sinetch ba naman ang makakaisip na magpagawa ng P50-milyones na kaldero? Jusko!

Ginoong Lapad Noo


Bago naman nabigyan ng puwesto sa gobyerno si KUYANG PROTÉGÉ ay nagtrabaho pala ito kay GINOONG LAPAD NOO. Ito rin ang dahilan kaya naluklok siya sa puwesto. Maraming usap-usapan noon na isang klosetang beki raw si GINOONG LAPAD NOO. Kaya hindi malayong baka typesung nito ang dating tauhan. Charot lang!


May asawa na siya pero wit pa silang junakis. Ang nasagap kong chika ay ipinares lang daw ng pudra ito at ang kanyang misis upang hindi mapag-isipang beki. May chika na minsan na raw itong nakita na nag-check-in sa isang hotel na may kasamang boylet.

How true kaya ito? Mukhang dedma naman si misis sa mga bali-balitang ito.

Kunsabagay, kung lumalangoy ka nga naman sa datung ay shut up ka na nga lang. Devaaah?

Hulyo Agimat


Kasamahan naman noon ni GINOONG LAPAD NOO ang ama ni HULYO AGIMAT sa mataas na kapulungan. Kilala rin ang angkan nila sa showbiz at pulitika. Sa katunayan ay isang halal na opisyal ito ngayon sa kanilang probinsiya.


Marami rin ang bumatikos sa pamilya nila pero in fairness, matibay pa rin at hindi sila natatanggal sa puwesto. Pero alam n’yo ba ang nasagap kong chika? Magkaalyado kasi ang pamilya nina HULYO at IYAKIN sa kanilang probinsiya. Nautakan ng pamilya ni IYAKIN ang pamilya ni HULYO nang bigla itong tumakbo bilang gobernador two elections ago.


Ang chika noon ay last term na ng nakababatang kapatid ni IYAKIN at dahil knows ng kanilang pamilya na olats ang labas nito ‘pag tumakbong kalaban ni HULYO ay biglang binawi ng kapatid nito ang kandidatura at ipinalit si Kuya. Waley na raw nagawa si HULYO kundi sumunod nalang sa kanilang napagkasunduan. Echosero!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page