top of page
Search

ni Rikki Mathay - @Tips Pa More | July 28, 2022


Kakatapos lang ng unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos (P-BMM) na siyang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng ika-19 na Kongreso. Sa okasyong ito, opisyal ng ipinahayag ang pagtatalaga kay Senate President si Miguel Zubiri habang Speaker of the House of Representatives na si Martin Romualdez.


Ikinagalak nating maging emcee ng masayang pagdiriwang sa Interim Batasang Pambansa (IBP) Road Batasan, kung saan nasa 20,000 katao mula sa iba’t ibang lungsod ang hindi nagpatinag sa mataas na tirik ng araw upang ipakita kay P-BBM ang kanilang suporta.


Hindi alintana ang pabagu-bagong panahon, buong siglang nakipagsayawan at kantahan sa hit songs na bandang Repakol, Inner Voices, Plethora at Arriba, suot ang kanilang pulang BBM T-shirts, caps at face masks.


Ayon kay Congressman Mike Defensor, “Ginawa natin ang concert na ito para mabigyan ng pagkakataon ang taumbayan na mapakinggan ang mga plano ni Pangulong Marcos para sa tunay na pagbangon muli ng bansa, lalo na at kakatapos palang ng pandemya. Lahat ay welcome sa event natin para kay Pangulong Marcos dahil ito ang isang paraan upang magkaroon ng pagkakaisa sa bansa.”


Dagdag ni Edwin Rodriguez, na isa sa organizers ng event, “Nandito kami para ipakita ang aming suporta kay Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang unang SONA. Gusto niyang makinig kami sa kanyang mga programa at narito kami, nakikinig sa kanyang panawagan.”


Ilan pa sa mga grupong sumali sa event ay ang Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino, Kabuhayang Bayanihan Serbisyong Panlipunan at ang Marcos Loyalists Alliance Movement.


Hindi nagpahuli sa kasiyahan si Lola Milagros na mula pa sa Ilocos Norte. Aniya, “Nagpapasalamat ako at nanalo si P-BBM kasi may pag-asa kaming mahihirap na makaahon (sa kahirapan).”


Ayon naman kay Yonelyn Francisco, isang team leader ng Malayang Quezon City, ipinagmamalaki niyang kabilang siya sa 31 milyong Pilipino na bumoto kay Marcos noong eleksyon.


“Nagustuhan ko ang pangako ng pagkakaisa ni Pangulong Marcos at ang kanyang pangako na ipagpatuloy ang mga programang inilunsad ng mga nauna sa kanya,” ani Francisco.


Ayon naman kay Jun de Leon, presidente ng Laban Transport Network Vehicle Services, “Malaking tulong sa transport sector ang plano ng pangulong expansion ng Build, Build Build dahil mas mapabibilis ang biyahe ng komyuter and hopefully, hindi kalauna’y makatutulong ito sa sektor ng transportasyon. Kasabay nito, patuloy na umaasa ang transport sector na masosolusyunan din ang iba pang suliranin ng aming sektor kabilang na ang local ordinances katulad ng No Contact Apprehension.”


Ayon naman kay Konsehal Cris Mathay ng San Juan, “Nakatutuwang isinusulong ng Pangulo ang tunay na development ng bansa para maipakita natin sa buong mundo ang likas na kagandahan ng Pilipinas at mga Pilipino. Sa mga plano ni P-BBM, makikita nating makakasabay na rin tayo sa ibang bansa.”


ree

Dumating din sa event ang Bise-Presidente ng bansa na si VP Sara Duterte na lubos na ikinatuwa ng mga BBM- Sara supporters.


Anumang kulay natin noong nakalipas na eleksyon, ang mahalaga ngayon ay ang pagsuporta sa lider na pinili ng nakararami para sa tunay na pagbangong muli ng bansa.



