top of page
Search

ni Thea Janica Teh | January 9, 2021



ree


Permanente nang sinuspinde ng Twitter ang account ni outgoing US President Donald Trump nitong Biyernes dahil sa mga posts nito na mali ang resulta ng eleksiyon na naging sanhi ng pag-atake ng kanyang mga tagasuporta sa US Capitol.


Aniya, "After close review of recent Tweets from the @realDonaldTrump account," Twitter said in a blog post explaining its decision, "We have permanently suspended the account due to the risk of further incitement of violence."


Matatandaang nitong Miyerkules ay inatake ng mga tagasuporta ni Trump ang US Capitol na ikinamatay ng 5 katao kabilang ang isang police officer na si Bryan Sicknick.

 
 

ni Thea Janica Teh | January 9, 2021



ree


Umabot sa 6 ang bilang ng namatay at tinatayang nasa 50,000 katao ang lumikas sa Malaysia matapos bumaha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan, ayon sa mga awtoridad nitong Biyernes.


Inilarawan ng mga residente ang pagbaha bilang “worst flooding in half century”.


Agad na nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad matapos na maraming residente na ang nagreklamo dahil buong linggo na umano silang palabuy-laboy.


"I have lost everything. The water has covered my roof," kuwento ng isang 59-anyos na factory worker na si Tan Kong Leng.


Rumagasa ang pagbaha sa panahon ng tag-ulan sa kanilang bansa na taun-taon nang nararanasan ng mga residente, ngunit ayon sa mga naapektuhan, mas mataas umano ang pagbaha ngayon kesa nu'ng mga nakaraang taon.


Maraming kalsada, kasama ang main expressway na nagdudugtong sa east coast state ang isinara dahil sa pagbaha.


Ibinahagi ng Social Welfare Department na isa sa mga lubos na naapektuhan ng pagbaha ang lungsod ng Pahang kung saan tinatayang nasa 27,000 katao ang lumikas.


Ayon kay Muhammad Fadzil Wahab, residente ng Mentakab, bumuo na ito kasama ang lokal na pamahalaan ng Mentakab ng sariling patrol units para sa agarang pagresponde.


Aniya, "We scout the entire flooded village at night with our small boats and torch lights. My family members are safe at the evacuation centers."


Samantala, inaasahan ng Malaysia na tataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 dahil sa paglikas ng mga residente.

 
 

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | January 9, 2021


ree


Hello, Bulgarians! Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na kaisa nito si Pangulong Rodrigo Duterte sa layuning maibsan ang pasanin ng mga Filipino na lubos na naapektuhan ng pandemya. Kaya naman, imbes na 3.5% ang kolektahing kontribusyon mula sa Direct Contributors, gagawin na lamang itong 3% at P60,000 sa halip na P70,000 ceiling sa taong ito.


Ito ay ipatutupad hanggang sa makapagpasa ang Kongreso ng bagong batas na magpapahintulot na ipagpaliban ang nakatakdang premium adjustment sa ilalim ng Universal Health Care Act of 2019 (UHC Law).


Samantala, kung sakaling walang maipasang bagong batas, ipagpapatuloy na ng ahensiya ang nakatakdang premium rate at ceiling na nakapaloob sa UHC law.


Dagdag ng PhilHealth, batid nito ang malubhang sitwasyon na nararanasan natin ngayon at malaki rin ang naging epekto nito sa ekonomiya ng bansa. Dahil dito, gagawin umano nila ang lahat upang makatulong na mapagaan ang kalagayan ng bawat Pinoy lalo na pagdating sa kanilang kalusugan.


Makikipagtulungan ang ahensiya sa Mababang Kapulungan at sa Senado para sa pinakamabuting solusyon sang-ayon sa mga umiiral na batas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page