top of page
Search

ni V. Reyes | May 14, 2023



ree

Nabisto ang isang bar sa Pasay City na pinaniniwalaang nagbebenta ng lobo na naglalaman ng mapanganib na kemikal na nagdudulot ng panandaliang pagka-"high" ng makasisinghot nito.


Pinasok ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bar makaraang matukoy sa surveillance ang paggamit ng lobo na naglalaman ng nitrous oxide.


Ayon sa NBI, ang nitrous oxide ay nagdudulot ng panandaliang saya kung lubhang delikado para sa mga sisinghot nito.


Ito na umano ngayon ang bagong modus ng mga sindikato ng ilegal na droga na pinagagamit bilang party drug.


Natagpuan sa stock room ng bar ang ilang tangke ng nitrous oxide at mga lobo na sinamsam na ng mga awtoridad.


Plano na ng NBI na irekomenda sa Dangerous Drugs Board (DDB) na ihanay bilang dangerous drug ang nitrous oxide sa ilalim ng Republic Act 9165 para mapigilan ang pagkalat ng paggamit nito.


"Ang nitrous oxide ay dapat lang sa mga medical facility lang, hindi sa ganitong club," saad ni Atty. Jerome Bomediano ng NBI.


"Kapag nasobrahan ang gamit mo nito, naaapektuhan ang utak mo rito. May tendency pa na makamatay ito," dagdag nito.


Ipaghaharap ng NBI ng kaso ang may-ari ng establisimyento, manager ng club gayundin ang mga nagbenta.


 
 

ni V. Reyes | May 8, 2023



ree

Umaabot na ngayon sa sampu ang mga nasawi sa pamamaril na ikinasawi noong Marso 4, ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.


Batay sa Facebook post ng kampo ni Degamo, pinakahuling pumanaw makalipas ang mahigit dalawang buwan na naganap ang krimen si Fredilino Cafe, Jr. o alyas Putok.


Si Cafe ay kawani ng Negros Oriental Provinical Engineering Office na regular na kasama ni Governor Degamo tuwing may konsultasyon sa mga residente ng lalawigan sa kanilang compound.


Mula nang mangyari ang pag-atake ay labas-pasok sa ospital si Cafe ngunit bumigay na rin bunsod ng mga tinamo nitong sugat sa katawan.


Maliban kina Degamo at Cafe, kabilang sa mga nasawing biktima ay sina Jessie Bot-ay, magsasaka; Provincial Engineer's Office driver Jerome Maquiling; Fatima, Santa Catalina barangay chairwoman Florenda Quinikito; Provincial Health Office driver Jomar Canseco; Yupisan, Pamplona barangay councilor Jose Marie Ramirez; Obogon, Tanjay City chief barangay tanod Joseph Retada; Dumaguete-based photographer Michael Fabugais at security guard na si Crispin Vallega.


 
 

ni V. Reyes | April 30, 2023



ree

Masamang biro para sa Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang ginawang online content ng Tukomi Brothers sa kanilang vlog noong Abril 6 sa Las Piñas.


Ipinagharap na ng kasong Alarm and Scandal sa Las Piñas Prosecutor’s Office ang Tukomi Brothers dahil sa sinasabing delikadong biro ng mga vlogger.


“Para hindi na po maulit ang ginagawa nila d'yan kasi maraming gumagaya, pangit din sa mata ng mga bata ang ganuon. Napakadelikado talaga,” pahayag ni Police Staff Sergeant Ronnie Conmigo, imbestigador ng PNP-IMEG.


Si Conmigo ay nagkataong nasa lugar nang mangyari ang sinasabing prank ng Tukomi Brothers.


Batay sa kuha na video, makikitang lumabas ng itim na kotse ang tatlong lalaki na may suot na bonnet at tangkang dudukutin ang isang lalaki. Dahil hindi batid na prank lang ang insidente ay ginawa ni Conmigo ang kanyang tungkulin na pigilan ang pinaniniwalaang krimen.


“Biro mo kung iba iyon, sakaling may trigger-happy na pulis o kahit hindi pulis, nabaril sila.

Maraming madadamay kasi ang daming tao sa lugar na iyon, palengke po. Noong nakita ko na tumataas ang kamay at walang dalang baril, sa tagal natin sa serbisyo, iisipin ko pa rin na baka madisgrasya ko sila,” dagdag pa ni Conmigo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page