Para sa inyong iba pang katanungan at kung may nais ibahaging tips, mag-email lang sa mathayrikki@gmail.com at i follow ang ating Facebook page na Rikki Mathay QC, at Instagram account na Rikki Mathay


 
 

ni Rikki Mathay - @Tips Pa More | July 21, 2022


Nagsama-sama ang iba’t ibang pulitiko mula sa iba’t ibang partido mapa-Luzon, Visayas at Mindanao man, para sa paglulunsad ng Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino (KNP).


Ito ay isang movement o kilusan na tumugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa unity o pagkakaisa, lalo na at tapos na ang eleksyon, kung kailan kahit magkakapitbahay sa barangay ay nag-away-away noon dahil sa pulitika.


Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, “Nakita ni Pangulong Marcos na kailangang pagkaisahin ang Pilipinas sa pamamagitan ng nationalistic movement. Kaya nagsama-sama ang kahit dati ay magkakatunggaling pulitiko upang mahikayat ang mamamayan mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na magkaisa na.”

At paano nila ito balak gawin?


“Kailangang ma-identify natin ang mga ugat ng problema ng lipunan. Halimbawa, ngayon pa lang ay nakikipag-ugnayan na tayo sa ibang departamento at kalihim upang alamin sa grassroots level ang mga problema na kailangang hanapan ng agarang solusyon,” dagdag ni Abalos.


Naniniwala ang KNP sa patuloy na pagbabago at na ang nagkakaisang sambayanan ang magiging matibay na pundasyon ng pagbabago tungo sa ganap na kadakilaan ng Pilipinas.


ree

Sa panawagan ng pagkakaisa ni P-BBM, dumayo sa paglulunsad ng KNP ang ngayon ay Congressman na ng Ormoc na si Richard “Goma” Gomez.


Ayon kay Goma, panahon na upang magsama-sama ang mga nagkaroon ng hidwaan noong eleksyon.


“Ang pag-unlad ng bansa natin ay magsisimula sa pag-angat ng buhay ng bawat Pinoy. Kaya maganda ang hangarin ng KNP na muling pausbungin ang pagiging nationalistic o makabayan ng bawat isa,” ani Goma.


Nakikita ng KNP na ang kilusang nagsimula sa 300 katao ay umusbong sa libu-libong kasapi sa loob ng maikling panahon.


Inaasahang tutok ang sambayanan at ang international media sa papalapit na unang State of the Nation Address (SONA) ni P-BBM, upang mapakinggan ng taumbayan ang iba pa niyang programa upang ganap na makamit ng administrasyon ang unity ng mga Pilipino, kasapi man ng kilusan o hindi.

Para sa inyong iba pang katanungan at kung may nais ibahaging tips, mag-email lang sa mathayrikki@gmail.com at i follow ang ating Facebook page na Rikki Mathay QC, at Instagram account na Rikki Mathay


 
 

ni Rikki Mathay - @Tips Pa More | July 14, 2022


Usapang negosyo naman tayo ngayon. Ano ba ang mga patok na negosyo nitong nakalipas na taon sa Pilipinas?


Ayon sa pag-aaral, ang mga kumikitang pangkabuhayan para sa small at medium sized na negosyo (SMEs) na bumubuo sa 99.6% ng mga establisimyento sa bansa nitong nakalipas na taon ay pinangungunahan ng pagbe-bake. Sinusundan ito ng online tutorial, graphic design, bills payment, patahian, digital marketing, homemade products at bigasan.


Kaya nakagugulat na wala sa listahan ang pampa-beauty na negosyo, lalo pa at naglabas ng online survey ang consumer knowledge and insights firm na Kantar Worldpanel, kung saan makikitang 72% ng mga Pinay ang umamin na gusto nilang pagandahin ang kanilang buhok at baguhin ang kanilang hitsura.


'Eto ang negosyong pinasok ng TikTok influencer na si Jhanelle Trias noong kasagsagan ng pandemya.


