top of page
Search
  • BULGAR

Opisyal na may sabit pero waley junakis...

Usap-usapang beki, nahuling nag-check-in sa hotel na may kasamang boylet, dedma lang sa misis dahil sa datung kaya sila parin

@Kabit-Kabitz | July 12, 2020



Mga beks! Andito na naman aketch para i-update kayo sa mga chika at kung anong mga ganap sa kabit-kabitz na buhay ng mga bida at pabida this week. Tara hula na!

Boy Iyakin


Nagbabaga talaga ang usapin sa franchise renewal ng isang network kaya bida-bida at OA talaga ang mga mambabatas tulad ni BOY IYAKIN.


Marami ang Jirita Jackson sa kanya dahil sa mga pinagsasabi nito tungkol sa network. Maraming supporters ang network sa social media ang nagpahayag ng pagkadismaya at galit sa kanya. Dahil hindi kineri ng mambabatas ang lupit ng netizens, nagngangawa siya at nagmakaawang tigilan na ang pambu-bully sa kanya. Matapos magbitaw ng maaanghang na salita tungkol sa network ay dehins pala keri na mabatikos siya. Balat-sibuyas naman pala. Pwe!

Kikay Chosera


Dahil apektado ang kabuhayan, hindi pinalampas ni KIKAY CHOSERA ang pagkakataong magbigay ng opinyon tungkol kay BOY IYAKIN. Nahuli sa camera na not paying attention si kyah habang tinutugtog ang National Anthem.


It’s payback time ang drama ni ateng na talaga namang echosera at ang hilig magpaka-relevant sa mga ganap ngayon. Gimikera para ‘di masabing laosyan deep na. Galingan nalang umarte para ‘di mawalan ng trabaho!

Dancing Princess


Minsan naman nagkaisyu sina KIKAY CHOSERA at DANCING PRINCESS dahil sa isang boylet. Pero happy na sila sa kani-kanilang love life ngayon.


Si KIKAY ay happy sa chinitong bufra at si PRINCESS naman ay nakipagbalikan sa kanyang ex-jowa na richicola. Love is sweeter the second time around ‘ika nga nila.


Say ng aktres na magaling din sumayaw, na hindi raw ito nakikipagbalikan sa mga ex-jowa pero iba raw itong kanyang richicolang ex-jowa na ngayon ay malapit na silang ikasal. Maraming chika kaya raw nakipagbalikan ang dalaga. Isa na rito ay dahil madatung ang boylet. Well, hindi naman masama na magsigurado saka mukha naman talaga silang inlababo. Abangan nalang natin ang mga susunod nakabanata. Ganern!

Janina Salvacion


Nasa dugo naman ng pamilya ni DANCING PRINCESS ang pag-aartista. Sa laki ng angkan nila ay ang miyembro ng kanilang pamilya ang nasa showbiz tulad ng kanyang pinsang si JANINA SALVACION.


Nag-trending ang batang aktres nang ireklamo siya ng kanyang dating empleyado dahil sa hindi pagbabayad sa huli nitong suweldo. Humingi ng tulong ang dating empleyado sa isang TV show na sikat sa pagdinig ng mga hinaing ng mga tao.


Kung tutuusin ay maliit lang ang dapat bayaran ng aktres kaya nagtataka ang marami kung bakit hindi na lang ito binayaran. Pero chika nito, gawa-gawa lang daw ng dating empleyado ang mga sumbong nito. Jusko ‘teh sure ako, hindi mo ikakahirap ‘yan. Over!

Pipong Salvacion


Isa sa mga sikat na artista sa angkan ni JANINA SALVACION ay walang iba kundi ang kanyang uncle na si PIPONG SALVACION. Katulad ng maraming artista ay isa sa mga diehard supporter ng Pangulo si uncle.


Maraming buwisit sa kanya dahil sa mga pinagsasabi nito sa mga kritiko ng kanyang boss. Biruin n’yo sabihin ba naman na dapat mategi na raw lahat ng kritiko nito. Very bad ‘yan kuya. Kaya naman, maraming kasamahan nito sa showbiz ang hindi pinalampas ang mga pahayag nito at isa na rito ang kanyang dating jowa na ubod ng taklesa.


Hindi in good terms ang dalawa hanggang ngayon at wala siyang paramdam sa kanilang junakis. Kyah, ayusin mo muna buhay mo, bago ka magsabi ng kung anek-anek! ‘Kalokah!

