top of page
Search

ni V. Reyes | September 15, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



Inihain sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay mandato sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) at Pag-IBIG Fund na mapautang ang mga miyembro nito para makabayad ng kanilang upa sa bahay.


Sa House Bill 7665 o Rent Relief Act of 2020 ni House Ways and Means Committee chairman Rep. Joey Sarte Salceda, iaalok ang rent refinancing loans sa mga miyembro sa mas katanggap-tanggap na rate.


Sa ilalim aniya ng rent refinancing, ang government financial institution (GFI) o ang Landbank at Development Bank of the Philippines ang magbabayad ng renta sa panahon na napagkasunduan at bibigyan ng mas mahabang panahon ang tenant para makabayad naman sa bangko o sa GFI.


Ipatutupad din ang tatlong buwang moratorium sa eviction o pagpapalayas sa mga tenant na hindi makapagbabayad ng upa simula sa effectivity o pagpapairal ng panukalang batas.


Inaatasan ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na lumikha ng rental assistance centers para tulungan ang mga tenant at lessor na makipagnegosasyon at maiwasan ang pagpapalayas sa nangungupahan.


Tinukoy ni Salceda na sa ngayon ay mayroong halos tatlong milyong households o pamilya ang nangungupahan ng bahay at sa kanilang pagtaya ay may tatlong porsyento nito o nasa mahigit 90 libo ang nanganganib na mapalayas dahil sa hindi makapagbayad sa gitna ng krisis.

 
 

ni V. Reyes | September 15, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



Kasabay ng pagdami ng mga plantito at plantita sa gitna ng pandemya, nagiging talamak na rin ang pagnanakaw ng halaman sa ilang mga lugar sa bansa.


Nagbabala na ang Baguio City Environment Parks and Management Office (CEPMO) laban sa mga nagnanakaw, namimitas o pumuputol ng mga halaman lalo na ang mga pag-aari ng gobyerno.


Partikular na ipinagbabawal at itinuturing na krimen ang pagkuha ng mga halaman sa mga parke, watershed, forest reservations at iba pang pampublikong lugar.


Kasunod ito ng nag-viral na video ng apat na babaeng kumukuha ng halaman sa tapat ng isang public elementary school sa lungsod.


Ayon kay Assistant CEPMO officer Rhenan Diwas, ang mahuhuling “plantnappers” ay makakasuhan ng paglabag sa Environment Code o City Ordinance 18, Series of 2016 na may multang P5,000 o kulong na hindi bababa sa limang araw.


Kung ang ninakaw ay kabilang sa endangered o threatened species tulad ng Alocasia, mahaharap ang sinumang mahuhuli sa paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act na may parusang pagkakakulong ng anim hanggang 12 taon at multang P100,000 hanggang P1,000,000.


Sa Lopez, Quezon naman, isa ring babae ang nakunan sa CCTV na dumadampot ng mga halaman sa isang bakuran.


Ayon sa may-ari ng CCTV, nagkunwari ang babae na magpapa-load pero ang mga halaman ang target.


Hindi na ipinagtataka ng mga awtoridad ang pagdami ng mga nagnanakaw ng halaman dahil ang mga dating tila ligaw lang sa tabing-kalsada ay naibebenta ngayon sa mas malaking halaga.

 
 

ni V. Reyes | September 15, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.



Umaabot na sa kabuuang 232 na mga kadete at 11 personnel ng Philippine National Police (PNPA) ang nagpositibo sa COVID-19.


Batay sa paunang impormasyon mula kay Police Lieutenant Colonel Byron Allatog, tagapagsalita ng PNPA, nasa ilalim na ng mahigpit na monitoring sa limang isolation facilities nito ang mga nagpositibo sa virus infection.


Tatanggap ng 11,000 Vitamin C capsules ang mga naturang kadete sa loob ng 14 araw.

Maliban dito, mayroon na ring nag-donate ng 10,000 face masks at 1,000 face shield sa PNPA pati na ang mga laboratory gown, 15 thermal scanner, dalawang oxygen tanks at mga gamot.


Tinitiyak naman ni PNPA director Police Major General Gilberto Cruz na magiging maagap ang kanilang pagresponde at pagprotekta sa kanilang mga kadete laban sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page