Naisipan ni Jhanelle na magtayo ng hair extensions home service noong pandemya. Isang sikat na cosplayer, alam niya kung gaano kamahal ang pagpapaganda ng buhok kung kaya't binabaan niya ang singil sa kanyang hair services. Na-bully pa nga siya noon ng mga karibal sa negosyo dahil 'yung mga produkto, tulad ng semi permanent hair extensions na nagkakahalaga ng tig-P20,000 hanggang P30,000 ay sinimulang ibenta ng Jhanelle Hair Extensions sa halagang P7,500! Mahirap man ay hindi nagpatinag ang batang negosyante sa pagsusumikap hanggang sa maging 11 na ang branches nito sa loob lang ng dalawang taon!


Bukod sa mababang presyo, hindi sinasakripisyo ang kalidad ng mga serbisyo at produkto, malaking tulong din ang pagkakaroon ng mga kasama sa negosyong mapagkakatiwalaan.


ree

Kung kaya't isa sa mga naging kasama ni Jhanelle noong nagsisimula pa lang sya ang kanyang paboritong tiyuhin na si Young Yabut Dela Cruz.


Ngayon, may sarili nang branch ng Jhanelle Hair Extensions sa Maysilo, Mandaluyong si Young. Ngunit kahit may mga branches na mas malaki at nauna sa kanyang branch, dinarayo si Young ng mga teenagers hanggang matatanda na mula pa sa malalayong lugar at probinsya. May mga kliyente pang dumidiretso sa Maysilo galing ng airport para magpa-beauty bago umuwi sa mga bahay nila.


Ano ba ang sikreto ni Young upang magkaroon ng loyal customers?


Una sa feedback ng customers na pumipili sa kanya sa dami ng branches at iba pang hair salons ay ang maagap niyang pagresponde sa mga nag i-inquire.


"'Yung iba kasi, anim na oras o mas matagal pa bago mag-reply," sabi ni Sharon na isang customer ni Young na mula pa sa Mindoro. "Si Young kahit na madaling araw, sumasagot sa mga kakulitan ko."


"Siguro kaya tuluy-tuloy din ang customers ko dahil very hands on ako sa negosyo. Ako mismo ang sumasagot sa mga nagme-message sa Facebook page naming Jhanelle Hair Extensions Mandaluyong. Araw-araw din akong nasa-salon para masiguradong okay ang services na hinahatid namin sa customers," ani Young.


Bukod sa libreng Milk Tea, nagustuhan din ng customers ang malapamilyang atmosphere sa shop ni Young.


"Kasi dapat ko rin pangalagaan 'yung magandang pangalang itinatag ng pamangkin ko. Iba rin talaga siguro kapag kapamilya o kaibigan ang magpa-franchise ng negosyo kasi may malasakit," dagdag ni Young.


Kung kaya't kung gusto mong magnegosyo, isaalang-alang din ang ginawang online survey kamakailan ng Nielsen kung ano ang mga nakaka-impluwensya sa mga Pinoy consumers na pinatototohan nina Jhanelle at Young:


1. Brand loyalty. Nakukuha ito ni Young sa kanyang pagiging mapalakaibigan sa customers.


2. Advertising. Hindi na mahal ngayon ang magpatalastas dahil sa mga libreng social media accounts. Naging malaking tulong ang Tiktok ni Jhanelle, lalo na noong nagsisimula pa lang ang kanyang negosyo.


3. Value for money. Hindi kailangang maging mahal ang mga produkto at serbisyo, basta hindi sinasakripisyo ang quality.


Kung gusto ninyong makita kung paano ito nagagawa at magpaganda na rin ng buhok, bisitahin ang Jhanelle Hair Extension sa 95 Maysilo St., Bgy. Plainview, Mandaluyong City.

Para sa inyong iba pang katanungan at kung may nais ibahaging tips, mag-email lang sa mathayrikki@gmail.com at i follow ang ating Facebook page na Rikki Mathay QC, at Instagram account na Rikki Mathay


 
 
RECOMMENDED
bottom of page