top of page
Search

ni Thea Janica Teh | December 22, 2020



Nakatanggap na ng unang infected dose para sa COVID-19 si US President-elect Joe Biden nitong Lunes upang mahikayat ang publiko na magpaturok at maipakitang safe ang vaccine na ito na sisimulang ipamahagi sa susunod na taon. Kabilang si Biden sa high-risk group sa COVID-19 dahil sa edad na 78.


Kaya naman ito umano ang kanyang panlaban sa COVID-19 na nakapatay ng halos 315,000 katao sa Amerika at may kabuuang 17.5 milyong naimpeksiyon. Si Tabe Mase, isang nurse practitioner at head ng Employee Health Services sa Christiana Hospital sa Newark Delaware ang nanguna sa pagturok ng vaccine kay Biden sa harap ng mga reporters.


Matapos maturukan ng vaccine na ginawa ng Pfizer Inc., agad na pinuri ni Biden ang mga medical professionals at sinabing sila ay bayani.


Aniya, "I'm doing this to demonstrate that people should be prepared when it's available to take the vaccine. There's nothing to worry about."


Bukod pa rito, pinaalalahanan ni Biden ang publiko na makinig sa mga medical experts at huwag nang bumiyahe ngayong Kapaskuhan. Kinilala rin ni Biden ang mga scientists na gumawa ng vaccine na ito at sinabing "I think that the (Trump) administration deserves some credit, getting this off the ground with Operation Warp Speed."


Samantala, sa susunod na linggo naman nakatakdang magpaturok ng vaccine si Vice-President-elect Kalama Harris.

 
 

ni Thea Janica Teh | December 22, 2020



Isang Magnitude 4.9 na lindol ang tumama sa Quezon Province nitong Martes nang umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Nangyari ang pagyanig kaninang 2:14am sa 20 km northwest sa bayan ng General Nakar at may lalim na 15 km. Naramdaman din ang pagyanig sa ilang kalapit na lugar tulad ng Metro Manila at Rizal.


Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na magkakaroon ng aftershock ngunit hindi makasisira ng ilang istruktura.

 
 
  • BULGAR
  • Dec 21, 2020

ni Thea Janica Teh | December 21, 2020




Masayang inanunsiyo ngayong Lunes ng 27-anyos na singer na si Ariana Grande na engaged na ito sa real estate agent boyfriend na si Dalton Gomez.


Sa Instagram post ng singer, makikita na suot na nito ang diamond engagement ring at may caption na “Forever n then some.”


Agad na bumuhos ang congratulatory message sa comment section ng post ni Ariana kabilang ang ilang mga celebrity friends nito at ang kanyang manager na si Scooter Braun.


Aniya, "Congrats to these two amazing souls. Ari we love you and could not be happier for you. Dalton you are a lucky man.”


Unang isinapubliko ni Ariana ang relasyon nila ni Dalton sa music video nito na “Stuck with U” kasama si Justin Bieber.


Matatandaang una na ring na-engaged si Ariana sa ex-boyfriend nitong si Pete Davidson na bumida sa “Saturday Night Live” ngunit naghiwalay din noong October, 2018.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page