top of page
Search

ni V. Reyes | February 6, 2023




May aasahan ang publiko na malakihang bawas-presyo sa gasoline at diesel ngayong linggo.


Ayon sa source mula sa oil industry, posibleng magpatupad ng rollback na P2.60 hanggang P3.10 sa kada litro ng diesel habang nasa P1.90 hanggang P2.40 kada litro sa gasolina.


Nauna na ring tinataya ng kumpanyang Unioil ang pagbaba ng gasolina at diesel sa Pebrero 7. 


“Diesel should go down by P2.60 to P2.80 per liter. Gasoline should go down by P1.90 to P2.00 per liter. Load up accordingly,” ayon sa kumpanya.


Batay sa datos ng monitoring ng Department of Energy mula noong Enero 31 hanggang Pebrero 2, naglalaro sa P63.30 hanggang P72.05 kada litro ang gasolina sa Quezon City habang ang diesel ay nasa P64.03 hanggang P72.55 kada litro sa Makati City. 


Ngayong taon, umabot na sa P7.20 kada litro ang itinaas ng gasolina habang P3.05 sa diesel at P4.45 sa kerosene.


 
 

ni V. Reyes | February 5, 2023



Nais ng grupong Samahang Industriya ng Agri-kultura (SINAG) na maitalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) ang kapatid nito na si Senador Imee Marcos.


Ayon kay Rosendo So, presidente ng SINAG, nakita ng kanilang samahan ang pagsisikap ni Imee na matulungan ang sektor ng agrikultura.


“Sa tingin natin si Senator Imee ang puwedeng umupo as Secretary of Agriculture.


Nakita ng aming samahan ang hardwork at pagtulong niya sa agricultural sector,” pahayag nito.


Natawa lang si Senador Marcos sa suhestiyon ngunit kanyang iginiit na dapat magpatuloy ang imbestigasyon laban sa mga agricultural smuggler.


“2016 pa ‘yung batas laban sa agricultural smuggling pero wala pang nakakasuhan na tuluy-tuloy na kulong. Sana matapos na ito,” diin ng Senadora.


 
 

ni V. Reyes | December 24, 2021






Nasita ng Commission on Audit (COA) ang 17 ahensiya ng pamahalaan dahil sa mga hindi pa rin natatapos na mga proyektong pang-imprastruktura na nagkakahalagang P1.44 trilyon.


Batay sa COA annual financial report, tinukoy ng mga state auditor na maraming proyekto ang hindi sumunod sa orihinal na plano, hindi natapos o natapos man ay naantala o hindi nakasunod sa itinakdang completion schedule.


Nangangahulugan din umano ito ng pagsasayang ng pondo na ginamit sa mga

proyekto na mapakikinabangan sana ng publiko.


Tinukoy ng COA ang ilan sa mga dahilan ng bigo o naantalang proyekto ay ang pag-abandona ng contractor sa proyekto, kapabayaan sa pagmo-monitor ng implementasyon ng proyekto, palpak na pagpaplano at kakulangan ng koordinasyon sa local government at iba pang

ahensiya.


Ayon pa sa COA, sa P1.44 trilyon na pondong hindi umano nagamit nang wasto, nasa P1.3 trilyon ay sa 15 foreign-assisted projects ng Department of Transportation-Office of the Secretary.


Puna ng COA, marami sa mga proyekto ang kalimitang may 'extension’ bago matapos dahil sa iba’t ibang mga isyu. Maliban sa DOTr-OSEC, may mga proyekto rin ang

12 state universities and colleges na nagkakahalaga ng P1.1 bilyon ang hindi nakum-

pleto at hindi nakasunod sa orihinal na plano.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page