top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni VA - @Sports | August 08, 2021




Hahataw na ngayong hapon ang semifinal round ng propesyunal na ngayong Premier Volleyball League Open Conference sa Bacarra, Ilocos Norte. Nakatakdang magtuos sa unang laro ang Creamline at PetroGazz ganap na alas-2:00 ng hapon habang magsasagupa naman sa tampok na laro para sa isa pang semis pairings ang Choco Mucho at Cherry Tiggo ganap na ìka-5:00 ng hapon sa PCV Socio Civic Cultural Center. Kahit tinalo ng Cool Smashers sa loob ng 4 sets noong elimination,nakahanda ang Angels at gigil na makabawi upang magwagi sa kanilang best-of-three series. Hangad na maging unang kampeon ng una rìng professional volleyball league ng bansa ,inaasahang magiging dikdikan ang laban ng apat na mga koponang mag-aagawan sa dalawang finals berths. “We’re always ready and it’s a good thing that coach Tai (Bundit) is back as well as Pangs (Panaga),” pahayag ni Alyssa Valdez, na tinutuloy ang kanilang Thai mentor at na injured na middle blocker. “Our mindset going to the semis is we have to play our game since this is more on mental as well as physical. Hopefully, mabigyan naming ng magandang laro ang kalaban,” dagdag nito.

“Our challenge is all about execution although there’s also the physical factor,” ayon naman kay Petro Gazz coach Arnold Laniog.

 
 

ni VA - @Sports | August 07, 2021




Inangkin ng Petro Gazz ang 4th at last slot matapos nilang walisin ang kanilang laban kontra Sta. Lucia Lady Realtors noong Huwebes ng gabi. Humataw ng matitinding hits at blocks ang Petro Gazz upang makamit ang ika-apat na semifinals berth sa bisa ng straight sets-25-13, 25-21,25-22 panalo sa Sta. Lucia sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.


Tila hihirit pa ng 4th set ang Lady Realtors nang lamangan nila,17-15 ang Angels sa third set. Pero tumapos ng malakas ang Angels upang pigilin ang kanilang tangka.


Umarangkada ang Angels ng 10-5 run na natapos sa pamamagitan ng isang error ng Sta. Lucia para ganap na maangkin ang panalo,ang kanilang ika-6 sa loob ng walong laro.


Nanguna sa nasabing panalo ng Petro Gazz si Myla Pablo na umiskor ng 17 puntos kasunod si Riri Meneses na may 15 puntos tampok ang apat na kill blocks. Nalaglag naman ang Lady Realtors sa fifth spot taglay ang markang 5-4,panalo-talo. Sinamahan ng Petro Gazz ang mga naunang semifinalists Choco Mucho Flying Titans (6-1), Chery Tiggo Crossovers’ (6-2) at Creamline (7-1). Dahil dito,lahat ng natitirang mga laro sa eliminations ay magsisilbing tune-up matches na lamang para sa mga semifinalists at para sa final standings sa mga nabigong umusad sa semis.

 
 

ni VA / MC - @Sports | August 03, 2021



Nabigo ang pambato ng Pilipinas na si Kristina Knott na makausad sa semifinal ng Women's 200-meter event sa Athletics sa Tokyo 2020+1 Olympics. Rumehistro si Knott ng oras na 23.80 seconds sa Heat 7 kung saan ito ang nagtapos na huli sa limang runners na sumabak sa Heat.


Bigo si Knott na magtapos bilang Top 3 sa kanyang Heat kaya hindi nakausad sa semis o talunin ang tiyempong 23.16 seconds. Malayo ang nagawang oras ni Knott sa kanyang personal best — at maging sa kanyang national record na 23.01 na nai-set nito sa 2019 SEAG. Malayo rin ang record nito sa Olympics kaysa sa kanyang best na 23.17.


Tinapos ni Knott ang kanyang unang kampanya para sa Olympics na ranked 37th sa event na nilahukan ng 42 runners. Isa sa runner -- Jamile Samuel – ang hindi nakatakbo kaya 41 participants lang ang nakalahok sa event.


Nanguna sa Heat 7 si Jenna Prandini ng Estados Unidos na naorasan ng 22.56 segundo, kasunod si Gina Bass ng Gambia na nagtala ng 22.74 segundo at pumangatlo ang Australian sprinter na si Riley Day na nagposte ng 22.94 segundo.


Samantala, ang mahalagang role ng Philippine Sports Institute (PSI) ang sentro ng talakayan sa pagsiklab ng Session 24 na pangalawa sa huling session ng online National Sports Summit 2021 sa Miyerkules, August 4.

Resource speaker ng isyu si PSC-PSI Grassroots Program Head Abigail Marie Rivera para sa two-hour program na dadaluhan ng mahigit 500 participants mula sa iba’t ibang local government units (LGUs), National Sports Associations (NSAs), sports educators, stakeholders, at iba pang private entities nationwide.

Binuhay at opisyal na inilunsad noong 2017 ni PSC Chairman William Ramirez ang PSI sa ilalim ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte. “This is a great opportunity for us to present the role of the PSI to our participants since most of them are our partners in grassroots development,” ani PSI National Training Director at NSS Project Director Marc Edward Velasco.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page