top of page
Search

ni VA / Clyde Mariano @Sports | May 5, 2023


ree

Itinaas na ang bandila ng Pilipinas kasabay ng pagtanggap sa Team Philippines para sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia na pormal nang magsisimula ngayong Biyernes sa Phnom Penh.


Tampok sa Team Philippines ng Team Welcome Ceremony na ipinakilala si Deputy Chef de Mission Paolo Tancontian matapos ang pagdalo sa flag-raising ceremony sa Morodok Techo Stadium.


Miyerkules ng gabi dumating sa Cambodia si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. “Handa na ang Team Philippines sa aksiyon at naniniwala ako na bawat Pinoy athlete at bawat Filipino ay inaabangan ang larong ito. Para sa POC ang Pinoy athletes ay palaban na team, " ani Tolentino.


Kasama ni Tolentino sina Philippine Sports Commission chairman Richard “Dickie” Bachmann, POC secretary general Atty. Ed Gastanes at deputy secretary-general Karen Caballero.


Tiwala rin si Tolentino sa kakayanan ng mga atleta sa kabila hindi kasama si Tokyo Olympics gold medalist at reigning World Weightlifting champion Hidilyn Diaz. “Malaking bagay si Diaz sa delegation dahil sa kanyang maraming nakamit na karangalan at unang atleta nanalo ginto sa Olympic Games. “The absence of Diaz will not affect not discourage the athletes in their quest for personal glory. Instead, they are determine to win medals. They are all fighting athletes. They are grizzled veterans and battle-tested,” aniya pa.


Naroon na rin si Team Philippines Chef de Mission Chito Loyzaga kasabay ang ilang atleta ng tatlong national sports associations.


Tiniyak ng POC officials na maayos ang Athletes Village at hotels kung saan pipirmi ang mga atletang sasabak sa laban, coaches at officials.

 
 

ni VA @Sports | April 26, 2023


ree

Maghihilahan para sa nalalabing bentahe ng twice-to-beat ang kapwa defending champions National University Lady Bulldogs at ng 16-time titlists UST Golden Tigresses sa inaantabayanang rematch sa 2nd round na magpapasiya sa magiging puwesto ng bawat isa sa Final 4, habang agawan para sa panalo ang susugalan ng cellar-dweller na UP Lady Maroons at walang panalong UE Lady Warriors sa 85th UAAP women’s volleyball tournament, ngayong araw sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Nais siguraduhin ni league-leading scorer Ejiya “Eya” Laure na mapapanatili nilang matatag ang kanilang kahandaan at mentalidad sa kakaharaping laro laban Lady Bulldogs. Alam ng bawat isang manlalaro ng Golden Tigresses ang kahalagahan ng kakaharaping laban na parehong nanumbalik ang kumpiyansya kasunod ng dikit-dikit na panalo na magtatakda kung anong koponan ang kukuha ng solong 2nd place para sa inaasam na twice-to-beat bentahe sa nakatakdang bakbakan sa alas-12:00 ng hapon.


“Syempre yung confidence namin na meron kami ngayon na kung sino man ang tumapak sa court magpeperform, gagalaw, magtatrabaho,” pahayag ni Laure, na nakuha ang kanilang ika-apat na sunod na panalo at panigurong pagbabalik sa Final Four ng sibakin ang FEU Lady Tamaraws nitong Linggo sa bisa ng 26-24, 22-25, 25-16, 25-23. “Yun siguro yung pinakaimportante na once na pinasok ka, once na nandoon ka na, kailangan prepared ka and sa bawat game sa NU lalo na, NU yan defending champions pa rin yan and nandiyan yung mentality nila na hindi sila magpapatalo," dagdag ng Season 81 Rookie of the Year at nangungunang scorer sa kabuuang 223 puntos.


Aminado si UST coach Kungfu Reyes na hindi magiging madali sa koponan na agad talunin ang Lady Bulldogs na kanilang sinilat noong Marso 4. Subalit nais nilang makuha ang top 2 spot kasama ang top 1 DLSU Lady Spikers para sa twice-to-beat bentahe.

 
 

ni VA @Sports | April 15, 2023



ree

Nagtungo sa bansang Japan ang Philippine women’s volleyball team para sa dalawang linggong training camp bago sumabak sa Southeast East Asian Games sa Cambodia sa susunod na buwan.

Pinangungunahan ni team captain Alyssa Valdez, hangad ng koponan na mawakasan na ang napakatagal ng medal drought sa women's volleyball ng biennial meet.

Kasama ni Valdez na nagtungo ng Japan sina Philippine National Volleyball Federation chairman for the national team commission Tony Boy Liao, national team head coach Jorge Souza de Brito, assistant coaches Sherwin Meneses, Cherry Rose Macatangay, trainer Raffy Mosuela, at strength and conditioning coach Grace Gomez.

Naroon din ang mga kakampi ni Valdez sa Creamline na sina Jia De Guzman, Jema Galanza, Tots Carlos, Ced Domingo, Michele Gumabao, at Kyla Atienza, ang Cignal duo nina Maria Angelica Cayuna at Glaudine Troncoso, Bang Pineda ng Akari, Dell Palomata ng PLDT, Cherry Rose Nunag at Katrina Mae Tolentino ng Choco Mucho at si Mylene Paat ng Cherry Tiggo.


Pagkatapos ng dalawang linggong training,didiretso na ang koponan sa Cambodia.


Base sa draw, ang mga Pinay ay napabilang sa Group B kasama ng reigning silver medalist Vietnam, host country Cambodia at Singapore.

Nagkasama-sama naman sa Group A ang defending champions Thailand, last edition’s bronze medalist Indonesia, Myanmar at Malaysia.


Magsisimula ang indoor volleyball competition sa Cambodia SEA Games sa Mayo 3 sa Morodok Tecno Elephant Hall, dalawang araw bago ang opening rites sa Mayo 5.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page