top of page
Search
  • BULGAR
  • Mar 26, 2023

ni V. Reyes | March 26, 2023



ree

Tinatayang dalawa hanggang limang piso ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.


Batay ito sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA).


Nabatid na nasa P60 kada kilo ang pinakamahal na presyo ng bigas, depende sa klase.


Sa hanay ng imported commercial rice, nasa P50-P58 per kilo ang special; P43-P52 ang premium; P40-P46 ang well-milled; at P37-P44 bawat kilo ang regular milled rice.


Sa local commercial rice naman nasa P48-P60 kada kilo ang special; P42-P49 ang premium; P38-P46 ang well-milled at P34-P40 ang regular milled.


Ikinatwiran naman ng Samahang Industriya ng Agrikultura na ang pagtaas ng presyo ng bigas ay dulot ng mahal na pataba at langis.


“Hindi lang sa ating bansa tumaas ang bigas sa Thailand, Pakistan, Vietnam at India kung makita mo ang world market tumaas sila ng $100 per metric tons,” ayon kay SINAG President Rosendo So.


Kaugnay nito, muling iginiit ng grupo na maaaring hindi pa kayanin ang P20 kada kilo na bigas na ipinapangako ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.


“In-explain namin kay Pangulo na hindi ganoong kabilis, it will take time kung ma-normalize ang presyo ng fuel,” dagdag ni So.


 
 

ni V. Reyes | March 20, 2023



ree

Nais ng biyuda ng napatay na si Negros Oriental Governor Roel Degamo na masipa bilang miyembro ng House of Representatives si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr.

Kasabay nito ay suportado rin ni Pamplona Mayor Janice Degamo ang panawagan ng ilang mambabatas na bumalik na ng Pilipinas si Teves upang harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

“Meron pa po kaming ibang sinusulong sa Kongreso. I have signed already a petition to expel him from Congress,” ayon kay Mayor Degamo sa panayam sa radyo.

“Sana suportahan din ng Kongreso ‘yung amin talagang nire-request na,” dagdag nito.

Dalawa sa mga naarestong suspek sa pagpaslang kay Governor Degamo ang naghayag na isang “Cong Teves” ang nag-utos sa kanila na itumba ang opisyal noong Marso 4.

Nauna nang itinanggi ni Teves na may kinalaman ito at ang kanyang kapatid na si Henry sa krimen.

Samantala, naniniwala si Mayor Degamo na walang kinalaman sa pagpatay ang mga police security escort ng gobernador na absent nang araw na mangyari ang pag-atake sa opisyal.

“I know kasi they were handpicked by my husband. ‘Yung isa relative… Close din talaga ‘yung mga guwardiya ni Roel sa kanya,” pahayag ng alkalde.


 
 

ni V. Reyes | March 13, 2023



ree

Tinatayang nasa P24 milyon ang halaga ng naging pinsala ng sunog na tumupok sa bahagi ng Baguio City Public Market, Sabado ng gabi.


Ayon sa Baguio City Public Information Office, bandang alas-11 ng gabi nang sumiklab ang sunog habang alas-4:38 ng Linggo ng madaling-araw nang tuluyang maapula.


Nabatid naman mula kay Baguio City Fire Marshal Supt. Marisol Odiver na nagsimula ang apoy sa Block 4 ng nasabing palengke na ikinatupok ng lahat ng paninda sa bloke na ito at nadamay din ang malaking bahagi ng Block 3 at Caldero section.


Patuloy pang sinisiyasat ang dahilan ng sunog habang wala namang napaulat na nasugatan o nasawi sa insidente.


Sinabi ni City Market Superintendent Ceasar Emilio na mananatiling bukas ang palengke maliban sa mga bahagi na nasunog.


Tiniyak din nito na mamadaliin ang relokasyon ng mga apektadong nagtitinda upang makabalik agad sa operasyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page