top of page
Search

ni VA @Sports | August 12, 2024



Sports News
Photo: POC

Naging makasaysayan at makahulugan ang ika-isandaang taong pagkampanya ng Pilipinas sa nakaraang 2024 Paris Olympics dahil dito naitala ng delegasyon ng ating bansa ang itinuturing na pinakamatagumpay na pagtatapos ng partisipasyon ng mga Filipinong atleta sa Summer Games.


Sa closing ceremony, magarbo ang naging palabas partikular na ang pagpapasa ng hosting rights ng France sa USA na magsisilbing host ng 2028 Olympic Games sa Los Angeles, California.


Naroon sa programa si Tom Cruise kung saan isang Hollywood-inspired program ang masisilayan ng buong mundo. Mala-mission impossible na stunt ang ipinakita ni Hollywood superstar Tom Cruise sa 2024 Paris Olympics closing ceremony kung saan siya lumundag mula sa mataas na bahagi ng France National stadium, kinuha ang Olympic flag, isinakay sa motorsiklo patungo sa eroplano pahatid sa Los Angeles, U.S.A. (bilang next host ng Olimpiyada sa 2028) at nag-parachute pababa ng Hollywood para ihatid ng nagbibisikleta sa L.A. Coliseum at tinanggap ni legendary runner Michael Johnson ang bandila.


Sa pangunguna ng gymnast na si Carlos Edriel Yulo at boxer na si Aira Villegas ay nagsilbi silang flag bearer sa 22-kataong Centennial Team kahapon ng madaling araw kasama si Nesthy Petecio. Ang 24-anyos na si Yulo ang unang Olympic double gold medalist at unang multiple medal winner sa isang edisyon ng Olympic Games. Dahil dito ay naitala rin ng bansa ang pinakamataas na pagtatapos sa Olympics bukod pa sa pagiging best performing Southeast Asian nation sa dalawang sunod na edisyon.


Bagamat bigong umabot ng podium, nagtala rin ng kahanga-hangang performances ang iba pang miyembro ng Team Philippines gaya nina pole vaulter EJ Obiena at golfer Bianca Pagdanganan na muntik ng nagwagi ng medalya makaraang tumapos na pang-apat sa kani-kanilang events. Naging unang babaeng kinatawan naman ng Pilipinas sa fencing si Samantha Catantan gayundin si Joanie Delgaco sa rowing.

 
 

ni VA @Sports | August 12, 2024



Sports News
Filipino-Canadian Kayla Sanchez at Filipino-American Jarod Hatch / POC Media / Jarod Hatch

Matapos kumampanya sa 2024 Paris Olympics, nakatakdang sumabak sa idaraos na national trials ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sina Filipino-Canadian Kayla Sanchez at Filipino-American Jarod Hatch.


Ang nasabing  trials ay nakatakdang ganapin bago matapos ang kasalukuyang buwan sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.


Kasama ng dalawang Olympian swimmers na lalahok sa trials sina Cambodia 2023 Southeast Games (SEAG) champions Teia Salvino (100m backstroke) at Xiandi Chua (200m backstroke); Vietnam 2021 SEAG gold medalist Chloe Isleta (200m backstroke); 2024 Asian Age Group Championships gold medalist Jamesray Ajido (100m butterfly) at mga bronze medalists na sina Jasmine Micaela Mojdeh at Heather White gayundin si 2023 World Aquatics Championships campaigner Jerard Dominic Jacinto.


Ang unang tatlo sa anim na araw na tryout ay gaganapin sa Agosto 15-18 habang ang huling bahagi ay idaraos sa Agosto 20-23. “We welcome them, arms wide open and thankful that Fil-foreign athletes are now showing a big desire to join our national pool," pahayag ni PAI secretary general Eric Buhain sa news release na kanilang inilabas.


Pipiliin sa tryouts para sa short (25m) at long (50m) courses ang magiging miyembro ng national team para sa World Aquatics World Cup series at 46th Southeast Asian Age Group C'ships; gayundin sa World Aquatics C'ships sa Singapore sa 2025.


Gaganapin ang World Cup sa Shanghai, China sa Okt. 18 - 20 (Series 1), Incheon, South Korea sa Okt. 24 - 26 (Series 2); at Singapore sa Okt. 31 hanggang Nob. 2 (Series 3).

Nakatakdang idaos ang championships sa Dis. 10 - 15 sa Budapest, Hungary.   

 
 

ni VA @Sports | July 23, 2024



Sports News
SI Olympic rower Joanie Delgaco habang nasa bangka sa pagmamasid ni POC president Abraham Tolentino sa Paris, France. Una siyang sasabak sa laban sa Sabado. (pocpix)

Uumpisahan ng dalawa sa mga inaasahang makapagbibigay ng medalya sa bansa ang kampanya ng mga Filipinong atleta sa 2024 Paris Olympic Games.


Mauunang sumalang mula sa hanay ng dalawampu't dalawang Pinoy athletes sina gymnast Carlos Yulo at boxer Eumir Felix Marcial ang kampanya ng bansa sa Sabado-Hulyo 27, isang araw pagkatapos ng opening ceremony.


Kasama nilang sasabak din sa Sabado ang rower na si Joannie Delgaco.Umaasa si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na maging maganda ang panimula ng mga balik-Olympians  na sina Yulo at  Tokyo Games bronze medalist Marcial para delegasyon ng bansa na magtatangkang higitan ang naging pagtatapos ng Pilipinas sa nakaraang edisyon ng quadrennial games kung saan nakamit bansa ang ating unang Olympic gold medal sa pamamagitan ni Hidilyn Diaz-Naranjo sa weightlifting na dinagdagan pa ng dalawang silvers at isang bronze ng mga boxers na sina Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Marcial.


We’re looking forward to Caloy [Yulo], Eumir and Joanie giving the country that strong start in Paris,” wika ni Tolentino. “They’re all ready and inspired and in high spirits,” dagdag nito.Nakatakdang sumalang ang 23-anyos na si Yulo sa qualification round ng men’s individual all-around ganap na alas-9:30 ng gabi.Sisimulan naman ni  Marcial ang laban sa  light-heavyweight division kasabay at parehas din ng oras ng pagsabak ni Yulo.


Mauuna naman sa kanila at sasabak sa heat ganap na alas-3:00 ng hapon si Delgaco na magtatangkang makaabot sa finals ng  women’s single Sculls.Nauna nang nagpahayag ng kanyang kumpiyansa si Tolentino na magiging matagumpay ang Team Philippines sa Paris.“This team, I believe, is the most prepared in Philippine Olympic history,” ani Tolentino kasabay ng pasasalamat sa Philippine Sports Commission sa pagsuportang ibibigay ng mga ito sa mga atletang sasabak sa Paris Games partikular sa pagsasagawa ng kauna-unahang  pre-Olympic training camp na idinaos sa Metz, France. 


“Our athletes have trained and prepared through a tried-and-tested template that guarantees an Olympic medal,” ayon pa kay Tolentino.


Ito na ang ika-100 taon ng partisipasyon ng Pilipinas sa Olympics.  


 
 
RECOMMENDED
bottom of page