top of page
Search

ni V. Reyes | June 23, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.

Inirerekomenda ni Albay Rep. Joey Salceda sa Inter-Agency Task Force ang hindi pagpapatupad ng internet-based o online learning sa mga rural area o sa mga probinsiya sa bansa.

Sa halip, nais ng kongresista na maipagamit na lang sa eskuwelahan ang radyo at naimprentang modules na pag-aaralan ng mga estudyante at kung may maayos nang pasilidad para sa new normal ay mapayagan ang pagbubukas ng mga eskuwelahan.

Pero nilinaw ni Salceda na sa mga probinsiya na may mga estudyante na kasama ng ilang nakatatanda o kabilang sa vulnerable sector, sasapat na muna ang distance learning o ipagbabawal ang physical classes.

Para naman sa mga estudyante na nasa mga lungsod o urban areas, sinabi ni Salceda na magiging opsyonal lang ang online at iprayoridad ang pagagamit ng radyo, telebisyon at printed modules.

Kung kakailanganin aniya ang internet-based learning, dapat ay libre ang load para sa mobile data o gadget ng mga estudyante.

Sa rekomendasyon pa ni Salceda sa IATF, hindi dapat piliting pumasok sa physical classes ang mga estudyante na maaaring may ibang sakit o ang tinatawag na co-morbidities.

Hinihikayat naman ang mga daycare center na magbukas na lalo sa mga lugar na ang mga magulang ay kailangang pumasok sa trabaho.



 
 

ni V. Reyes | June 19, 2020




Sinusubukan na lamang na manlimos o makakuha ng makakain sa pamamagitan ng pamumulot ng basura ang ilang grupo ng skilled workers sa Riyadh, Saudi Arabia.


Sa video na kuha at ibinahagi nina Reymond Zaragosa at Donald delas Alas, makikita na nagpupulot ng mga basura ang ilang manggagawa sa Riyadh dahil halos apat na buwan na silang hindi sumasahod bunsod ng global health crisis na dulot ng COVID-19.

Ayon sa mga OFWs, kinakalkal na lang nila ang mga basurahan sa pagbabakasakaling may mapupulot na mga gulay at prutas. Pinupulot na rin nila ang ilang gamit na pupuwede pang mapakinabangan.

Sampung OFWs na magkakasama ang naghiwalay sa dalawang grupo upang makakalap ng makakain.

Bagama’t nabigyan sila ng food packs ng Philippine Overseas Labor Office, hindi umano ito sapat.

Inirereklamo rin ng grupo ang kanilang kumpanya dahil bukod sa walang pasahod ay hindi pa umano sila binibigyan ng benepisyo.

“Sana po makarating sa kinauukulan diyan sa gobyerno sa Pinas tulungan kami rito makauwi kasi hirap na hirap na kami rito. Tatlong buwan mahigit kami rito walang trabaho at walang sahod," ani Zaragosa.

Noong Pebrero pa umano naghain ng kahilingan sa POLO para sa kanilang repatriation ang mga naturang OFWs ngunit, wala pang tugon ang ahensiya sa kanilang petisyon.

Samantala, ang isa pang grupo ng OFWs ay namumulot din ng mga gulay at prutas sa likod ng isang palengke sa Riyadh upang may makain sa araw-araw.

Kuwento ng aluminum technician na si John Carlos Valdez, mula Abril ay nawalan na sila ng trabaho bagama’t nakatira pa rin sila sa villa na sinagot ng kanilang mga employer ngunit wala silang natatanggap na sahod.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page