top of page
Search

ni Lolet Abania | December 20, 2020



Palalawigin ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang no-disconnection policy nang hanggang January 31, 2021, ayon kay Speaker Lord Allan Velasco.


Ito ang naging mungkahi ni Velasco sa Meralco na i-extend ang no-disconnection policy ng kumpanya para maipagpatuloy ang bayanihan spirit sa gitna ng COVID-19 pandemic.


“The extended grace period being given to our fellow Filipinos during the holiday season will provide much needed reprieve to those reeling from the devastating effects of the pandemic and natural calamities,” ani Velasco sa isang statement ngayong Linggo.


“This good gesture on the part of Meralco will go a long way in helping our kababayans feel secure this Christmas,” dagdag ni Velasco.


Noong November 30, nagpadala ng liham si Velasco kay Meralco President Ray Espinosa na humihiling ng extension para sa no-disconnection policy ng kumpanya mula ngayong Christmas season hanggang sa katapusan ng Enero, 2021.


Ani Velasco, malaki ang maitutulong nito sa lahat ng Meralco customers na matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic. “We appreciate that Meralco had extended the same courtesy during the height of the nationwide lockdown and we expect that the company will be as considerate this yuletide season,” ayon sa sulat ni Velasco.


Bilang tugon, nagpadala naman ng liham si Espinosa noong December 14 kay Velasco kung saan nakapaloob dito, "After careful evaluation and in consideration of the request, Meralco will extend its no-disconnection policy for unpaid bills from December 31, 2020 to January 31, 2021.”


Dagdag ni Espinosa, dahil sa extended grace period, makikinabang dito ang mahigit sa tatlong milyong Meralco customers na kumokonsumo ng 200 kilowatt kada oras at pababa sa kanilang monthly billing na Disyembre, 2020 na tinatayang nasa 47 porsiyento ng kabuuang mga customers.


 
 

ni Thea Janica Teh | December 20, 2020



Matapos ianunsiyo ang gender ng kanilang second baby noong isang linggo, masaya namang inanunsiyo ngayon ni Andi Eigenmann at ng boyfriend nitong si Philmar Alipayo na engaged na sila.


Sa second part ng kanilang Happy Island Fam Holiday Getaway vlog, makikita ang special moment ng dalawa sa balcony ng isang hotel room sa Batangas.


"This actually happened on our 3rd day, but we want to save the best for last," Andi wrote in the video. "Excuse our footage because it forged up from the rain," kuwento ni Andi. Ayon kay Andi, bigla na lamang nagkuwento si Philmar tungkol sa paglaki ng kanilang pamilya at kung paano nito gustong makasama si Andi habambuhay.


Matapos nito ay tinanong na umano siya ni Philmar at sinabing, “From my whole heart, I am asking you will marry me.” Nagsimula na umano siyang tumawa at maiyak matapos siyang tanungin ni Philmar at ilabas ang engagement ring. Agad umano itong umoo at ipinagpatuloy ang kanilang kuwentuhan.


Inanunsiyo rin ni Andi sa kanyang Instagram account na engaged na sila ni Philmar habang ipinapakita ang engagement ring. Ito ay may caption na “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen.


And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz!


 
 

ni Thea Janica Teh | December 19, 2020




Inaprubahan na ng United States nitong Biyernes ang paggamit ng COVID-19 vaccine na Moderna, ang ikalawang vaccine na gagamitin bilang emergency use.


Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Chief Stephen Hahn, "With the availability of two vaccines now for the prevention of COVID-19, the FDA has taken another crucial step in the fight against this global pandemic."


Agad din itong inanunsiyo ni US President Donald Trump sa kanyang Twitter account at sinabing "Congratulations, the Moderna vaccine is now available!"


Ang US ang kauna-unahang nag-authorize ng two-dose regimen sa Moderna, na ngayon ay ikalawang vaccine na ipamamahagi sa Western country sumunod sa Pfizer-BioNTech.


Nitong Disyembre 2, inaprubahan ng Britain ang Pfizer-BioNTech vaccine at sinundan na ito ng iba pang bansa sa buong mundo kabilang ang US.


Ang Pfizer at Moderna vaccine ay parehong base sa cutting edge mRNA (messenger ribonucleic acid) technology at pareho ring nagpakita ng 95% effectivity laban sa COVID-19.


May ilang side effects na naitala sa mga vaccine na ito tulad ng pain at the injection site, tiredness, headache, muscle pain, chills, joint pain, swollen lymph nodes, nausea, vomiting at fever.


Pero ayon sa US FDA, walang dapat ikabahala ang publiko dahil under monitoring na nila ang mga nakaranas ng side effects.


Plano nang ipadala sa US ang 20 milyong Moderna vaccine ngayong buwan at 80 milyon sa unang quarter ng 2021.


Samantala, ipamamahagi naman ang 100 milyong dose ng Moderna vaccine sa second quarter ng taon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page