Mr. Don’t stop


Tropa everchi naman sina PIPONG SALVACION at MR. DON’T STOP. Tambay madalas sa opisina ni MR. DON’T STOP si PIPONG kasama ang isang katropang artista na laosyan deep na rin.


Imbyerna ang mga kasamahan nito sa kanya dahil arogante raw siya at wala namang kayang ipagmalaki kundi maging dakilang julalay. Minsang nagpahayag ang isa sa mga kasamahan nito kung puwede magtanong matapos siya magbigay ng talumpati. Imbes na paunlakan ang katanungan ng kasamahan ay tinalakan lamang niya nito at sinabing hindi raw ito estudyante ng mas nakakatandang mambabatas. Jusko! Lumalabas ang pagkabobito. Sayang lang ang boto ninyo sa kanya!

Porky Piggy


Ang tanders na mambabatas na nais magtanong kay MR. DON’T STOP ay walang iba kundi si PORKY PIGGY. Siya ang beteranong mambabatas na kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyon.


Olats ang partido nito last election. Pero knows n’yo ba na hindi ganu’n katuwid ang daan na sinusundan niya tulad ng imaheng ipinapakita nito? Nasangkot ang namesung ng senador sa isang anomalya sa kanyang probinsiya. May ipinatayong gusali doon na ang chika ng mga utaw ay kumita ng milyones ang mambabatas. Hindi lang pala sa pagkain matakaw ito, kundi maging sa pangungurakot sa kaban ng bayan. Grabe!

Kuyang Protégé


Naging kontrobersiyal ang namesung ni KUYANG PROTÉGÉ last year dahil sa pagho-host noon ng bansa sa isang malaking sports event sa Southeast Asia. Pinagbintangan kasi ni PORKY PIGGY na kamag-anak nitong si KUYANG PROTÉGÉ ang gumawa ng kontrobersiyal na kaldero na ginamit noong nasabing event.


Jusko nakakahiya rin naman ang mambabatas at waley pala itong katotohanan. Nag-sorry naman ang mambabatas na tinanggap ni kyah. Bilib na bilib sa talino niya si Tatay D kaya naman binigyan ng mataas ng puwesto sa gobyerno. Napakaganda ng resume nito kung tutuusin at talagang mapapabilib ka pero tulad ng maraming nasa gobyerno ay nasilaw din diumano ito sa salapi. Ang chika ay limpak-limpak daw ang kinita nito sa nasabing sports event. Kunsabagay, sinetch ba naman ang makakaisip na magpagawa ng P50-milyones na kaldero? Jusko!

Ginoong Lapad Noo


Bago naman nabigyan ng puwesto sa gobyerno si KUYANG PROTÉGÉ ay nagtrabaho pala ito kay GINOONG LAPAD NOO. Ito rin ang dahilan kaya naluklok siya sa puwesto. Maraming usap-usapan noon na isang klosetang beki raw si GINOONG LAPAD NOO. Kaya hindi malayong baka typesung nito ang dating tauhan. Charot lang!


May asawa na siya pero wit pa silang junakis. Ang nasagap kong chika ay ipinares lang daw ng pudra ito at ang kanyang misis upang hindi mapag-isipang beki. May chika na minsan na raw itong nakita na nag-check-in sa isang hotel na may kasamang boylet.

How true kaya ito? Mukhang dedma naman si misis sa mga bali-balitang ito.

Kunsabagay, kung lumalangoy ka nga naman sa datung ay shut up ka na nga lang. Devaaah?

Hulyo Agimat


Kasamahan naman noon ni GINOONG LAPAD NOO ang ama ni HULYO AGIMAT sa mataas na kapulungan. Kilala rin ang angkan nila sa showbiz at pulitika. Sa katunayan ay isang halal na opisyal ito ngayon sa kanilang probinsiya.


Marami rin ang bumatikos sa pamilya nila pero in fairness, matibay pa rin at hindi sila natatanggal sa puwesto. Pero alam n’yo ba ang nasagap kong chika? Magkaalyado kasi ang pamilya nina HULYO at IYAKIN sa kanilang probinsiya. Nautakan ng pamilya ni IYAKIN ang pamilya ni HULYO nang bigla itong tumakbo bilang gobernador two elections ago.


Ang chika noon ay last term na ng nakababatang kapatid ni IYAKIN at dahil knows ng kanilang pamilya na olats ang labas nito ‘pag tumakbong kalaban ni HULYO ay biglang binawi ng kapatid nito ang kandidatura at ipinalit si Kuya. Waley na raw nagawa si HULYO kundi sumunod nalang sa kanilang napagkasunduan. Echosero!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page