top of page
Search

ni VA @Sports | May 27, 2023


ree

Tinanggalan ng korona ng Far Eastern University ang De La Salle University nang gapiin nito ang huli, 2-1 sa UAAP Season 85 women's football tournament finals sa Rizal Memorial Track ang Football Stadium sa Manila.


Mahigit 90 minuto ang ginugol ng magkabilang panig bago tuluyang namayani ang Lady Tamaraws sa extra time. Dahil sa panalo, nakumpleto ng FEU ang dominasyon sa football ngayong season. Nauna ng tinalo ng Tamaraws ang Ateneo de Manila, 4-1 sa finals upang tanghaling men's champion habang iginupo naman ng Baby Tamaraws ang De La Salle- Zobel 2-1 sa finals ng juniors division.


"Our players never gave up," pahayag ni FEU coach Let Dimzon. "Even when we played against La Salle during the first round and they had a big lead, we still kept fighting, and the same in our last game during the second round." "That's the highlight of my team—until it's over, they never give up. Considering that most of La Salle's players come from the youth national team and my players don't have that much experience, but the way they work on the field is commendable," dagdag pa nito.


Ito na ang ika-12 titulo ng Lady Tamaraws sa women's division. Nakumpleto rin ng Lady Tams ang ikatlong triple championship ng FEU sa UAAP football matapos itala ang naunang dalawa noong Seasons 76 at 77. Si Rebosura ang itinanghal na Rookie of the Year at Best Midfielder habang si Angelica Teves ng De La Salle- ang napiling Best Striker makaraang magtala ng walong goals. Hinirang naman ang University of the Philippines duo nina Frances Caroline Acelo at Jennifer Baroin bilang Best Goalkeeper at Best Defender, ayon sa pagkakasunod.




 
 

ni VA / MC @Sports | May 22, 2023


ree

Binigyan ang Philippine national basketball team ng mahaba-habang pahinga kasunod ng kanilang matagumpay na kampanya sa nagdaang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Unang-una, pahinga muna kami, that's very important,” ani Reyes sa recent interview ng Pasada sa Teleradyo.

Pero matapos ang 2 weeks break, magbabalik sa kanilang pagsasanay at preparasyon ang nationals para sa FIBA World Cup 2023. “We're planning the resumption of practice on June 1,” saad ni Reyes. “We're putting together the final details of the training camp sa Europe and some tune up matches.”

Nais ni Reyes na sumailalim ang tropa sa matinding traning sa ibang bansa dahil makakalaban nila ang Italy, Angola at Dominican Republic sa group stage ng world competition.

Magsisilbing co-host ang Pilipinas ng Indonesia at Japan simula sa Agosto 25. “We will make announcements pag na-finalize na ang schedule, but for now the resumption of practice on June 1.”

Naninindigan pa rin naman si Reyes na buo na ang kanyang pasya na huli na niyang coaching ang Cambodia SEA Games 2023. “The Southeast Asian Games is really for younger players, younger coaches developmental players. I have made up my mind that this will be my last Southeast Asian Games,” aniya.


Magarbo na, ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sakaling mapagsama ang mga naturalized players na sina Justin Brownlee at Jordan Clarkson oras na makasali ang men’s national team sa FIBA Basketball World Cup 2023 roster. “The reason why they’re both there (in the pool) is because of their skills, and the other intangibles that they bring to the table,” saad ni Reyes. “We love the fact that we have that luxury of choosing from both of them, and we’ll see what happens.”

 
 

ni VA @Sports | May 21, 2023


ree

Inanunsiyo ni Christian Standhardinger na lilisanin na niya ang paglalaro sa Gilas Pilipinas matapos ang gold medal na nakuha sa nagdaang Southeast Asian Games sa Cambodia.


