top of page
Search

ni Thea Janica Teh | January 13, 2021



ree


Isang low pressure area (LPA) ang magdadala ng malakas na pag-ulan ngayong Miyerkules sa Visayas at southern Mindanao, ayon sa PAGASA.


Huling namataan ang LPA sa 210 kilometers south ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur. Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, maliit ang posibilidad na maging bagyo ang binabantayang LPA.


Ngunit, pinaalalahanan pa rin ng PAGASA ang mga naninirahan sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Sorsogon at Masbate na maaaring magkaroon ng flash flood at landslide dahil sa malakas na pag-ulan.


Dagdag pa ni Estareja, makararanas din ng localized thunderstorm ang Davao Region at Soccskargen na magtatagal ng 1 hanggang 2 oras. Bukod pa rito, ang Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ay makararanas ng mahinang pag-ulan dahil naman sa hanging amihan.


Samantala, nakapagtala ng temperaturang 20.7 degrees Celsius kaninang 5:00 am ang National Capital Region at ang Baguio City naman ay nakapagtala ng 12.2 degrees Celsius kaninang 2:00 am.


 
 

ni Thea Janica Teh | January 13, 2021



ree


Kinakailangan nang magnegatibo sa COVID-19 test ang lahat ng pasahero ng eroplanong papasok sa United States sa loob ng tatlong araw ng kanilang departure bago payagang makapasok sa kanilang bansa, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) nitong Martes.


"Testing does not eliminate all risk but when combined with a period of staying at home and everyday precautions like wearing masks and social distancing, it can make travel safer," sabi ni CDC Director Robert Redfield. Ito ay magiging epektibo simula Enero 26, 2021 at pag-iingat na rin sa posibilidad na pagpasok ng bagong variant ng virus sa kanilang bansa.


Matatandaang nakapagtala na ng bagong variant ng virus ang bansang South Africa, Brazil at Japan. Sa ngayon ay inaaral na ng mga nabanggit na bansa kung paano ito malalabanan.


Bukod pa rito, inirerekomenda rin ng CDC sa mga pasahero na magpa-test muli 3 o 5 araw matapos ang kanilang pagdating at mag-quarantine sa bahay nang hanggang 7 araw. Ang test na ito ay para sa “current infection” at kinakailangan na may written proof ang lahat ng pasahero na ipapasa sa airlines, bago ito payagang makasakay ng eroplano.


Samantala, may ilang eksperto na ang nagbigay ng babala sa publiko na maaaring nabubuo na ang bagong variant sa loob ng US dahil sa dami ng nagkakaroon ng virus sa araw-araw at sa dami ng namamatay dito.


 
 

ni Thea Janica Teh | January 11, 2021



ree


Pinirmahan na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang kasunduan nito sa AstraZeneca COVID-19 vaccine para sa bibilhing 800,000 doses.


Ibinahagi rin ni Moreno na handa na ang storage facility para sa COVID-19 vaccine na matatagpuan sa Sta. Ana Hospital.


Ito ay naglalaman ng 12 units ng refrigerators at 50 units ng transport coolers na parte ng paghahanda sa pagdating ng vaccine sa kanilang lungsod.


Nitong Enero 1, inilunsad na ang pre-registration portal ng COVID-19 vaccination para sa mga residente ng Maynila.


Matatandaang inaprubahan ni Moreno ang supplemental budget na nagkakahalaga ng P200 milyon para sa vaccine na ito. Bukod pa rito, sinabi rin ni Moreno na maaari pa itong madagdagan kung kakailanganin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page