top of page
Search

ni V. Reyes | August 19, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



Iminumungkahi ng isang doktor sa mga Pilipino na ikonsidera na gumawa ng diary para isulat ang mga nakakasalamuha at pinupuntahan ng mga ito bilang tulong sa pagsisikap ng gobyerno na mapalakas ang contact tracing sa panahon ng pandemya na dulot ng COVID-19.


Ayon kay Dr. Aileen Espina ng Healthcare Professionals Alliance, habang nasa gitna pa ng pag-aayos ng proseso ng contact tracing ang pamahalaan ay maaaring magkusa ang publiko na gumawa ng sariling rekord ng mga napuntahan o nakasalamuhang tao.


Kung sakali aniya na may maramdaman na sintomas ng COVID-19 ay pupuwedeng balikan ang diary.


“Ang ating nakasalamuha 2 days before maramdaman ang sintomas na iyon, tawagan po natin,” ayon kay Espina.


Nauna nang sinasabi ng mga doktor na ang isang tao na maaaring nakapitan na ng virus ay may dalawa o tatlong araw bago maramdaman ang sintomas ng COVID-19.


Maaari rin aniya na abisuhan ang mga tao na nakasalamuha na kung may nararamdamang sintomas ay sumailalim na rin sa self-quarantine habang naghihintay ng resulta ng COVID-19 test.


Gayunman, aminado si Espina na mahirap mabago ang pag-uugali at nakagawian ng mga tao ngunit mahalaga ito ngayong may pandemya.


“Kadalasan, ang pasyente, sasabihin sa atin, bigyan mo na lang kami ng gamot kaysa mag-lifestyle change. We have to change our way of life in order to live and co-exist with the virus,” diin ni Espina.

 
 

ni V. Reyes | July 2, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



Ipinapanukala sa Kamara na maamiyendahan ang ilang probisyon ng Family Code of the Philippines upang payagan ang virtual wedding ceremonies ngayong may COVID-19 pandemic.


Sa House Bill 7042 ni Kabayan Partylist Rep. Ron Salo, nais nitong maisama ang virtual presence sa legal na kahulugan ng terminong presence at personal appearance na itinatadhana ng Family Code.


Sa ngayon kasi ay kailangang personal na humarap ang magiging mag-asawa sa isang solemnizing officer na maaaring pari o religious leader para ideklara ang kanilang malaya at taos-pusong kagustuhan na magsama.


Pero dahil may pandemya, sinabi ni Salo na maraming magkasintahan ngayon ang ipinagpapaliban o hindi na itinutuloy ang kasal dahil sa pagbabawal ng mass gatherings at sa pagsunod sa physical distancing.


Solusyon aniya ang virtual wedding o ang pagkakasal gamit lang ang video conferencing technology na ginagawa na rin naman sa ibang mga bansa.


Sa panukala nito, magsasama sa isang lugar ang ikakasal pero ang kanilang presensiya sa solemnizing officer ay pupuwedeng remote o virtual. At kahit virtual, dapat ay mapayagan pa rin na maiparehistro sa local civil registry at ituring na legal ang kanilang kasal.

 
 

ni V. Reyes | June 26, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



May posibilidad umanong mabuntis ang halos dalawang milyong Filipina na edad 15 hanggang 49 ngayong taon dahil sa epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM), batay ito sa pagtataya ng University of the Philippines Population Institute (UPPI) at United Nations Population Fund (UNFPA) na nagsagawa ng pag-aaral patungkol sa negatibong epekto ng pandemya sa bansa.

Ibig umanong sabihin, maaaring madagdagan pa ng 1.9 milyon ang isisilang taong 2021, na pinakamaraming naipanganak sa Pilipinas mula noong 2000.

Ayon kay POPCOM executive director at Undersecretary Juan Antonio Perez III, isa sa tatlong babae na hindi nagkaroon ng family planning ang mabubuntis.


Hindi umano kasi nakakuha ng suplay sa family planning dahil sa umiiral na community quarantine.

Lumabas din sa pag-aaral na sampung porsiyento ng mga inaasahang manganganak ay mga babaeng edad 20 pababa.

Dahil umano kasi sa lockdown, maraming adolescents o edad 15 hanggang 19 o 178,000 teenagers ang hindi nagkaroon ng access sa family planning supplies.

Samantala, inaasahan din na nabawasan ng 2.2 porsiyento ang mga gumagamit ng kahit na anong uri ng modernong contraceptive o mahigit sa 400,000 babae ang hindi na makasusunod sa family planning program.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page