Isa isang mahaba at emosyonal na post sa kanyang social media accounts, sumunod na ang Barangay Ginebra big man sa mga yapak ng kapwa Gilas stalwart na si Jayson Castro na maipasa ang laro sa mas batang Filipino players. "With a heavy heart, I must announce my retirement from the Philippine national team. I am immensely proud to witness that Gilas is in capable hands," ayon sa Fil-German.


Hindi na raw aniya kaya ng katawan ni Standhardinger ang mga sunud-sunod na demands sa scrimmages ng national duty kasabay pa ng paglalaro sa mother club ng PBA. Doon niya naramdaman sa Cambodia ang hirap sa paglalaro pagdating ng SEA Games finals.


Samantala, gaya ng nakagawian, hindi lang mga pangunahing student-athletes ang nakatakdang bigyan ng parangal kundi pati mga mahuhusay na collegiate coaches sa nagbabalik na Collegiate Press Corps Awards Night.

Nakatakdang gawaran ng pagkilala bilang mga Coaches of the Year sa nakalipas na tatlong seasons ng kani-kaniyang liga sina coach Bonnie Tan ng Colegio de San Juan de Letran, coach Tab Baldwin ng Ateneo de Manila University at coach Goldwin Monteverde ng University of the Philippines.

Ginabayan ni Tan ang Knights sa tatlong sunod na kampeonato sa NCAA habang Coach of the year naman si Baldwin sa nakaraang 2019-2020 at 2022-2023 UAAP Season.


Si Monteverde naman ang nagwagi noong 2021-2022 Season ng UAAP. Nagbabalik ang Collegiate Press Corps Awards matapos mahinto ng halos apat na taon mula noong 2019.


Idaraos ang awards night sa The Hummington Rooftop Bar sa Quezon City sa Mayo 29.


Hindi nagpahuli ang gymnastics sa gold medal nang makuha ang ika-21 ginto para sa medal count ni Juancho Miguel Eserio sa men's vault sa iskor na 14.425 na sinegundahan ng Thailand 14.150 at 3rd ang Vietnam sa 14.050. Maaga ring naka-gold medal si John Ivan Cruz sa men's floor exercise sa 13.850 points sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.


Wala sa final round si defending champion Carlos Yulo dahil sa may alituntunin na ang gymnast ay pinapayagan lang ang maximum na 2 events sa finals at ang isang bansa ay isa lang ang atleta kada event. Kahapon ay silver medal si Yulo sa rings final sa iskor na 14.000.


Naunang naka-silver medal ang team nina Tokyo Olympian Carlos Yulo, Juancho Miguel Besana, Ace de Leon, Jhon Santillan at Jan Timbang sa Men’s Artistic Gymnastics All-Around Team event sa total score ng 305.25.


Sa larangan ng Kun Khmer ay nagdagdag ng bronze medal si Zyra Bon-as sa women's 51 kg competition nang sumuko siya kay Soeng Moeuy ng Cambodia sa semis, 27-30.


Tig-isang tanso naman sina Felex Cantores sa men's 67 kg ng Kun Khmer at si Aime Ramos sa Vovinam ng women's 50 kg event.


Nagkasya rin sa mga tanso sina Janah Lavador sa Women's Aspect Broadsword Single Form ng Vovinam at si Phillip Delarmino sa Kun Bokator men's combat 60 kg category. Nakatiyak naman ng bronze medal si WIM Venice Narciso sa highly competitive na Chess Ouk Chaktrang Women's Singles 60-Minute event.

Makakaharap niya ang kapwa Pinay WIM Shania Mae Mendoza sa all-Filipina semifinals kung saan si Shania ay abanse sa gold medal match.


Naka-bronze naman ang Sibol CrossFire, ito ay nang talunin ng Pinoy ang Laos kahapon na unang nakatiyak sa podium laban sa Vietnam sa semifinals. Ang Vietnam, na unang tinalo ang Sibol para sa gold medal noong 2022 SEA Games sa Hanoi ay muling nakatikim ng husay ng Filipino national team.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page